“Eto kumuha ka pa, paborito mo 'to 'di ba?”
Hindi ko alam kung pang-ilang beses na 'to, ngunit nakita ko na lamang ang sarili kong mapa-tinging muli kay Marina. Nakangiti siya kay DJ habang inaabot ang platter ng roasted beef tenderloin. So 'yun ang paborito niya? Oh. Siguro kilalang-kilala na talaga ni Marina 'tong si DJ, gano'n na siguro talaga sila katagal magkakilala.
Tumingin ako sa katabi ko para makita ang reaksyon niya. Gaya ng kanina ay nagpasalamat lamang muli siya at kinuha kay Marina ang serving plate. Napapagitnaan ako nila Jebediah at Maia habang ang nasa harap ko'y si Theo na katabi ni Marina.
“Sinabi ko talaga kay Chef Pius na ihanda 'yan dahil nga bibisita ka, pinapasabi nga pala nilang sana makita ka rin nila,” sabi pa ni Marina. Nagtataka akong napatingin kay DJ. Base sa mga narinig ko, hindi nga ito ang unang pagkakataon na makapunta siya rito, parang malapit pa siya sa mga tao dito, is there a time he stayed here?
Tila naramdaman niya ang tingin ko kaya naman agad siyang napatingin sa'kin. I felt him hold my hand under the table and give it a reassuring squeeze. “You should try the steak too Love, you'll like it,” lumingon ako sa plato ko na tanging maliit na portion lang ng pasta at konting salad ang laman. Wala akong ganang kumain. To be honest I just want to leave.
Inayos ni DJ ang laman ng plato ko para malagyan ito ng isang piraso ng steak at siya na mismo ang nag-slice nito into bite-sized pieces. Nang matapos ay tinusok niya ang isang piece gamit ang tinidor at inalok ito sa harap ng bibig ko.
“Try it,” sabi pa niya kaya naman wala na 'kong nagawa at tanggapin ito. Gaya ng sabi niya'y masarap nga ito.
I smiled, “it's great!” At parang nabuhay na naman ang appetite ko, nakaramdam na naman ako ng gutom.
“You should meet Chef Pius then, papakilala kita sa kanya,” tumango ako at bumalik na muli sa pag-kain.
“So kamusta na nga pala sila Mama't Papa?” Nabalik muli ang tingin ko kay Marina na siyang nagtanong... Mama't Papa?
Saglit pang hindi nakasagot si Jebediah, “ayos lang sila, busy sa business but they're doing well,” sabi niya.
“That's good to hear, I really miss Mama Freya's caramel bars,” awtomatiko akong napayuko. So she's talking about Tito Mattheo and Tita Freya. Mama't Papa pa ang tawag niya sa mga ito. Ako nga hindi pa sila ga'nong nakakasama dahil kahit lumipat na ako sa mansyon ay wala naman sila at nangyari pa 'tong lahat.
And I'm supposed to be Jebediah's mate? What if... What if I'm not good enough to be his mate? Pa'no kung mas bagay pala si Marina sa kanya? What? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo Leto?!
Hindi ko alam at bigla na lang akong napatingin sa harap ko kung saan nakaupo si Theo. Patuloy lang ang pag-kain niya na para bang walang naririnig. Isn't he affected of how close Marina and DJ are? So ako lang talaga? Don't tell me I'm being jealous? I'm being really immature and petty! I should not even compare myself with her, obvious namang walang-wala na 'ko.
“And I really miss those times we hang out in the mansion's gazebo. We should—“
“Troo, Marina. Skase,” lahat ay nagulat nang magsalita si Theordan. Kahit hindi ko naiintindihan ang mga salitang sinabi niya, base sa tono niya'y tila pinapatahimik niya ang kanyang kapareha. Saglit na nagulat si Marina. 'Di ko alam kung namamalik-mata lang ako o ano but for a second there, I saw her glare at him pero binalik niya lang ang tingin niya kay DJ.
“What's wrong Theo? I'm just reminiscing my childhood memories with my best friend,” ngiti niya, “we've spent all those years growing up together and I knew him better than any one else,” napapikit ako. No... no Leto. Huwag mo siyang pag-isipan nang masama. She's saying it as a matter of fact and not to mock you.
“You know me as a kid Marina, ikaw na ang nagsabi – childhood memories. It's all probably just immature memories of you and I. People change. At ang imposible naman yata na wala nang mas nakakakilala pa sa'kin more than you. I'm sure my mother tops everyone and I'm sure Leto will too, she's my mate after all.”
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ni DJ kasabay ng pagtingin ko sa kanya. I'm hella sure may double-meaning sa sinabi niyang iyon pero yung mga salita lang niya mismo, si Jebediah pa ba 'to?
“And we're really happy you finally found her Jebediah,” sabi ng Mahal na Reyna at napayuko na lamang ako sa hiya.
“She turned out to be really beautiful too!” Excited na sabi pa ni Via. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Please stop. Pagmamakaawa ko gamit ang mga mata ko but she just laughed at me at nagpatuloy pa rin. “Look at her blush! So adorable... what a lucky bastard you are!”
“Language Invidia,” mahinang suway ni Vulcan pero kahit siya'y nakangiti rin. Wala naman kasi talagang makakatiis kay Via.
Biglang nabalik ang tingin ko sa katabi ko nang bigla na naman niyang hawakan ang kamay ko at tinaas pa niya talaga ito't hinalikan, you're killing me! “Yeah, what a lucky bastard I am,” he whispered as my cheeks literally heat up.
Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. Natigil kami sa paglalakad dahil niyaya ko siya dito sa mini hanging bridge sa garden ng palasyo. Matapos naming kumain ay dinala niya ako sa kusina ng palasyo upang maipakilala kay Chef Pius. Hindi lang si Chef ang nakilala ko kundi pati ang ibang nagtratrabaho rito gaya ni Butler Max at Maid Clarissa. Lahat sila'y sobrang babait at kahit hindi ga'nong ka-fluent sa English at laging Greek ang ginagamit na lenggwahe, tinulungan naman kami DJ na magkaintindihan.
Now we're finally gonna talk. Ang pag-uusap na hindi ko alam kung magpapasaya o magpapakaba sa akin.
“I want you to tell me everything DJ,” sabi ko sa kanya. “Please tell me. Kahit sa rami ng nasabi sa'kin ni Maia, bakit parang pakiramdam ko ang dami ko pa ring hindi alam? Na kahit nabawasan, naguguluhan pa rin ako sa ibang mga bagay.”
“I'm sorry,” buntong-hininga niya, “imbes na sa akin mo malaman ang lahat ay sa ibang tao pa ito nanggaling.”
“Stop asking for forgiveness,” hawak ko sa braso niya. Kinuha niya ang kamay ko mula rito at dito na natutok ang atensyon niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. “I once imagined na pa'no nga kung hindi ako dinala rito ni Maia at nanatili ako sa Thea Artem? I would have jumped into conclusions and hated you... worse, I may have feared you.”
“And you don't right?” Tingin niya nang diretso sa akin sabay tanong na puno ng pag-aalala.
“I once thought of it, na baka pag nakita kita uli hindi ko na magawang makalapit sa'yo... but that seems impossible,” bahagyang ngiti ko, “kung gusto mo 'kong saktan ay matagal mo nang ginawa.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
“I would never, Leto. Please don't ever fear me.” Kumunot ang noo ko, bakit sa tono niya ay parang siya pa ang natatakot? May bago na namang tanong ang dumagdag sa daan-daang iba pang matagal nang nasa isip ko.
“Then please tell me everything I need to know.”
“From when?”
Napakagat ako sa labi ko, it is now or never Leto. “Tell me about Marina, childhood friend nga lang ba siya Jebediah?” I felt him stiffen, at mas lalo pa akong nagtaka. So meron nga? I need to know now. I need to find out everything right at this moment.
“Ipangako mo muna sa'king patatapusin mo 'ko sa pagkukwento bago ka mag-react.”
Hinawakan ko ang pisngi niya, tumango at huminga nang malalim, “just tell me.”
“She was my childhood friend and was once my chosen mate.”
“She was...” bulong ko.
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Bigla na lamang akong napapikit dahil sa mga ideyang mabilis na pumasok sa isip ko. She was once his chosen mate, at kitang-kita naman kung bakit. I know she deserves it more than I do. Hindi na ako magtataka kung bakit napili siya ni DJ, and now – now it looks like she still has feelings for Jebediah. Paano na lang kung—
Agad akong napatingin muli kay DJ. Inobserbahan ko ang ekspresyon sa kanyang mukha at pilit na binasa ito. Pilit kong inalam kung may nararamdaman pa ba siya kay Marina.
“What's with the look?” tanong niya nang nakakunot ang noo. I know I'm giving him a knowing gaze but I can't help it. Hindi ako nakasagot, kaya naman saglit na walang nakapagsalita sa'min. Hindi nagtagal ay tila napagtanto niya kung anong ginagawa ko. “Katherine stop it,” he coldly said bago hawakan ang magkabilang pisngi ko at ilapit ang mukha niya sa'kin. “Hey I know what you're thinking... itigil mo 'yan,” sabi pa niya.
“Masisisi mo ba 'ko?” Mahinang sabi ko at magsasalita pa sana siya nang unahan ko na siya, “so you love her?” Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang gumagaan na ang loob ko sa kanya? Pinanuod ko kung pa'nong mahirapan siyang makasagot. Doon pa lang ay nakuha ko na ang sagot ko. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa'kin at humakbang paatras. “Kung mahal mo pa siya bakit ako narito ngayon? Am I just a rebound?”
Mabilis siyang napahawak sa kanyang noo, “Jesus, Katherine! You promised me na hahayaan mo muna 'kong magpaliwanag. You know I'm not good at this,” humakbang siya palapit sa'kin at aktong hahawakan ako sa bewang ngunit umatras muli ako palayo sa kanya. Mabilis kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil sa gulat at malungkot na ekpresyong agad na rumehistro sa kanyang mukha. “Please let me explain first,” he pleadingly said and I hate it.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. He's right. I promised to let him explain pero anong ginawa ko? Ako na mismo ang humakbang muli palapit sa kanya at hinawakan ang parehong kamay niya. “No I'm sorry. I just—“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang hilahin niya pa ako nang mas malapit bago yakapin. I leaned the side of my head against his chest and closed my eyes, taking a deep breath. This is it, ready yourself Leto.
“Her mother was Mom's personal Omega kaya naman tinuring ko na rin ang kanyang ina na parang sarili ko na rin, at siya na parang kapatid ko. Mula pagkabata ay magkasama na kami, kahit isa lamang siyang Omega at ako, ang susunod na Alpha. Wala namang kaso iyon sa Pamilya dahil dati, pantay-pantay lamang ang turing namin sa lahat, Omega ka man o may mas nakatataas na ranggo.
“Until I reached my sixteenth birthday – the age werewolves must shift for the first time and is expected to feel the first effects of the mate bond. Like anyone else, I shifted for the first time and through it all she was there. Lagi kong sinasabi sa sarili kong hihintayin ko ang kapareha kong itinakda mismo para sa'kin ng Thea Artem pero... pero noong oras na iyon, may naramdaman ako para kay Marina. I know I have feelings for her way before that, but that day it just became deeper. I fell in love with her.”
Hindi ko na kinaya pa at pilit ko nang inalis ang yakap niya sa'kin pero lalo niya lang itong hinigpitan na nakapagpatigil sa'kin. No! I don't want to listen anymore... ang sakit na. I shouldn't have let him explain!
“DJ tama na,” sabi ko gamit ang garalgal kong boses dahil sa mga luhang tumutulo na ngayon mula sa mga mata ko. Sinubukan ko muling kumalas sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako hinayaan kahit pa hampas-hampasin ko na ang dibdib niya. “Please! I get it, you still love her... paka—“
“Who said I still love her Katherine?” Napatingala ako at naabutang nakatingin na siya nang diretso sa'kin,. “I said I fell in love with her, this was years ago. I was sixteen and I cared for Marina immensely. I thought it was love, so the immature Jebediah announced to everyone that Marina will be my chosen mate. Mga bata pa kami no'n at hindi pa rin siya nakakapag-shift kaya naman hindi pa ito pinahintulutan ni Papa, na sa mga panahong iyon ay ang Alpha.
“I found out she's already in love with me since we were kids, and I was really happy. Akala ko magiging maayos na ang lahat, until the year she shifted, also the year of my eighteenth birthday. On the day of my celebration, balak na din ni Papa na gawing opisyal ang pagiging susunod na Luna ni Marina. Every Pack leaders were invited, it was supposed to be a happy day. Each Pack – even the one we consider as our arch nemesis for generations now. You see, kahit marami kaming hindi napagkakasunduan ng Pamilya nila Theordan, we still should act civil dahil sa utos ng monarkiya, and—“
Alam kong naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ko sa braso niya kaya naman natigilan siya sa pagkekwento. “Nandoon si Theo at no'ng nakita niya si Marina... he found his mate,” ako na mismo ang nagpatuloy dahil halata namang doon papunta 'yon. “Bakit hindi mo siya pinaglaban? You love her right?” bigla na namang kumunot ang noo niya.
He sighed, “stop saying I love her Katherine, I loved her... or better, I thought I loved her. Sinong nagsabing hindi ko siya pinaglaban? I fought for her, I did everything! Pero mas pinili niya si Theo at wala na 'kong nagawa.” Natigilan ako at hindi na nakapagsalita.
Something's not right... sinabi niya kaninang, inamin sa kanya ni Marina na mahal siya nito mula pa pagkabata pero bakit pinili niya si Theo? Sa pagkakaalala ko sa mga natutunan ko kay Maia, hindi pa naman gano'ng kalalim ang mate bond sa oras na magkita ang magkapareha at maaari pa nila itong mapigilan – maaari pa silang pumili ng iba. Pero bakit nagawang piliin ni Marina si Theo na nakatadhana man ay wala namang malalim na relasyon sa kanya? May hindi pa ba sinasabi si DJ?
“But now you're here,” natigil ako sa pag-iisip at muling tumingin sa kanya. He said those words softly while gazing at me. Saglit pa akong hindi nakahinga dahil sa tinging binibigay niya sa'kin... a look full of awe and adoration. I know it's not love yet but it's getting there. We're getting there. “Two years after she left me, dalawang taon ng paghihintay at dalawang taon ng paniniwalang hindi ko na kailan pang mahahanap ang nakatadhana sa'kin. I lost hope Love, but the first time I saw you... damn you look like a goddess sent exclusively for me.”
Wala na 'kong nasabi. Ano namang masasabi ko sa mga binitawan niyang salita? Oh God, why is he so perfect when he finally found the right words to say? I just melted right there and then.
“You collapsed right onto my arms,” malalim siyang huminga kasabay ng pagyuko at pagdikit ng noo niya sa noo ko. Hinawakan niya ang magkabilang panga ko at pumikit, “I thought I lost you even before I knew what your name is.”
“Jebediah...” bulong ko dahil iyon na lamang ang kaya kong sabihin ngayon, ang pangalan niya. Humawak ako sa magkabilang balikat niya at tumingkayad saka hinalikan ang noo niya. I wish it would make him feel better. “Iyon ba ang dahilan kung bakit sobrang protective mo sa'kin?”
Umiling siya at binuksan muli ang mga mata niya, “no, kahit hindi iyon nangyari, magiging protective pa rin ako sa'yo. I won't ever let you get hurt, my love. Yung nangyari sa’yo, I—“
“Shh...” hinawakan ko ang pisngi niya dahil nakikita kong nahihirapan na siyang ipagpatuloy ang sinasabi. Binabalikan niya ang nangyari sa'kin at sa mga rebelde noon. Kailanman ay hindi ko siya sinisi... wala akong sinisisi kundi ang sarili ko lang. “Wala kang kasalanan okay? Ayos na 'yon, kalimutan na natin yung nangyari. Magaling na ang mga sugat ko, okay na ko.”
“After that, sabi ko sa sarili ko hinding-hindi ka na mawawala sa paningin ko, but...” ngayon ay may galit na siyang ekspresyon sa mukha na ipinagtaka ko, now what? “But my sister... that stubborn woman pissed the hell off of me for taking you here,” lalo pa akong nagtaka.
“Sister?” Wait, 'wag mo sabihing—
“Si Ate Ceres?”pagkumpirma niya.
Napanganga na lamang ako, “magkapatid kayo ni Maia?” hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit ngayon ko lang 'to nalaman!? Tumango siya, “at hindi mo alam na dadalin nya ko rito?”
“Nagpaalam siya pero hindi ako pumayag and look what she has done,” kwento niya. “Though I'm here now, and we're going home.”