“Bakit ba kailangan mo pang sumama?” Inis na reklamo ni DJ. Hinampas ko ang braso niya bago tingnan siya nang masama.
“Hoy Daneios, kahit Alpha ka na tandaan mong mas matanda pa rin ako sa'yo at mas mataas ang ranggo ko sa'yo,” narinig kong bumuntong-hininga ang katabi ko bago ibaon ang mukha niya sa aking leeg. Pilit kong inalis ang ulo niya habang ilang na ngumingiti kay Maia. Natawa lang ito sabay iling at binalik na muli ang tingin niya sa labas ng sasakyan.
“Handa ka na bang makita sila uli?” biglang sabi ng katabi ko.
“Maybe?” hindi siguradong sagot ko.
Itinaas niya muli ang ulo niya mula sa balikat ko at tumingin sa'kin, “many things will be different starting tonight,” sabi pa niya.
Bahagya akong natawa, “simula yata nang paglipat namin, ang dami nang nagbago sa buhay ko... nasanay na 'ko.”
Ngumisi siya, “we'll see baby, this one's a lot bigger than you expected.”
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa katapat kong dingding at nakumpirmang halos kalahating oras na kaming naghihintay dito sa living room. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko mula pa kaninang pagdating namin. Dahil hating-gabi na kaming nakarating, kinailangan pang ipatawag ni DJ sina Ate. Kahit anong pilit niyang sabi na magpahinga na kami at ipagpabukas na lang ang lahat nang 'to, hindi ako pumayag dahil gustung-gusto ko nang makita ang kapatid ko.
Lumipas muli ang ilan pang mga minuto bago tuluyang bumukas ang pinto ng mansyon at iluwa nito ang nagpa-panic kong kapatid kasunod si Kuya Cairo. I stood up and immediately ran towards her. “Ate,” I exclaimed hugging her tightly.
“Diyos ko Leto, I was so worried! 'Wag mo nang uulitin 'yun please,” sabi niya bago halikan ang ulo ko at muli akong yakapin.
“Sorry Ate, sorry talaga.” Kinalimutan ko muna ang 'di namin pagiging tunay na magkapatid. Siya pa rin ang kapatid ko at walang magbabago do'n. Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya muli nang diretso. “Nakausap mo na ba sila Mama? Tumawag ba sila habang wala ako?" tanong ko.
Bigla lamang siyang napayuko bago saglit na napatingin sa likuran ko kung sa'n nakatayo si Jebediah. Kumunot ang noo ko, halatang may tinatago sila sa'kin at ngayong marami na akong nalalaman ay hindi na ako makakapayag pang magtago sila ng iba pang mga bagay mula sa'kin.
Magsasalita sana uli ako nang hindi ko ito naituloy dahil sa dal'wang pigurang bigla na lang yumakap sa'kin.
“Luna!” “Leto!” sabay na sigaw ng kambal. Halos manlaki ang mga mata ko sa sunod nilang ginawa... lumuhod sila mismo sa harap ko.
“Sorry na, sorry... patawarin mo kami,” pagmamakaawa ni Ina.
“Hindi kami makapag-shift nun kasi ayaw naming biglain ka, 'di ka namin tuloy nailigtas,” paliwanag naman ni Erin.
Dali-dali kong hinawakan ang mga braso nila at marahan silang tinulungang tumayo. “Ano ba kayong dalawa! Walang may kasalanan sa nangyari okay? Ang importante nandito na 'ko ulit,” nginitian ko sila at ang mga baliw, nagsitilian lang bago yakapin ako ulit.
“Sobrang takot na takot kami!” pagrarant ni Erin, “ang kulit mo kasi eh! Sabi namin 'wag ka nang lumapit,” pout pa niya at natawa lang ako. Sasagutin pa sana ako nang nakita ko na lang uli ang apat pang pigurang nakaluhod sa gilid ko.
“Huy! Kayo din? Kahit ikaw Kuya Cai? Tumayo nga kayong lahat diyan... ano bang mga ginagawa niyo?” Natatawa kong sabi kila Kuya Cairo, Ares, Tusker at Rael. Napayuko lang sila na ibang-iba sa ugaling nakilala ko sa kanilang apat.
“Napahamak ka dahil sa'min kaya—“
Mabilis kong hinawakan ang braso ni Kuya Cairo na nakapagpatigil sa kanya, “alam ko na kung bakit Luna ang tawag mo sa'kin,” maloko kong ngiti at pinanuod ko kung pa'no manlaki ang mga mata niya. “Huwag na tayong magsisihan sa nangyari, tapos na 'yon... imposible mang makalimutan, at least ngayon alam ko na ang lahat at sana dumating ang oras na mabigay ko na sa inyo nang buo ang tiwala ko,” tiningnan ko sila na sabay-sabay na tumango sa mga sinabi ko.
“Can you all stay for a bit? May gusto lang sana akong pag-usapan,” nang makita ko silang tumangong muli ay bumalik na ako sa dati kong inuupuan. Naupo muli si DJ sa tabi ko at ang iba – kasama si Maia na bumati rin sa kanila – ay nasa mga couches sa harap namin.
“Nasa business trip ngayon sina Mama't Papa,” bulong sa'kin ni DJ, “bukas ang uwi nila, they're dying to see you.” Nginitian ko siya kasabay ng pagpatong niya ng braso sa mga balikat ko, giving it a reassuring squeeze.
“Alam kong masyado 'tong mabilis, at maaaring isipin niyo na pwede namang ipagpabukas na lang pero...” tumingin muli ako kay DJ at naabutan siyang nakakunot ang noo. Wala siyang ideya sa sasabihin ko pero kanina ko pa ito iniisip sa byahe pa lang. “Gusto kong malaman kung bakit pinupuntirya ako ng mga rebelde?” I felt the hand on my shoulder tense up and the body beside mine stiffened. Tumingin ako sa mga kasama ko at lahat sila'y kung hindi nag-aalalang ekspresyon ang nasa mukha, ay blangkong nakatingin kay DJ.
“She has the right to know brother,” lumingon ako kay Maia at bahagyang ngumiti sa pagsang-ayon siya sa'kin. “Ito ang isang bagay na hindi ko nasabi sa kanya dahil alam kong hindi ako ang tamang tao na dapat magsabi sa kanya nito,” dagdag pa niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng katabi ko kaya naman binalik ko ang tingin sa kanya at hinintay ang kanyang paliwanag.
“Do you remember two days before the attack, the day you and the twins were in the mall?” pagsisimula ni DJ bago ako tumango bilang sagot. Imposibleng makalimutan ko 'yun dahil sa nangyari sa matandang lalaki at sa pagsagip ko kay Cleo. “Dahil sa nangyaring 'yon, mas kumalat ang balita tungkol sa'yo – about me, finally finding my mate and my future Luna. The news reached even the other Packs, and it meant also the Rogue groups.”
Kumunot ang noo ko, ano namang mapapala nila sa'kin? Anong kinalaman ng pagiging Luna ko at mate ni DJ sa mga rebelde?
Nakita yata niya ang pagtataka ko dahil bigla na lang siyang umupo sa harap ko sabay hawak sa magkabila kong kamay.
“Katherine, I'm an Alpha. Sa pagiging pinuno ko sa isang Pamilya, marami na akong naparusahan, marami na akong napaalis sa rito, maraming may gustong umagaw sa pamumuno ko. Marami nang galit sa'kin at gusto akong pabagsakin. Those cowards have been waiting for this moment to come, for me to find my mate. For me to find you because Love, you're my weakness.”
Sa sinabi niyang iyon, naging maliwanag sa akin lahat. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang kinalalagyan ko ngayon. I'm always in danger at siguro ay iyon din ang dahilan kung bakit sobrang protective sa'kin ni DJ. Napapikit ako sa takot, hindi lang para sa sarili ko pero para na rin kay Jebediah. Sa gantong buhay ba siya lumaki? Kahit hindi pa siya ang Alpha, si Tito Mattheo naman ang dating pinuno, kaya malaki ang posibilidad na mula pagkabata ay laging nasa panganib na siya. Kaya ba gano'n na lang ang pagka-cold at impassive niya?
All this time, reklamo ako nang reklamo sa ugali niya pero hindi ko man lang muna inalam kung bakit siya naging gano'n. How selfish.
“Pero pa'no na? Ano nang gagawin natin? Wala na naman sila right? Nakakulong na naman sila di 'ba? Hind—“
“Leto,” napatingin ako kay Ate, seeing her reassuring smile made me calm down a bit. “Huwag kang mag-alala, ligtas ka kay DJ okay? No one will hurt you Bunso,” I nodded and turned my gaze back to my mate. He won't let me get hurt again, alam ko 'yon.