Chapter 23

1224 Words
Matapos naming ihatid si Maia sa dati niyang kwarto, ngayon naman ay ako ang ihahatid ni DJ sa kwarto ko. I must say na kahit isang gabi pa lang akong naka-kapag-stay doon ay namiss ko ‘to. Nadaan kami sa pinto ng opisina niya at napakunot na lang ang noo ko dahil sa halatang bagong pinto nito. Mukhang kapapalit lamang at amoy na amoy pa ang pintura. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng kwarto ko at huminto na siya sa paglalakad dahilang ng pagtama ko sa likod niya. Seriously, gawa ba sa bakal ang likod nito?             Dali-dali akong umayos ng pagkakatayo habang ramdam ang pag-iinit ng mukha ko, humarap siya nang nakataas ang kilay at nakangisi. “Okay ka lang?” tanong niya sabay bahagyang tawa pa.             Iritable akong tumingin sa kanya, “nagtataka lang ako sa bagong pinto nung opisina mo,” turo ko sa nasabing pinto. Napatingin din ako sa direksyon ng kwarto niya at nagulat nang makitang ang isang ito naman ay door frame na lang talaga ang natira. O? Bakit walang pinto yung kwarto niya? “Nasa'n na yung pinto ng kwarto mo?” Maglalakad na sana ako papunta rito nang bigla niya akong pigilan at ibalik sa harap niya.             “'Wag mo nang isipin 'yon, magpahinga ka na,” sabi niya. May nangyari ba? Kung iniisip niyang makakatakas siya sa'kin, nagkakamali siya. Tomorrow I'll be on a mission, cue evil laugh.             Unti-unti akong tumango, “ohhh-kay.” Saglit ko siyang tinitigan pero hindi siya nagpatinag, “sigurado kang matutulog ka sa kwarto mong walang pinto?”             Ngumisi siya na nakapagpakaba sa'kin, “are you inviting me to sleep with you tonight, Love?” Napasinghap na lamang ako sabay hakbang paatras, what an infuriating male!             “No!” masyadong mabilis at masyadong malakas kong pagtanggi, nice Leto, nice. “Uhm—“ pilit akong tumawa at iniwas ang tingin sa kanya, “bakit nga ba ko nagtatanong pa? Sa laki ba naman ng mansyon niyo siguradong marami kang guest rooms na pagpipilian,” tango ko pa para makumbinsi siya, pati na rin ang sarili ko. Patuloy lang ang pagngisi niya – bumalik na naman ang isang 'to sa dati, ugh.             “Nah,” iling niya, “they're all locked, si Mama ang incharge sa ibang rooms. Hindi ko nga nasabi sa kanya bago siya umalis, pero ayos na 'ko sa living room,” at nagawa pa niyang bumuntong-hininga for effect bago dumaan sa gilid ko at nagsimulang maglakad. Mabilis akong umikot sa pwesto ko para harapin siya pero patuloy lang siya sa paglalakad. Seryoso siya?             “Bakit hindi ka na lang sa opisina mo matulog? May settee din naman dun 'di ba?” Pilit kong pag-hanap ng komportableng matutulugan niya.             He shrugged, “mabaho yung pintura,” sim-pleng sagot lang niya habang palayo na siya nang palayo sa'kin. Inalala ko yung double-seater sa baba kanina at sa tangkad niya, sigurado akong hindi siya magiging komportable roon. Saka pa'no na lang kung makita siya ng mga kasambahay at mga Omega bukas ng umaga? Ano na lang ang iisipin nila?             Kinagat ko ang labi ko bago tuluyan nang sumuko. “DJ!” Pa-liko na siya sa dulo ng hallway nang harapin niyang muli ako nang may nagtatakang eks-presyon. Tumingin ako sa pinto sa tabi ko bago ibalik ang tingin sa kanya, naglalakad na muli siya pabalik sa pwesto ko hanggang sa nasa harap ko na siya muli.             “May kailangan ka pa ba, Katherine?”             Napayuko ako, “uhm... malaki naman yung kama ko saka, uhh—“ hoy Leto! Sabihin mo na, ano pa bang iniinarte mo d'yan? “Siguro kasya naman tayong dalawa dun 'di ba?” Unti-unti kong binalik ang tingin ko sa kanya at naabutan na lang siyang nagpipigil ng tawa. Niloloko ba 'ko ng isang 'to!? “Baka pala hindi tayo kasya, sige na bumalik ka na sa baba,” inis kong sabi bago humarap sa pinto.             Bago ko pa mabuksan ay siya na mismo ang nagbukas nito at walang sabi-sabing pumasok sabay bukas ng lampshade ko. Agad akong sumunod sa loob bago mabilis na isarado muli ang pinto – baka kung sino pa ang dumaan at kung anong isipin no! Gigisingin ko na lang ang isang 'to bukas nang madaling-araw para makatakas siya. Baka mahuli pa kami nila Tito, bukas pa naman ang balik nila.             “Love, wala nang bawian,” sabi niya kaya naman nabalik ang atensyon ko sa kanya. Pero hindi nakapaghanda ang buong pagkatao ko sa susunod na nangyari. Halos sumabay sa pagka-laglag ng panga ko ang kaluluwa ko nang biglang maghubad siya ng shirt saka nagsimulang i-unbuckle ang sinturon niya... Diyos kong mahabagin.             “Ahhh!” Sigaw ko at nakita ko pa siyang bahag-yang napatalon bago ko tuluyan nang takpan ang mga mata ko. “Ano ba 'yang ginagawa mo!? Hoy Jebediah! Not because I already knew we're mates, papayag na ko na- na ano... na—“ natigil ang pagsa-salita ko nang makarinig ako ng isang ‘di pamilyar na tunog... ang tawa niya. Dali-dali kong inalis ang mga kamay ko mula sa mga mata ko at hindi na ininda ang 'kundisyon' niya, dahil naabutan ko na lang ang sarili kong pinapanuod siyang tumawa.             Napansin niya yatang natigilan ako dahil unti-unti na rin siyang tumigil at nakangiting binalik ang tingin sa'kin. Kahit sa ngiti niya ngayon, naninibago ako... ano bang ginagawa niya sa'kin? Hanggang ngayon ay lalo pang lumalakas ang epekto niya sa akin at kahit ako ay tinanggap nang hindi ko na ito mapipigilan pa.             “Come here, my Luna,” sabi niya at tatanggi na sana ako nang biglang nag-iba ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung pa'no ko iyon napansin, I just know that his gaze somehow softened at 'yon ang nakapagtulak sa'king lumapit sa kanya.             Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama. Nang makalapit ay hinila niya ako nang mas malapit pa at pinulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang bago isandal ang kanyang ulo sa gawing tiyan ko. Naramdaman ko na lang ang sarili kong napangiti at 'di na na-kontrol ang mga kamay kong paglaruan ang malambot niyang buhok.             “I told you Katherine, we'll be taking it slow. As long as you're at ease, magiging okay rin ako. Hindi kita pipiliting gawin ang isang bagay na hindi ka pa handang gawin,” lalo pa akong napangiti.             “Thank you,” bulong ko at bahagya niya akong tinulak paatras para makatingala siya at ngitian rin ako pabalik. Parang ang dalas naman yata niyang ngumiti ngayong araw? I kinda... like this side of him. “Bakit nga ba walang pinto yung kwarto mo? May nangyari ba nung umalis ako?” Sabi ko ng tanong na kanina pa bumabagabag sa isip ko.             Kinagat lamang niya ang kanyang labi – and I literally felt my knees go weak seeing it, might I add – saka umiling. “Tulog na tayo, siguradong napagod ka sa haba ng flight,” hihilahin na niya sana ako pahiga ng kama nang may mapansin ako sa buhok niya. Nakahawak pa rin ako dito kaya naman nung umatras siya nang bahagya ay nahila ko rin ito at saglit kong nakita ang anit at hair roots niya.             Kumunot ang noo ko, “bakit parang nagla-light yung kulay ng buhok mo?” nagtatakang tanong ko.             Ngumisi siya bago ako tuluyang hilahin pahiga ng kama. Mabilis kong hinubad ang doll shoes ko at tumalikod sa kanya bago patayin ang lampshade. Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa'kin mula sa likod at pagbaon ng mukha niya sa leeg ko.             “I am naturally blond, Love,” rinig kong bulong niya bago magpatalo sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD