“You did what?” Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Ina habang yung kakambal niya ay may gulat na ekspresyon rin. Narito kami ngayon sa Circle, na-dismiss ang morning classes dahil may meeting daw ang faculty para sa Sports Fest next month. Nasabi sa'kin ng dal'wa na malaking bagay daw para sa university ang event na 'yun – they're werewolves, and any competition using physical abilities is a big deal for them. Ahh nakakapanibagong mag-isip ng gano’n, I mean about werewolves.
“Kaya ba naka-long sleeves ka ngayon?” Tumango ako at kinagat ang labi ko, napabuntong-hininga na lang sila, “pasalamat ka sanay na kami sa mahabang palda mo, kundi pagkakamalan ka na naming kasapi sa kung saang kulto,” dagdag pa ni Erin.
I glared at her, “buti nga hindi sinabi nila Mrs. Salem sa kanya,” sabi ko pa na agad na nakapag-pasimangot sa kambal. Hindi nila gustong sinikreto ko kay DJ yung nangyari kahapon. Ayaw ko rin naman kasing mag-alala yung isang 'yon, ayokong atakihin na naman siya ng ka-overprotective-an niya.
“Hay nako bahala ka, kapag 'yan nalaman na niya ewan ko na lang sa'yo,” sabi ni Ina at hindi ko mapigilan ang mapatingin sa direksyon ng table nila DJ. He's busy talking with Ares and Kuya Cai, habang sina Rael at Tusker naman nagkukulitan at si Ate, may tinatapos yatang homework. Parang may kulang yata?
Tatanungin ko na sana ang kambal tungkol kay Zanaya nang biglang bumuntong-hininga si Erin. “I can't wait to turn 18 and finally meet my mate,” sabi niya na ikina-curious ko – for the umpteenth time. Nakita nila ang interesado kong ekspresyon kaya naman nakataas ang kilay na tiningnan nila ako pabalik. “Don't tell me hindi sa’yo napaliwanag nang mabuti ang tungkol do’n?”
I shrugged, “hindi nga sa’kin masyadong napaliwanag mabuti ni Maia. Yung pagkakaiba lang ng chosen at pre-destined, at yung pagiging mate ko lang ni DJ.” Nagulat na lamang ako nang masayang tumayo ang dalawa mula sa kinauupuan nila sa harap bago lumipat sa magkabilang gilid ko.
“Para saan pa't nandito kami? We will tell you everything about mates,” taas-babang kilay na sabi ni Ina. Ngayon ko lang siya nakitang gantong ka-excited kaya nahawa tuloy ako. “Like you said, there are two kinds of mates which are chosen or pre-destined,” pagsisimula niya, "at para sa'min na pinalaking naniniwala sa pre-destined mating, pinili pa rin naming maghintay hanggang sa maging 18 years old kami – nagbabakasakaling, makilala namin ang itinadhana talaga sa'min.”
“Bakit naman? Sa pagkakatanda ko ng kwento ni Maia, parang pareho lang rin naman,” tanong ko.
“Well, I think it’s us being romantic? Iba pa rin ‘pag nakatadhana sa’yo eh, parang siya yung perfect match mo talaga. Besides, madalas na second-chance mates lang ang chosen mates,” nalipat ang tingin ko kay Erin na siya namang nagpaliwanag. “Anyway, we all know that werewolves experience their first shift at 16. Sa edad na iyon hanggang 17, sabi nila – maco-consider pa raw na hindi pa fully-developed ang wolf ng nasabing shifter. Matatawag lang na 'matured' and fully-developed wolf ang shifter kapag tumungtong na ito ng 18 years old, at kasabay rin nito ang pag-sense completely sa aming mating bond,” tumango ako at kay Ina naman nilipat ang atensyon.
“But there are werewolves who are called ‘late-bloomers,’ sila ang mga shifters na hindi nakapag-shift noong sixteen years old sila at nakakapag-shift lang pagtungtong nila ng eighteen years old. This particular condition is rare but a really dangerous and risky one, dahil kailangang magkaroon ng shifter ng isang trigger,” I looked at her questionably.
“Trigger?” tanong ko.
“Yep,” tango ni Ina. “Isang bagay, tao, pangyayari, hayop – kung ano man 'yan na makapagbibigay sa shifter ng matinding emosyon na magdadahilan para magising ang kanilang dormant wolf. It's proven na ang pinaka-effective na trigger ng isang late-bloomer ay ang kanilang pre-destined mate, because once a shifter is marked, it will lead to the heat, and that's when everything happens.”
Huminga ako nang malalim. Ang dami na namang bagong terms na binabato sa'kin! Wala ba silang libro dito na pwede ko na lang basahin? Like Werewolf Encyclopedia or History of Shifters? Mga gano'n.
“Wait, time-out nga, marked? Heat? Ano naman 'yang mga 'yan?” Pagtataas ko pa ng mga kamay ko na parang sumusuko na.
Nagkatinginan silang dalawa at pinanuod ko kung pa'nong namula ang mga pisngi ni Ina bago nahihiyang ituon ang tingin sa ibang bagay. Narinig ko namang bahagyang natawa si Erin kaya sa kanya ko na lang itinuon ang atensyon ko. Kahit may nakakaloko siyang ngiti sa mga labi, halata pa rin ang mga namumula niyang tenga, lalo na't naka-ponytail pa ang buhok niya.
“Being marked and experiencing the heat are parts of the mating process, or the ways to officially complete the mate bond,” sabi niya bago kagatin ang labi.
Agad na nanlaki ang mga mata ko at bahagya pang napanganga, “anong mating process?”
Erin chuckled at bahagyang lumapit sa'kin, “listen here my dear friend,” I frowned and leaned forward too. Ngayon ay nagbubulungan na lang kami na para bang may tinatago kaming sikreto. “Time will come that the Alpha will have to claim you as his, and to show that to all of the world, he'll mark you... here,” pag-tap niya sa isang parte ng leeg ko kung sa'n direktang nararamdaman ang aking pulso.
Lalong nanlaki ang mga mata ko, “how will he do that? Is there some kind of tattoo or something?” I incredulously said na ikinatawa na naman niya.
“He'll give you a love bite, literally. And it will be so deep it will leave a mark forever, that's his claim.” Nakangangang napatingin ako kay Ina na siyang nagsalita, she’s kidding right? I thought they're werewolves! Not vampires for goodness' sake!
“Kailangan ba talaga 'yon?” Nag-aalala kong tanong dahil nararamdaman ko na ang kaba ko. Magagawa ba talaga sa'kin 'yon ni DJ? Aabot ba talaga kami sa ga'nong level? I mean... ang buong akala ko, yeah you're mates, you'll marry each other and have children – bakit may ganto pa?
“Werewolves are possessive beings Leto, lalo na sa kalagayan mo, your mate is an Alpha and Alphas are more possessive and overprotective than ordinary wolves. Iyon din ang dahilan kaya kapag namatay ang kapareha ng isang shifter, mas gugustuhin na lang nilang mamatay na rin dahil hindi talaga kinakaya emotionally and physiologically,” paliwanag pa ni Ina.
Napayuko ako, so if ever na may mangyari man sa isa sa'min— napapikit ako bigla, hindi ko yata kayang isipin na may mangyaring masama kay DJ. And to think na hindi pa naman gano'n kalalim ang relasyon namin, ngayon pa lang hindi ko na maisip ang gano'ng mga posibilidad. Paano na lang kung makumpleto na namin ang mating bond gaya ng sinasabi ng dal'wang 'to?
Napansin yata ni Erin na natahimik kami kaya naman nagpatuloy na muli siya, “so you're marked, on the night of the full moon after that, you will be in heat. In short, you'll be horny as fu—“
“Erin!” Suway ni Ina, pero hindi ko na sila nagawang pansinin pa dahil naramdaman ko na ang pag-init ng mukha ko. Horny? What the heck.
“That's stupid... 'wag niyo nga akong pag-tripan!” pilit na tawa ko pa. Grabe... grabe! So dadating kami talaga doon? Awtomatiko na lamang akong napatingin sa direksyon ng pwesto nila DJ. Pero laking gulat ko nang naabutan ko siyang nakatingin na sa'kin this time at sa sobrang pagkataranta ko ay mabilis kong inagaw ang tingin ko at napatayo. “Tara na nga lang sa cafeteria, nagugutom ako. Niloloko niyo na lang ako eh kaya itigil na natin 'to.”
Nagtinginan ang dal'wa, si Ina napangiti lang pero si Erin tumawa nang malakas at mapang-asar na tumingin sa'kin. “Ang sabihin mo... hindi ka lang makapaghintay yieee!” Pangi-inis pa niya pero tinalikuran ko lang siya at nagsimula nang maglakad papunta sa entrance ng campus building.
Mabilis ko namang naramdaman ang presensya nila sa magkabilang gilid ko. Idagdag pa ang pagpulupot ng braso ni Erin sa kanang braso ko at ang mahinang pagtawa ni Ina na nasa kaliwa ko naman.
“Hindi pa kami tapos eh!” reklamo ni Serendipity. Tiningnan ko lang siya nang masama pero as usual, walang epekto sa kanya iyon. “So when you're in heat, sobrang ang init ng buong katawan mo no'n tapos turned on na turned on ka, horny nga gano'n, tapos—“
“Erin! Aish!” Inis kong pagpipigil sa kanya pero ang bruha biglang humarang lang sa harap namin ng kakambal niya at ngumisi, saka nag-simulang kumanta;
“Let's talk about s*x baby, let's talk about you and me! Let's talk about all the good things and the bad things that may be...” nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang patalikod na naglalakad sa harap namin. Ako, inis na nakatingin sa kanya pero nagpipigil ng tawa – napaka-kulit talaga! Yung kapatid naman niyang katabi ko, patuloy lang rin sa pagtawa nang mahina.
Nasa harap na kami ng pinto ng cafeteria no'n at papasok na nung natigil ako sa paglalakad. Natigil din yung kambal, pati ang pagkanta ni Erin saka sila nagtatakang tumingin sa'kin, bago sundan ang direksyong tinututukan ng mga mata ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Ina at dali-dali namang humarang sa harap ko ang mukha ni Erin.
“Tara na sa loob? 'Di ba gutom ka?” Kahit nakangiting sinabi ito ni Ina sa'kin, nahalata ko pa rin ang bahagyang pangangatog ng boses niya.
Kunot-noong tiningnan ko silang dalawa, isa na naman ba 'to sa mga tinatago nila sa'kin? “What's that guys?” Turo ko sa isang locker 'di kalayuan sa'min.
“Uhh... uhm- ano, baka birthday lang n-nung may-ari nung locker,” my brows furrowed, birthday?
Iniisip niya ba talagang maniniwala ako do'n? Hindi ko na sila pinansin at dali-daling lumakad papunta sa nasabing locker na napapalibutan ng iilang tao. Sa baba nito'y may mga nakatirik na kandila at mga white roses na nakalagay sa isang clear na bote. Nang nasa harap na ako nito, unti-unti kong tinaas ang ulo ko at agad na napatakip sa bibig ko nang makita ang litratong nakadikit sa locker at sa mga katagang nakasulat sa ilalim nito.
Rest in Peace
We will miss you Jedika
A great daughter, sister, friend, classmate and student.
You will be remembered Jedika Marlowe.
Naramdaman ko ang presensya ng kambal sa tabi ko kasabay ng unti-unting pagyukom ng mga kamao ko. How did this even happen? At wala man lang nagsabi sa'kin? Kahit naman saglit ko lang nakasama at nakahalubilo si Jedika, isa pa rin siya sa unang mga taong naging malapit sa’kin dito sa University. Yes, I'm not one of her close friends but... but no one deserves to die this early!
At bakit pakiramdam ko may kinalaman ako sa pagkawala niya?