Chapter 25

3193 Words
The moment I saw the chandelier falling, my heart began to beat in an abnormally fast phase as the blood rushed to my head. Biglang nagdilim ang paligid ko ngunit sigurado naman akong hindi nakasara ang mga mata ko. Matapos no'n ay nakaramdam ako ng matinding impact sa likod ko at hapdi sa aking mga braso't talampakan. I hissed in pain at dumaan ang ilang segundo ay nagbalik muli ang paningin ko, pero sa bilis ng pagbalik nito'y gano'n rin kabilis ang pag-atake ng kapalit nitong panibagong sakit.             Thump.             ‘Danger. Must save keeper.’             “Argh!” STOP! STOP! Please stop it and get out of my head!             Thump             ‘Keeper is safe. Luna is safe.’             “Luna! Luna Leto!” Naramdaman ko na lamang ang ‘di pamilyar na mga brasong umalalay sa likod at mga binti ko saka ako binuhat. Unti-unting nawala ang p*******t ng ulo ko pati ang boses na akala ko'y 'di ko na maririnig pa. Gusto kong kumilos at umalis mula sa mga bisig ng kung sinumang may dala sa'kin ngayon, pero wala na akong lakas pa at sigurado akong aabutin pa ng ilang oras bago ito bumalik.             Ilang saglit lamang ay naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa likod ko. Inaasahan kong magiging komportable na ako sa wakas dahil nakahiga na ako sa kama ngunit sa pagkakataong dumampi ito sa likod ko ay biglang kumirot ang babang parte nito. I groaned and rolled to lie on my front. Doon ko lang uli napansin ang mga boses na tumatawag sa akin.             “Luna, Diyosa kong mahabagin. Luna Leto,” rinig kong alalang sabi ni Mrs. Salem. Binuksan ko ang aking mga mata at napatunayan ngang siya iyon. Nakaupo siya sa isang upuan sa tabi ng kama ko na may mga luhang nagbabadyang kumawala mula sa mga mata niya.             “Mrs. Salem, sorry po,” sinubukan kong sabihin pero dahil sa pagka-tuyo ng lalamunan ay sigurado akong lumabas lang ito na isang bulong.             “Nako Luna, 'wag niyo muna hong isipin ‘yan. Paparating na si Ileya para linisin ang mga galos mo,” sabi naman ni Butler Art na nakatayo sa tabi ng upuan ni Mrs. Salem. Palagay ko, siya rin nagbuhat sa'kin kanina.             Kunot-noo akong tumingin sa kanila, galos? Napunta ang tingin ko sa puting uniporme ni Butler Art na may konting bakas ng dugo, at doon ko napagtantong yung mga hapding naramdaman ko kanina sa braso't talampakan ay gawa ng mga sugat na natamo ko. Kung iisipin ang sakit na naramdaman ko sa paghiga, maaaring may namumuo na ring pasa sa likod ko dahil sa impact ng pagbagsak ko kanina.             Ilang saglit lamang ay dumating na si Illeya na may dalang isang plangganang tubig, bimpo, alcohol at isang first aid kit. Sinimulan nilang idampi ito sa braso ko, napakagat na lamang ako sa labi dahil sa hapdi at pinilit na ituon ang atensyon ko sa ibang bagay.             Anong nangyari sa'kin kanina? I'm sure I was frozen back there at ni-hindi talaga ako makagalaw dahil sa takot. Ngunit nang makita kong pabagsak na ang chandelier ay tila may kung anong pwersa ang biglang bumalot sa'kin at nag-blackout ako. Hanggang sa naabutan ko na lang ang sarili kong nasa nakaupong posisyon na. Hindi iyon natapos roon dahil sa isang iglap, muli ko na namang naramdaman ang p*******t ng ulo ko gaya ng dati.             Panic attack. It was just the usual panic attack right? Dahil ba matagal kong hindi nainom ang gamot ko kaya gano'n? Inatake na naman ako, at iyong boses na narinig ko, it was the same voice. Biglang bumalik sa alaala ko ang unang dalawang pagkakataong narinig ko ang boses na iyon.             Mine. Mine. Mine.             Luna. You're a Luna.             Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabangon. Agad na nagprotesta ang likod ko kaya naman dali-dali rin akong bumalik sa pagkaka-higa.             Sino ba talaga ang boses na 'to? Pa'nong tina-wag na niya akong Luna bago ko pa malaman ang tungkol sa werewolf race at sa pagiging mate ni DJ? Kahit kanina, tinawag niya muli akong Luna ngunit hindi lang 'yon, may nabanggit rin siyang keeper? Keeper nga ba? Hindi ko maintindihan! Wala pang dapat makaalam nito, hangga’t hindi ko pa nakukuha ang sagot rito ay itatago ko muna sa sarili ko. Ngunit 'pag wala naman akong pinagsabihan, sigurado akong mababaliw na ko.             Natigil ako sa pag-iisip nang mapansing wa-lang kumikilos sa mga kasama ko sa silid. Pati si Ileya na kasalukuyang naglalagay ng band-aid sa talam-pakan ko ay nag-aalala ring nakatingin sa'kin.             “Luna, ayos lang po ba kayo? May iba pa po bang masakit?” tanong ni Mrs. Salem. Ngumiti ako sa kanya at umiling. Saglit pa silang nagkatinginang tatlo ngunit bumalik rin sa dating ginagawa.             “Pasensya na po kayo ha, dahil sa pagka-pakialamera ko at kakulitan nangyari 'to,” sabi ko sa kanila nang maramdamang umayos na muli ang lalamunan ko.             “Binibini, hindi niyo po kailangang humingi ng pasensya, a-ako po ang may kasalanan... dapat sinabi ko na agad sa inyo na—“             “Ileya,” pagpipigil ko sa kasambahay na tinuturing ko na ring kaibigan. “Walang ibang may kasalanan nito kundi ako lang. Walang ibang dapat sisihin kundi ako lang. Kahit sa nangyari noon sa gubat, ako lang din naman dapat ang napagalitan at hindi ang ibang tao. Hindi ko kasi talaga ma-control ang curiosity ko, ewan ko ba... lagi kong pinapahamak ang sarili ko,” bahagyang tawa ko pa. "Huwag niyo na sana munang sabihin 'to kay DJ, hamo nang ako ang magpaliwanag sa kanya. Ayoko ring madamay pa kayo 'pag nagalit siya,” sabi ko habang unti-unting bumabangon. Inalalayan ako ni Mrs. Salem hanggang sa makasandal na ako sa headboard ng kama.             “Tiyak pong mas magagalit ang Alpha kung hindi agad ito makararating sa kanya,” sabi ni Butler Art na agad namang sinang-ayunan ng dalawa.             Napasimangot ako, sobrang loyal nila kay DJ, lagi naman silang sinusungitan! Pero sa kwento niya, dati naman raw pantay-pantay lang ang pakikitungo nila sa isa't isa – Alpha man o Omega. Kaya nga naging matalik silang magkaibigan ni Marina hindi ba? Pero bakit— tila may bumbilyang biglang bumukas sa ulo ko at doon ko napagkonekta lahat. Kaya ba ganto ang pakikitungo ni Jebediah sa mga Omega ay dahil sa ginawa sa kanya ni Marina? Pinagkatiwalaan niya ito ngunit nagawa niyang piliin ang ibang tao kaysa—             “Mrs. Salem, anong— Leto? Anong nangyari sa'yo?!” Napatingin kaming lahat sa nakabukas na pinto ng kwarto at napapikit na lamang ako. Bakit ngayon pang oras siya dumating? Mabilis na naglakad papunta sa kama si Tita Freya at umupo sa gilid nito. “Akala ko ba maayos ka na sa pagbalik mo rito anak? May nangyari ba uli? Alam ba ‘to ni Jebediah? Nasa'n siya?” nagpa-panic na tanong ni Tita.             Bakit ba laging may komplikasyon pag nagkikita kami ng mama ni DJ? Inaasahan kong ngayong araw na 'to sana kami makakapag-bonding, pero sinira ko na naman ang pagkakataon.             Napayuko ako, “ang totoo po niyan Tita... ako pong may kasalanan nito, may ginawa po kasi akong hindi niyo ikatutuwa.” Nakasimangot akong tumingin muli kay Tita at nakita ang nag-aalala at nagtataka niyang ekspresyon. Sandali kaming natahimik at sa pagkakataong iyon ay tinanguan niya sina Mrs. Salem. Agad namang lumabas ang tatlo at naiwan kami sa loob ng silid.             “So hindi alam ni DJ?” tanong niya at tumango lamang ako. She sighed before holding both my hands, saglit pang kumunot ang noo niya nang makita ang mga bandaids sa braso ko. “By the looks of it, muk-hang bago lang ito. You're one clumsy and stubborn girl, Leto. Mababaliw ang anak ko sa'yo,” nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumawa at lumapit pa sa akin.             “Sorry po, hindi ko mapigilan eh,” sabi ko sabay ngiti, dahil dito'y lalo pa siyang natawa.             “Wala ka namang malalim na sugat na nakuha?” Umiling ako at pinanuod kung pa'nong tila na-relax ang mga balikat niya. “I have been wanting to talk to you Leto and I'm sorry dahil sa tatlong pagkakataon na nagkita tayo ay hindi kita gaanong nabigyan ng pansin.”             Una ay noong sa business gala, pinakilala lang ako nila Mama sa kanila ni Tito Mattheo at konting pag-uusap lang ang nangyari. Pangalawa ay noong kakalipat lang namin. Dahil nga naroon noon si Zanaya, hindi ako masyadong nakasali sa usapan. Pangatlo ay no'ng unang gabi ng paglipat ko rito. Saglit lang 'yon dahil sabay-sabay lang kaming nag-dinner at may tensyon pa sa pagitan namin ni DJ kaya hindi ko siya nakausap.             “Wala naman po kayong kailangang ikahingi ng tawad,” naramdaman ko ang pagpisil niya sa mga kamay ko at nakita ang bahagya niyang pagngiti sa'kin.             “No Leto, kung nasabi sana agad sa'kin ni DJ ang tungkol sa'yo, sana'y noon pa lang ay gumawa na ako ng aksyon upang magkalapit tayo. I can't believe I introduced Zanaya as his girlfriend in front of you! If I knew back then that you're my son's mate, sana hindi ko iyon ginawa.” Nakita ko ang sinseridad sa mukha ni Tita kaya naman sa pagkakataong ito, ako ang pumisil sa mga kamay niya.             “Nangyari na po iyon, ang mahalaga ay yung ngayon,” pero dahil nabanggit na rin niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Tita... uhm- gusto ko lang pong malaman kung bakit pinakilala niyo si Zanaya noon na girlfriend ni DJ? Pero wala na po iyon! Nacu-curious lang po ako.”             Bahagya siyang natawa bago tumingin muli nang diretso sa akin, “alam mo kasi, matapos nung nangyari sa kanila ni Marina... alam mo na naman ang tungkol do'n right?” Tumango ako na nakapagpatango rin sa kanya pabalik bago magpatuloy.             “Naging maingat na kami ni Mattheo tungkol sa pagpili ng kapareha ni Jebediah. Alam naman naming posibleng dumating talaga ang araw na makita ng dalawa ang nakatadhana sa kanila ngunit nagtiwala kami ng Tito Mattheo mo sa pagmamahalan nila. I mean, they were together since they were kids and we all believed na kahit hindi sila ang nakatadhana, maaaring sila pa rin ang para sa isa't isa at na wala nang makakasira pa sa kanila. Yun pala, hindi pa sapat ang binigay ni DJ kay Marina.”             “Nagtataka nga rin po ako nung unang kwinento sa'kin ni DJ 'yan. Bakit parang ang dali naman po yatang bumitiw ni Marina? Bakit parang hindi naman niya talaga minahal si DJ?” Ito ang unang pagkakataong sinabi ko ang opinyon ko sa ibang tao. Nakatitiyak naman akong tama lang ang taong napili kong mapagsabihan.             Natigilan si Tita Freya at nakita ko pa ang naguguluhang ekspresyon sa mukha niya, kaya naman nagtaka rin ako. “Ano lang ang nasabi sa'yo ng anak ko, Leto?”             Ano lang? So tama nga ang hinala kong hindi sinabi ni Jebediah sa'kin ang buong kwento... na may sinisikreto pa siya sa'kin?             “Yung tungkol lang po sa pag-laki nila nang magkasama ni Marina, at nang mangyari ang unang pagshi-shift niya ay napili niya itong maging kapareha. Ngunit no'ng kaarawan niya ay nakilala ni Marina si Theo at kahit anong gawin niya ay pinili pa rin ni Marina ang kaparehang nakatadhana sa kanya,” sagot ko at naabutan ko na lang na napapikit si Tita kasabay ng pagbuntong-hininga.             “I wasn't the one who should tell you, at alam kong may dahilan si Jebediah kung bakit pili lang ang mga sinabi niya sa'yo,” gustung-gusto kong pilitin si Tita na siya na ang magsabi sa'kin, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Tama siya, hindi ko dapat pangunahan si DJ sa mga ganitong bagay. Tama na yung muntikang pagkamatay ko dahil sa isang chandelier dahil lang sa 'di mapigilang curiosity ko. Ayoko nang dahil pa rito, magalit pang lalo sa'kin si DJ. I should trust him.             “Our choice back then was Zanaya,” biglang pagbabalik ng topic ni Tita. “After what happened, akala namin hindi na magagawang pumili pa ng kapareha ni DJ at hindi iyon pwedeng mangyari, lalo na't pinamumunuan niya ang pinakamalaki at pinaka-makapangyarihang Pamilya sa buong werewolf society. This pack needs a Luna, because a Luna is a symbol of hope and life. Kung walang Luna, there's a great chance na humina ang isang pack at unti-unting mawalan ng tiwala ang mga tao sa mga namumuno.             “Kaya naman kami na ni Mattheo ang pumili para kay DJ. I know we don't have the right to but we just can't let our son be alone forever, we can't let our pack slowly be weak just because they have no Luna. And Zanaya, she wasn't a shifter,” nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumalik sa isip ko ang sinabi noon ni Maia sa'kin.             ‘If you're a human in a werewolf community, you're either an adopted child or, a chosen or destined mate.’             Wala naman akong naaalalang nagce-claim na mate nila si Zanaya... so ampon siya?             “I think you already got the picture,” ngiti ni Tita. “It was because of her father – ang dating Gamma ni Mattheo, habang ang mama naman niya ay isang mortal na napiling kapareha ng kanyang ama. A year after Charlize and Marcus' marriage, nalaman nilang hindi magagawang magka-anak ni Charlize. Walang nagawa si Marcus kundi bumaba sa pwesto dahil wala siyang mapagbibigyan ng posisyon sa oras na magretiro siya. Ngunit dahil matalik na kaibigan ni Mattheo si Marcus, ipinangako ng asawa kong hindi mawawala sa ranggo ang kanyang kaibigan. Doon na nga kami nagdesisyon na piliin si Zanaya para kay Jebediah. It was to fulfill Mattheo's promise.”             “Pa'no na po ngayon? Hindi niyo natupad yung pangako niyo,” nakaramdam ako ng pagka-guilty, if ever hindi ako dumating, edi sana—             “Don't worry about it ija. Masaya kaming dumating ka, to be honest we're waiting for you!” Nakangiting sambit niya at sigurado akong nag-iinit na ang mukha ko. Why do people always make me feel like I'm so special when I'm far from it? “DJ and Zanaya are not compatible at all! Alam naman naming hinding-hindi papayag si DJ kung sakali man. We just did it para lang masabing gumagawa kami ng paraan para matupad yung pangako ni Mattheo. Iyon naman kasing Tito mo, hindi muna nag-iisip bago magsabi ng mga gano'ng bagay!”             Pareho kaming natawa hanggang sa tumayo siya at nilahad ang palad sa'kin. Nagtataka akong tumingin kay Tita. “I lied earlier, alam ko talaga ang nangyari... pagpasok ko pa lang ng bahay yung nangyari na sa'yo ang bukambibig ng mga Omega. And I know curiosity is still eating you up right now, we don't want those cuts to go to waste right?”             Hindi ko napigilang mapangiti at dali-daling tinanggap ang kamay niya. Inalalayan niya 'ko sa pag-upo sa gilid ng kama at dahil hindi naman gaanong malalalim ang mga sugat ko sa talampakan, nawala na nang bahagya ang hapdi rito. Nakayanan ko na muling maglakad pero this time, may inabot na sa'kin si Tita na indoor slippers.             Sa paglabas namin, akala ko ay dadalin niya muli ako sa kwarto ni DJ, ngunit hinila niya ako sa direksyon ng opisina nito. Nasa harap kami ngayon ng bagong pinto nito – na isa ring pinagtaka ko noong una ko itong nakita. Hinawakan ni Tita ang doorknob at inikot ito bago tuluyan nang itulak ang pinto.             My hands flew on my lips as I nearly took a step back. Kung akala ko matindi na ang nangyari sa kwarto niya, nagkakamali ako dahil mas matindi pa ang sinapit ng kanyang opisina.             Ang unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang mesa niyang may biyak sa gitna at mga upuan nitong nakakalat sa iba't ibang parte ng silid na tila pinagbababato lang niya. Ang shelf na dating pinagla-lagyan ng mga certificates, plaques at kumpletong koleksyon ng Encyclopedias at Thesauruses ni DJ, nakataob na rin tila ng isa na nasa kwarto niya. Dahil may salamin ito, mas maraming nagkalat na bubog sa sahig. Wala mang basag na bintana ay nakatitiyak naman akong ni-isa sa desktop computer o sa flat-screen TV ay imposible nang gumana dahil ngayo'y pira-piraso na ang mga ito.             “Lahat ng nakakakilala sa kanya, alam na matindi siyang magalit at walang sinuman ang kayang pumigil nito. Siguro parte na rin iyon ng pagiging isang Alpha dahil kahit si Mattheo ay nakakatakot rin sa oras na uminit ang ulo. I first saw it when Marina told him she's choosing Theordan over him, pero nang mga oras na iyon nakayanan pa niyang pigilan ang galit hanggang sa makarating siya sa gubat at dito binuhos lahat. But this... this one's different Leto.”             Nanlaki pang lalo ang mga mata ko, nangyari 'to dahil lang galit si DJ? “Ano po ba talaga ang nangyari?” Sino namang nakapagpagalit nang ganito katindi kay Jebediah?             “You happened.”             What?! Wala akong kinalaman dito ha!             Aangal na sana ako nang matawa bigla si Tita, “after what happened to you in the forest, at naabutan ka ni Jebediah na may benda sa ulo't binti... ito ang nangyari.” Hindi na ako nakapagsalita pa, ano namang maisasagot ko do'n? Maniniwala ba ako? Ganto ba talaga ang epekto ko kay DJ? Habang nag-iisip ay hindi ko na namalayan na sinara na pala ni Tita ang pinto ng opisina at hinihila na niya ako papunta sa direksyon ng katabing kwarto.             Tumigil rdn kami sa harap nito at napakagat na lamang ako sa labi nang maalala ang nangyari kanina. Dumagdag pa ang chandelier na nakabaon na ngayon sa butas na naidulot sa shelf na pinagbagsakan nito sa gitna ng kwarto. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung pa'nong nakaligtas ako kanina.             “Ano naman pong nangyari rito?” I hesitantly asked. 'Pag si DJ pa rin ang may gawa nito talaga na lang!             “Same thing,” hindi ko na napigilan ang pagkalaglag ng panga ko, seriously? “Heto naman ang nangyari nung umagang nalaman niyang dinala ka ni Ceres sa Greece nang walang permiso. That day was truly eventful.” So partially, ako pa rin ang dahilan? Pero sa pagkakaalala ko, wala akong malay no'ng mga panahong iyon! Ugh.             “Hindi ko po alam kung mafa-flatter ba ako na ganto yung reaksyon ni DJ o maiinis na pinahamak niya ang sarili niya sa kabaliwan niyang 'to. Nagsayang pa siya ng mga gamit,” reklamo ko. Kailangan naming mag-usap mamaya ng isang 'yon! Hindi ko ‘to palalampasin.             Nabigla ako nang biglang pumasok sa loob si Tita. Pipigilan ko sana siya at susundan nang sumen-yas siya na 'wag akong kikilos sa kinatatayuan ko. Ayoko namang suwayin siya kaya 'di na lang ako kumilos. Hindi naman siya lumayo at tila may kinuha lang sa isang mesa malapit sa pintuan. Nang makita ko ito, agad na bumilis ang t***k ng puso ko.             “Butler Art told me the reason why you were here in the first place is because of this,” pakita niya ng picture frame na hawak niya. Ngunit hindi ko makita kung kaninong litrato ang narito dahil nakatalikod iyon mula sa'kin. “Kinuha na niya, para raw hindi mo na maisipang bumalik pa,” ngiti niya sabay tingin sa larawan at nakita kong lalo pang lumaki ang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam kung bakit big deal ito para sa'kin, it's just weird na ito lang ang natirang maayos at buo pa sa loob ng silid.             “Hindi na ako magtataka pa kung bakit hindi ito nagawang pagbuhusan ng galit ng anak ko,” huling sabi ni Tita bago iabot sa'kin ang frame. My gaze immediately averted towards it. I gasped as my breath hitched. The person in the picture, it was... me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD