“Tell me everything,” I said as I cleared the lump in my throat, stopping the tears from falling.
“Leto, hin—“
“Tell me now Ina!” Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko. I was sorry about it but I have no time to feel guilty.
Pinanuod ko kung pa'nong napayuko silang dalawa at mapaatras ang ibang estudyanteng nakatayo sa paligid naming. “She was killed before the rogue attack in the forest,” so tama nga ang hinala ko... Diyos ko.
“Why?” Hindi ko na napigilan ang bahagyang panginginig ng boses ko dahil sa kaba. Walang sumagot sa kanila kaya naman naabutan ko na lamang ang sarili kong hawak ang parehong braso nila, agad silang napatingin sa'kin. “It was supposed to be me right? Right? Ako dapat yung napatay tama ba?” Ina bit her lip while Erin just averted her eyes towards anywhere but me. “Just please answer me!” Napasigaw na lamang ako bago mapagbuntong-hini-nga sa pagka-dismaya.
I rarely get angry pero sobra na kasi 'to... someone died and it was supposed to be me!
“Katherine,” mabilis akong napaharap sa direksyon ng pamilyar na boses at naabutan si DJ ‘di-kalayuan sa’kin. “Don't blame yourself, walang may—“
“Dalin mo ko sa kanya, ngayon din Daneios.” I said before walking towards the school's parking lot, ignoring their stunned faces.
Nang nasa harap na ako ng puntod ay hindi ko na napigilang mapaluhod at ibuhos lahat ng emosyong kanina ko pa pinipigilan. Galit, inis, pagsisisi, kalungkutan... lahat ng iyon ay pinuno ang dibdib ko hanggang sa unti-unti na itong bumigat at hindi ko na namalayan ang 'di mapigilang paghagulgol ko. Jebediah is standing behind me, alam kong pinapanuod niya ako at nagpapasalamat dahil binibigyan niya ako ng oras para sa sarili ko.
It took minutes for me to calm down, at nang tuluyan na nga akong huminahon ay nanatili akong nakaupo sa harap ng puntod. Marahan kong inalis ang mga tuyong dahon na narito at itinabi ang isang bouquet ng bulaklak na ngayo'y lanta na, pati ang kandilang hindi na masisindihan pa. Isang naka-frame na larawan ng nakangiting Jedika ang nakatayo sa gilid ng puntod at naabutan ko na lamang ang sarili kong pinagmamasdan ito.
I remember her being my seatmate in one of my subjects, at kaklase ko rin siya sa dalawa pa. I remember her that one time inside the locker room before our P.E. class, nang namomroblema ako sa iksi ng shorts ko at inalis niya ang pag-aalala ko. Those simple incidents, but I sure can remember her dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay pansin ko na ang ilang pagkakamukha namin physically. We have the same petite body type at hindi rin nagkakalayo ang taas at kulay ng balat namin, pati ang haba ng buhok ay pareho rin kami. I'm sure 'pag nakatalikod ay mapagkakamalan siyang ako. Only when you see our faces, you'll know who's who.
Siguradong iyon din ang dahilan kung bakit nangyari 'to sa kanya.
“The rogues who attacked you that time in the woods did this,” biglang saad ni DJ ngunit hindi ko nagawang harapin siya at patuloy lang na nakinig habang nakatingin sa larawan sa harap ko. “Yung insidente dati sa town mall, the old man who disrespected you – dati na siyang nirereklamo ng mga miyembro ng Pamilya. May record na din siya ng p*******t sa nag-iisa niyang anak. Ngunit mismong anak na niya ang humingi ng pang-unawa sa'kin na intindihin ang kanyang ama, dahil apektado pa rin siya sa pagkamatay ng kanyang ina.
“It's natural for shifters to have uncontrollable urges – abuse specifically – when their mates die. They either go rogue or a relative would take care of them until they eventually die too. Matapos ng ginawa niya noon sa'yo, it became his last straw and I just have to send him to the dungeons,” doon ako mabilis na napatingala sa kanya, dungeons?
Agad akong nanlamig, marinig pa lang ang salitang iyon ay kinilabutan na ako. Of course they have those in here, they are werewolves for crying out loud!
“But one night, someone visited him, sabi ng mga bantay ay nagkunwari raw itong kamag-anak niya, but it was one of the rebel group's spies at tinakas siya nito.”
“Kailan 'to nangyari lahat?” hindi makapaniwalang tanong ko. Gaano pa lang ba ako katagal rito? 1? 2 weeks? Pero lahat ng ito nangyari na?
“Noong gabi ng paglipat mo sa mansyon,” sagot niya. Mabilis kong naalala noon ang biglang pag-alis ni DJ sa gitna ng pag-kain namin ng hapunan. Akala ko ay dahil iyon sa tensyon sa pagitan naming dalawa pero ito pala talaga ang dahilan.
“At kinabukasan no'n, bigla na lamang kayong umalis sa kalagitnaan ng lunchbreak sa campus. After that, you texted me to go home right away but I was too stubborn at nagpumilit pa ring pumunta sa checkup ko.”
Tumango siya at umupo na rin sa tabi ko, “we left because that was the time Jedika was found dead in the woods,” napapikit na ako sa mga sinabi niya. My God, no one ever deserves this, no one. “She was just supposed to be a hostage. They thought she was you, gagamitin ka sana nilang trap para mapapunta akong mag-isa sa kampo nila. But when the old man saw they captured the wrong person, imbes na ibalik na lamang nila ito nang buhay. They killed her instead.”
“I was right. Dapat ako ang nasa kalagayan niya,” bulong ko.
“Stop this nonsense Katherine,” matigas na sabi ni DJ. Nang tumingin ako sa kanya ay naabutan ko na lamang siyang nakakunot ang noo at halatang may inis na ekspresyon sa mukha. “I expected this, time will come and you would be the number one target of the rogues whose top goal was to make sure I will suffer. Pero walang sinuman ang umasang mangyayari 'to kay Jedika, walang sinuman ang may gusto nito and this incident tells us that we should always expect the unexpected. Parte ka na ngayon ng mundo ko Katherine, at sa mundo ko, normal lang ang pagbubuwis ng buhay at pagsa-sakripisyo para sa Pamilyang kinabibilangan mo.”
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at diretso akong tinitigan. “I know you never wanted to be a part of this world Love, but I need you with me. I need you in my world and I would do everything to make you stay.”
“I'm sorry,” sabi ko sabay hawak sa parehong kamay niya at unti-unti itong inalis sa pisngi ko ngunit hindi ito binitiwan. “I’ve been selfish, lagi na lang ganto na sarili ko ang iniisip ko. I always make it seem like I'm the victim and not think of the people around me. You all are trying to protect me pero anong ginagawa ko? Ako pa 'tong nagpupumilit na ako ang kawawa.”
“Katherine—“ hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
“I promise to never question you again, hindi ko na ipagpipilitan pang malaman ang lahat... nakakapagod na rin kasi,” pilit na tawa ko pa, “hihintayin ko na lang na ikaw na mismo ang magsabi sa'kin sa oras na gustuhin mo. I'm gonna start trusting you DJ.”
He smiled at me and I nearly gasped because of the effect it has on me. He rarely smiles and when he does, wala ka nang iba pang magagawa kundi pagmasdan lamang ito. He's very beautiful, it hurts.
“Thank you,” bulong niya bago halikan ang noo ko.
“Are you sure you want to do this?"
Saglit akong tumingin sa bahay na katapat namin. Agad kong napansin ang larawang nakasabit sa porch at ang mga kandila at bulaklak na nasa harap.
Binalik ko ang tingin kay DJ na nasa driver seat, “wala na nga ako no'ng burol at libing, ito na lang ang tanging magagawa ko para ipakitang nakikiramay ako sa kanila.” Napahigpit ang hawak ko sa fruit basket na nasa aking kandungan dahil sa kaba.
Tumango si DJ bago nauna nang bumaba. Ilang saglit pa'y bumukas na rin ang pinto sa tabi ko saka niya kinuha sa'kin ang basket at inalalayan ako sa pagbaba. Hawak-kamay niya akong pinangunahan sa paglalakad at nang tuluyan na kaming nasa harap ng bahay ay walang pagdadal'wang-isip na pinindot niya ang doorbell nito. Isang babae ang nagbukas ng pinto na agad kong nakilala bilang Mama ni Jedika.
Saglit pang nanlaki ang mga mata niya sa gulat ngunit dali-dali rin naman niyang iniyuko ang kanyang ulo bilang respeto. “Alpha Jebediah, Luna Leto,” bati niya bago buksan nang tuluyan ang pinto. “Tuloy po kayo,” alok niya.
“Salamat po,” bulong ko at hindi na nagtaka nang wala nang sabi-sabing pumasok si DJ na agad kong sinundan.
“Upo po kayo,” senyas ng babae sa double-seater sa living room. Pagpasok pa lang ay naram-daman ko na ang lungkot ng bahay, idagdag pa ang pa-wala nang amoy ng bulaklak at dal'wang kandilang nakapatong sa isang side table rito.
“Heto po para sa inyo,” abot ko ng basket ng prutas.
Agad niyang kinuha ito mula sa'kin at bahagyang ngumiti, “hindi na po sana kayo nag-abala pa, yung pagpunta niyo lang ho rito, malaking bagay na para sa pamilya namin.”
“Malaki po ang pagkukulang ko sa inyo,” sambit ko, “kahit po kakikilala ko pa lang kay Jedika naging isa na siya sa mga pinaka-malapit kong kaibigan. Sobrang nakakalungkot pong isipin na hindi ko na siya makikilala pa nang lubusan.” Hindi ko na napigilan pang tumayo at lumapit sa kinauupuan niya bago siya yakapin. “Sorry po... sorry po na kay Jedika pa nangyari 'to.” Naramdaman ko na lamang ang mga luhang kumakawala mula sa mga mata ko kasabay ng pagyakap rin pabalik sa'kin ng Mama ni Jedika.
Kumalas siya sa pagkakayakap at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko gamit ang mga daliri niya. I was immediately reminded of my mom and how much I miss both my parents.
“Luna Leto, tandaan niyo pong kailanman ay wala kaming sinisisi kundi ang mga rebelde lamang. At naniniwala kaming nabigyan na ng hustisya ang nangyari kay Jedika. Nagpapasalamat kami kay Alpha para roon, may dahilan ang Mahal na Diyosang Artemis sa nangyaring ito. Alam po naming nasa mas maayos na lugar na siya ngayon.”
“Salamat po,” tanging nasabi ko na lamang bago ko muli siyang yakapin.
Halos isang oras din kaming namalagi sa bahay at nakipagkwentuhan kay Tita Renee. Kwinentuhan niya kami tungkol sa galing ni Jedika sa sports lalo na sa volleyball at kung pa'nong naging MVP siya last year sa sports fest. Pinaghanda niya rin kami ng miryenda and I must say that her meatball spaghetti is the best I've had. Agad kong napatunayan kung kanino nagmana si Jedika ng kabaitan niya at pagka-masiyahin.
Paalis na kami nang biglang dumating ang isa pang nakwento sa'min ni Tita – ang kapatid ni Jedika na si Thana. She's a sophomore at base sa nakita kong oras sa wall clock na nakasabit malapit sa hagdan nitong bahay, dismissal na ng university. Pinanuod ko kung pa'nong bahagya siyang mapasinghap nang makita si DJ bago matuon ang atensyon niya sa'kin at matapos ay agad akong napalitan. She glared at me and I almost took a step back.
“Thana! Give your respects to the Alpha and Luna,” utos ni Tita Renee ngunit laking gulat ko na lamang nang biglang nag-iba ang kulay ng mga mata ni Thana – from her ordinary black irises into light brown ones.
“Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?” I was shocked when I heard her voice, and finally took a step back when she growled at me. Mabilis na lumapit si Tita Renee sa kanyang anak kasabay ng pagpwesto ni DJ sa harap ko.
“Thana! That's our Luna!” galit na sigaw ni Tita.
“Renee, you better keep your daughter in check,” DJ said with a stern voice. Napayuko na lamang ako at napakagat sa labi.
“I'm sorry Alpha, Luna. Thana is turning 16 this month. Mas sensitive at matindi ang emosyon niya ngayon, pasensya na ho talaga,” sabi ni Tita habang mahigpit na nakahawak sa braso ng anak. Malalim ang paghinga ni Thana at kita ang sobrang galit nito dahil sa mga nakayukom niyang kamao at sa ekspresyon ng kanyang mukha. She's blaming me and I don't have any reason to tell her to stop.
Hinawakan ko ang braso ni DJ at bahagya siyang tinulak upang makalapit ako kay Thana. “I'm sorry, I hope you can forgi—“ I felt searing pain on my left cheek caused by the unexpected slap, at dahil sa gulat ay hindi ko na nagawang magsalita pa.
“Shut up! Wala kang kara—“ all three of our attentions averted towards the person behind me. Jebediah was growling at Thana while giving her a murderous look. Ngayon ko lang nakitang ganto si DJ at kahit ako'y nakaramdam ng takot. Gaya ng dati'y naging ginto ang kulay ng kanyang mga mata at akala ko'y matatapos na doon iyon ngunit laking gulat ko nang unti-unti itong naging pula... the color of death.
“You dare disrespect my mate,” lalong nanigas ang katawan ko dahil sa ‘di pamilyar na pagbabago ng boses niya. It was deeper and huskier. I almost thought it was his wolf talking.
“DJ,” puno ng pangambang tawag ko sa kanya, ngunit tila hindi niya ako narinig dahil patuloy lang ang pagtingin niya nang masama sa takot na takot na ngayong si Thana. Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang magsimulang humaba ang mga kuko ng aking kapareha at maging sobrang tulis ng mga ito, “Jebediah stop it.”
“Alpha, humihingi po ako ng tawad,” nanginginig ang boses na sabi ni Tita Renee, bago tumingin sa akin na tila nagmamakaawa gamit ang mga mata niya.
I have to do something! Pero anong gagawin ko? Oh my God, oh my God... Leto mag-isip ka! DJ suddenly stepped forward and we all immediately took a step back. What the heck? Bakit pati ako umatras?! I should do something!
“I will make sure you won't ever slap anyone with that damn filthy hand of yours,” DJ threatened once again, dahilan upang malakas na mapatili si Thana. Sa isang iglap, nakita ko na lang si DJ na nasa harap na ng batang babae, at mahigpit nang hinahawakan ang kanyang kanang kamay na siyang pinangsampal sa akin.
I didn't think, my mind went blank. It all happened so fast. The only thing I can think of was to calm him down.
And so I kissed him.