I woke up with someone moving inside my room. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nagpasalamat na wala pang nagbubukas ng mga kurtina, dahil konting liwanag pa lang ang nasa silid. The person continued moving around kasabay ng pagbangon ko bago kusutin ang aking mga mata para klaruhin ang paningin ko. Nang makita ko kung sino ito ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Sisigaw na sana ako nang maalalang dito nga pala siya natulog.
Wait! He should leave! Oh my God, pa'no na lang kung—
“Good morning,” hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala siya at naramdaman na lamang ang paghalik niya sa noo ko. “Go back to sleep Love,” sambit pa niya.
Kunot-noo ko siyang pinagmasdan at napansing bahagyang basa pa ang buhok niya. Nakasuot siya ng long-sleeved plain gray tee-shirt at ripped jeans, nakaapak pa siya pero napansin ko kanina ang Doc Martens niya sa paanan ng kama. Siguro'y magsasapatos na siya dahil sa hawak niyang isang pares ng itim na medyas.
“May lakad ka?” tanong ko sabay tingin sa alarm clock. Quarter to seven pa lang, saan ang punta nito? Umupo siya sa gilid ng kama sa harap ko at nagsimulang isuot ang medyas.
“It's Monday, Katherine.” Ano namang kinalaman ng— unti-unting nanlaki ang mga mata ko, University! Damn Leto! Nakalimutan mo na ba talagang estudyante ka pa rin? Sa dami ng nangyari, nawala na sa isip kong kailangan ko pa nga rin palang mag-aral.
“Bakit hindi mo ako ginising agad?! I've been absent for a week! Lagot ako nito...” reklamo ko at tatayo na sana nang pigilan niya ako at biglang itulak pahiga muli ng kama. “Ano ba DJ! Hindi 'to ang tamang oras para pag-tripan mo ko, please lang,” iritable kong sabi pero tumawa lang ang loko.
“Don't worry about it, naayos ko na 'yun. You need more rest, alam nilang bukas ang balik mo,” saka niya ako kinumutan uli. At dahil dito, naramdaman ko na naman uli ang antok at nagbabadya na namang pumikit ng mga mata ko. Hindi na 'ko nakatanggi pa, at naramdaman ko na lang muli siyang tumayo. Dahil hindi pa ko gano'ng inaantok, pinilit kong buksan muli ang mga mata ko at pinanuod siya.
Kinuha niya ang leather jacket na nakasabit sa sandalan ng isang single-seater dito sa kwarto at sinuot ito. Naramdaman ko na lamang ang pag-init ng mga pisngi ko at ang nakakapagtaka, pati katawan ko. I bit my lip, how can a guy be so gorgeous? He's a perfect representation of tall, dark and handsome and I can't believe he's paired up with someone like me! The ordinary and loser me. How playful fate can be huh?
Napahawak ako nang mahigpit sa comforter habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. He's well-built yet lean, at kagabi... I swear I saw him having a pack of abdominal muscles – oh so fine abs.
Leto. What. Are. You. Thinking.
Hormones. Ugh.
Pinanuod ko kung pa'no niya ayusin nang bahagya ang buhok niya pero bigla niya rin itong guguluhin at aayusin na naman hanggang sa pababayaan na lang niya. Then I started imagining him with blond hair at naabutan ang sarili kong ginugustong makita ito nang personal. I'll tell him one of these days. Kinuha niya ang phone na nakapatong sa vanity table ko pati ang remote key, wallet at sunglasses niya. Sinuot niya ang wayfarers at nilagay ang phone at wallet sa kanyang back pocket, saka pinaikot-ikot sa mga daliri niya ang remote key.
Humarap muli siya sa'kin at alam kong nahuli na niya akong gising kaya ngumiti na lang ako. “Be good,” sabi niya matapos umupo muli sa harap ko, “dadating sila Mama mamaya, sila ang makakasama mo rito. Take some rest and don't skip meals, I'm gonna be home as soon as possible.” Hinawakan niya ang gilid ng leeg ko at nilapit ang mukha niya sa'kin. My heart stopped beating as he started leaving soft kisses first on my forehead, then the tip of my nose, both my cheeks at huli ay sa gilid ng labi ko. “I'll miss you,” bulong niya na mas kina-pula pa ng mukha ko.
“Mag-iingat ka,” sabi ko – laking-pasalamat dahil kahit papa'no ay nakapagsalita pa 'ko. Ngumisi siya bago tumayo nang muli at tanguan ako. I heard the door closing at doon pa lang nakabalik sa dati ang normal na paghinga ko at ang pagtibok ng puso ko. Bumilang ako ng sampu at; “Ahhhh!” tili ko sabay higa at paggulong-gulong sa kama.
Diyos ko, hindi po ba masyadong mabilis? Siguro gano'n talaga pag mates? Hindi naman kasi masyadong napaliwanag sa'kin ni Maia yung tungkol sa mates, pa'no ko naman malalaman? Bakit parang mas sweet siya ngayon? 'Di ba? Gano'n na ba siya ka-sweet dati pa lang? Ha? O ako lang ‘yon... Kasi ngayon mas naiintindihan ko na siya.
Wait, so may crush ako sa kanya? O pinagnanasahan ko lang siya? Oh goodness.
“Salamat Ileya,” ngiti ko sa kasambahay sa harap ko.
Na-miss ko din itong isang 'to pero kahit anong gawin ko sobrang mahiyain pa rin at hindi pa ako gano'ng kinakausap. Kinuha niya mula sa'kin ang breakfast tray at tatayo na sana ‘ko mula sa kama nang may iabot siya sa'king isang basong tubig at platito. Nagtataka ko itong tiningnan at nakita ang puting capsule rito, napa-‘oh’ ako at naalala ang tungkol sa vitamins ko.
“Hala, nakalimutan ko na 'to,” komento k saka kinuha ang gamot mula sa kanya bago inumin ito. “Buti napaalala mo, salamat uli.”
Nahuli ko siyang bahagyang napangiti bago dali-daling lumabas ng kwarto. Halos isang linggo rin akong hindi nakainom ng vitamins para sa panic attacks ko, buti na lang hindi ako inatake noong nasa Greece ako. Siguro'y pupuntahan ko na lang muli si Dra. Ryan one of these days, kailangan ko rin siyang kamustahin matapos ang nangyari noon sa clinic niya.
Tumayo na 'ko at dumiretso sa banyo para maligo at mag-ayos. Matapos umalis ni DJ kanina, ilang minuto lang ay nakatulog muli ako. Ilang oras rin akong naka-idlip muli bago magising at maabutan si Ileya na may dalang tray ng pagkain – inutos daw ni J kanina na dito na lang ako mag-breakfast sa kwarto dahil baka tanghali pa makadating sila Tita at wala akong makasabay. Kahit wala ang presensya niya sa bahay, parang kasama pa rin namin siya – perks of being an Alpha.
I chose to wear a white romper dress na alam kong ikaiinis ni DJ dahil sa igsi nito. Nasa bahay lang naman ako, wala siyang magagawa.
Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa buong hallway bago mabilis na naglakad papunta sa doorway ng kwarto ni DJ. Kung akala niya nakalimutan ko na ang tungkol dito, nagkakamali siya. Hindi ko ito bibitawan ng ganun-ganun na lang.
Laking gulat ko nang may maabutang plywood na nakaharang sa door frame. That jerk, kahit kelan talaga lagi akong inuunahan sa mga binabalak ko, talaga naman!
Maingat kong tinulak ang plywood, gumalaw ito nang bahagya ngunit bumalik din sa dati niyang pwesto. Sa paggalaw nito ay nakita ko ang lubid sa apat na corners nito na nakatali sa mga butas na nasa surface ng kahoy. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko, kinuha ang cutter na nasa isang drawer at lumabas muli para simulan ang Plan B. Umupo ako sa sahig at sinimulang unti-unting i-cut ang makapal na lubid.
“Binibini!” halos mapatalon ako sa gulat at agad na tumingala. Nag-aalalang nakatingin sa'kin si Ileya at kita rin ang pagtataka sa mga mata niya. “Mas mabuti pong itigil niyo na 'yan bago pa masugatan ang mga kamay niyo. Malamig rin po ang sahig, hindi ho kayo dapat umupo rito.” Mahinang sabi niya habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay niya dahil sa halatang kaba.
Ngumiti ako at hinila siya paupo sa tabi ko, “shh... hindi na ako bata no! Magiging maingat ako okay? Kailangan ko lang talagang pumasok sa loob, nacu-curious ako eh,” turo ko pa sa kwarto. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang makita kong manlaki ang mata ng kasambahay.
“Huwag na po kayong tumuloy Binibini, pinagbabawal po ni Alpha ang pagpasok sa kanyang silid dahil sa kundisyon ni—“ napasinghap siya sabay takip sa bibig gamit ang kanyang mga kamay. Nagtataka akong tumingin sa kanya, kundisyon? Nakataas ang kilay na tumingin muli ako sa plywood at lalo pang ginanahan na pigtasin ang lubid.
Dumaan ang ilang minuto at sa wakas, nagupit ko na ang parehong lubid sa babang parte ng kahoy. Walang pagdadal'wang isip na tinulak ko ito pataas at gumapang sa espasyong nabuo nito. Narinig ko pa ang pagpigil ni Ileya ngunit 'di ko na ito nagawang pansinin pa dahil sa 'kundisyon' na tumambad sa akin.
Nilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto, kwarto pa bang maituturing ito? There are broken shards of glass everywhere, bed sheets and pillows are shredded, ang mismong kama ay bumigay na rin dahil ang isang bedpost nito ay biyak na. Ang dating bookshelf na nakasandal sa pader, ngayon ay nakatumba na at nakaharang sa gitna ng kwarto. Mayroong mga c***k sa iba't ibang bahagi ng nasabing pader at halos mapa-singhap pa ako nang makita ang isang bedside table na naka-stuck sa isang c***k. Ang pinaka-nakakapagtaka ay ang malaking butas sa floor-to-ceiling window ng kwarto na para bang may malaking bagay na binato rito.
Anong nangyari rito? Napuno ng kaba ang dibdib ko nang maalalang nasa kwarto ako ni DJ. May umatake ba sa kanya? Ito na ba ang sinasabi niya kagabi na maraming galit sa kanya at sa kahit anong oras pwede siyang mapahamak?
Tumingin muli ako sa paligid at mabilis na natigilan nang isang bagay ang pumukaw ng atensyon ko. Ang kaisa-isang bagay na tila hindi naapektuhan ng kung anumang nangyari rito sa silid. Isa itong side table na pinagpapatungan ng isang picture frame, wala nang ibang nakapatong rito kundi ang misteryosong larawan lamang na 'yon. Malayo-layo ito sa'kin at nasa kabilang parte ng natumbang bookshelf, kaya naman hindi ko gaanong makita kung sino ang nasa larawan.
May isang makipot na espasyo sa pagitan ng kama at shelf na sigurado akong magkakasya ang mga binti ko. Walang pagdadal'wang-isip na nakating-kayad akong naglakad papunta sa pwesto ng maliit na mesa. Nararamdaman ko ang mga piraso ng salamin sa talampakan ko ngunit wala pa naman ritong nakakasugat sa'kin, idagdag pa ang pag-iingat ko. Nang malapit na akong makalagpas sa shelf ay isang kakaibang tunog ang nakapagpatigil sa'kin. Agad akong napatingin sa direksyon ng plywood ngunit naabutan ko na itong mabilis na bumabagsak hanggang sa tatlong pigura na ang nakita ko.
“Binibini!” nag-aalalang sigaw ni Ileya. Tiyak na siya ang tumawag sa mga kasama niya ngayon.
“Luna, Diyos ko... parang-awa niyo na huwag na po kayong aalis diyan, hayaan niyo nang buhatin kayo ni Arturo. Baka kung ano pa pong mangyari sa inyo,” pagmamakaawa ni Mrs. Salem.
“Luna, hintayin niyo na lamang po ako diyan,” sabi ni Butler Art saka siya maingat na pumasok sa kwarto.
Nanlalaki ang mga matang pinanuod ko siya bago ibalik ang tingin sa litratong konti na lang ay makikita ko na. Binalik ko ang tingin kay Butler Art at magso-sorry na sana nang isang kakaibang tunog na naman ang nakapagpatigil sa amin. My heart skipped a beat as I turn my face upwards and look above me. Isang crystal chandelier ang bumati sa akin ngunit kapansin-pansin ang sira sa kisame at sa kahoy na kinakapitan nito, na unti-unting mas lumalaki pa. Hanggang sa—
“Luna!”