Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinila ang kanyang ulo pababa sa'kin, at walang pagdadalawang-isip na nilapat ang mga labi ko mga labi niya. His body immediately went stiff and mine suddenly froze habang naramdaman ko ang epekto ng biglaan kong desisyon sa sarilli kong pagkatao.
Oo, pagkatao... because hell this is freaking intense! Yung sinasabi nilang mga paru-paro sa tiyan? Yung parang na-kuryente na tinatawag nilang sparks o fireworks? Some would even say it was indescribable and all those deep adjectives.
Me? One word. Chaos.
Every single cell in my body went overdrive. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko to the point na pinili ko na lang na hindi mag-isip. Don’t even ask about that blood-pumping organ inside my chest, sobrang bilis at lakas ng pagtibok nito na halos ramdam ko na ang vibration sa buong katawan ko. It was all kinds of calamity inside my damn digestive, circulatory and respiratory system.
Ni-hindi ko nga napansin ang unti-unti niyang pagkalma at ang pagpulupot ng mga braso sa bewang ko. Nagising na lamang ako sa katotohanan nang mas idiin pa niya ang mga labi niya sa'kin at simulang igalaw ang mga ito. He was coaxing my lips to respond and I can smell his minty breath because of it. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa hinayaan ko na ang pagpikit nito at walang pagdadalawang-isip na sumunod sa galaw ng mga labi ni DJ. He bit my lower lip and that's when—
Mabilis akong napabangon habang hawak ang dibdib ko. Diyos ko, kung kailan nakatulog na 'ko pati ba naman sa panaginip ipapaalala niyo sa'kin 'yon? Napahilamos na lamang ako ng palad sa nag-iinit kong mukha sabay tingin sa alarm clock. Agad akong bumuntong-hininga nang makitang alas-singko pa lang ng umaga. Pero mabilis din akong napangiti nang isang magandang ideya ang pumasok sa utak ko. Though I probably look stupid right now.
Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at agad na hinanap ang pangalan ni Erin sa contacts saka ito pinindot. Papatayin ako ng babaeng 'to pero kailangan ko talaga siya ngayon kundi sa kahihiyan ako malalagot.
“Leto Katherine Manuel, may problema ka ba sa'kin?” Bungad niya at halata pa sa boses ang antok, malamang gisingin mo ba naman ng ganitong kaaga Leto.
“Sorry,” buntong-hininga ko pa bago saglit na makarinig ng bahagyang pagkaluskos mula sa kabi-lang linya.
“O bakit? May problema ba d'yan?” Ngayon ay napalitan na ang antok niya ng nag-aalalang tono.
“Hindi, wala naman. Maaga lang akong nagi-sing kaya yayayain sana kitang mag-breakfast sa labas. Sa Io Cafe? 'Di ba hindi tayo natuloy noon doon dati? Sunduin mo ko please.” Alam kong narinig niya ang pagka-desperada sa tono ko, at alam ko ring alam niyang nagsisinungaling ako nang sabihing wala akong problema.
“Okay, around 6:30 nand’yan na 'ko,” kumunot ang noo ko at naalalang mga gano'ng oras nagigising si DJ.
“Pwede paagahan ng konti be? 6? Please?” Hiling ko pa.
“Ugh, kung ano man 'yan Leto ha... hindi kita titigilan hanggang masabi mo sa'kin lahat! Sige na. Text kita pag nandyan na kami.”
“Thank you, thank you!” Nang matapos ang tawag ay mabilis akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo't mag-ayos na. 'Wag lang talaga akong maabutan ni DJ. s**t, hindi ko na alam kung pa'no ko siya haharapin pagtapos nung- nung... AHHH! Bakit naman kasi 'yun pa naisip mong gawin Leto?! Ang daming ibang paraan, bakit gano'n pa? Aish!
Nang makita ko ang pamilyar na puting Cruiser ng kambal ay dali-dali akong tumakbo palabas ng mansyon at iniwan ang nagtatakang si Ileya. Dahil nga sobrang aga pa, nang makita niya akong palabas na ng bahay ay agad niya akong pinigilan at tinanong kung bakit ang aga ng alis ko. Isang naiilang lamang na ngiti ang naisagot ko sa kanya bago siya talikuran.
Agad na binuksan ni Manong Guard ang gate para sa'kin bago mag-bow. Nginitian ko siya at nagpasalamat saka dumiretso sa sasakyan at binuksan ang pinto ng backseat. Nang tuluyan na akong makasakay ay naabutan ko ang kambal na parehong pinapanuod ako. Si Ina sa driver's seat at si Erin sa passenger's.
Pinanuod ko kung paanong inobserbahan ako ni Erin bago ako taasan ng kilay, “may okasyon ba?” biglang tanong niya na ipinagtaka ko.
“Huh?”
Ina chuckled, “you're actually wearing an above-the-knee dress, nice legs Luna.” Mabilis akong napayuko bago bumuntong-hininga. Ni-hindi ko man lang napansin na itong damit pala ang nahablot ko dahil sa pagmamadali! I'm aiming for a maxi dress pero ito ang nakuha ko. Hindi naman sa may rule ako or what na bawal magsuot ng maikling dresses in public pero ang inconvenient kasi ‘pag ganto lalo na sa school, unexpected things could happen.
“Pwede ba 'wag niyo nang pansinin ang suot ko guys? Please? We really need to go,” sabi ko bago nag-aalalang tumingin sa mansyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatayo sa porch habang nakakibit-balikat at may iritableng ekspresyon sa mukha. “Ina! Bilis!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw. Dahil doon ay bahagyang nagpanic din si Ina at dali-daling nag-umpisang paandarin ang sasakyan.
He's pissed... big time.
Mabilis akong napangiti nang makita ang Io Cafe na dati pang bukambibig sa akin ng kambal. Pagpasok namin ay sinalubong ako ng amoy ng kape at butter na sobrang minahal ko. Sinundan ko ang dalawa sa isang mesa katabi ng bintana at katapat ng counter, a guy was manning it and probably is the barista too. Ang tantsa ko ay mas matanda siya sa amin at tapos na ng kolehiyo. Habang isang babae namang mukhang ka-edad lang namin ang nagpupunas ng mga bintana ‘di kalayuan.
“Who is she? Parang ka-edad lang natin siya pero hindi ko naman siya nakikita sa school?” She could be from another section. Pero imposibleng hindi ko siya makita dahil nga minsang nag-P.E. kami nang magkakasama and I could definitely notice her because of her cuteness. Haha! Sobrang nacu-cute-an kasi ako sa mga taong may chubby cheeks.
“Oh she's Athena, apo siya ni Elder Lilith na may-ari nitong cafe. Habang iyon naman na nasa counter, si Henrick, her mate. Athena is home-schooled by her grandmother, dahil nga Elder si Lilith. May mga dapat siyang matutunan na hindi naituturo sa isang regular school lang.” Magsasalita na sana ako para tanungin pa si Ina nang biglang lumapit sa amin si Athena nang nakangiti.
“Hi Erin, Hi Ina and... hello,” bati niya sa'kin. Nginitian ko siya habang bahagyang natawa naman ang dal'wa dahil halatang naiilang si Athena sa'kin.
“Athena, this is Leto. Leto, Athena,” turo ni Erin sa ngayo'y nanlalaki na ang mga matang si Athena.
“Oh my gosh! You're Luna Leto, I'm sorry hindi ko po agad kayo nakilala,” namumula ang mga pisnging sabi niya na lalo ko pang ikinangiti.
“No it's okay, I really love your place!” excited kong sagot.
“Thank you,” ngiti niya at sinimulan na nga naming sabihin ang orders namin. Nang ibigay niya ito kay Henrick ay pinakilala niya rin sa akin ang kanyang kapareha na siya namang sumaludo sa akin sabay ngiti. Tinawanan ko siya at tinanguan pabalik. They're such a perfect couple.
Humarap muli ako sa dalawa para ituloy ang sasabihin ko sana kanina. “By the way,” pagkuha ko ng atensyon nila, “what's an Elder?”
“Sa tingin ko isa din 'to sa hindi napaliwanag sa'yo ni Lady Ceres right?” Pagtutukoy ni Erin kay Maia at tinanguan ko naman siya bilang sagot. “In the werewolf society, we have what we call the Scholar Wolves o mga shifters na may taglay na kakaibang katalinuhan. Karamihan sa mga scholars ay kabilang sa mga kamag-anak ng may mga matataas na ranggo which is the Alphas, Betas and Third-in-Commands. You see, scholars knew almost every answer... their intelligence are beyond normal shifters', kaya naman nagiging official advisers sila ng Alpha at ng Monarkiya,” she started.
“Sabihin na nating Scholars are Oracles without the visions from the Goddess Artemis. Maaaring makita ng mga Scholars ang mga posibleng mangyari sa hinaharap base lamang sa nao-obserbahan nila at base lamang sa katalinuhan, napag-aralan at common sense nila. And our pack is really lucky to have our own Elder, sa pagkakaalam ko ay anim na Elders na lamang ang natitirang buhay hanggang ngayon at tatlo sa kanila ay pinagsisilbihan ang Mahal na Hari't Reyna. An Elder is one of the very first scholars who founded the first werewolf law and government, in short... they could be two hundred years old or more.”
Dahil sa pagkamangha ay sandali pa akong hindi nakapagsalita, two hundred years or more? Hindi na rin ako nagtataka dahil sa pagkakaalala ko sa paliwanag sa'kin ni Maia dati, bumabagal daw ang pagtanda ng mga shifters sa oras na tumungtong sila ng 30 years old. They will age four times slower than an average mortal at iyon ang dahilan kung bakit posible sa kanilang umabot sa ga'nong edad. So if 200 years old ang mga elders, mukha pa rin silang around 73 years old.
Pero ang totoong tanong diyan, paano na lang kaming mga mortal? Kung gano'n ang magyayari, 60 years old na ako at mukhang totoong senior citizen habang si DJ mukhang 38 years old lang? Ang unfair naman yata no'n. Nang sabihin ko ito kay Maia dati, tinawanan niya lang ako sabay sabing;
‘Kahit ano pang itsura mo, tatanggapin at mamahalin ka ni DJ nang buong-buo.’
Hanggang ngayon kahit iniisip ko lang, nararamdaman ko pa rin ang pag-init ng mukha ko. She said it, the 'M'-word or 'L' kung sa ingles, ni-wala ngang kasiguraduhan kung aabot ba kami sa gano'n. Masyado pang maaga para isipin iyon.
“Sandali nga lang,” nabalik ako sa realidad nang biglang magsalita muli si Erin. “Baka akala mo nakatakas ka na sa'min Leto. Ano 'to? Anong dahilan kung bakit nandito tayo ngayon at ginising mo ako nang pagka-aga-aga. Explain.” Tinaasan niya ako ng kilay habang si Ina ay umayos din ng upo matapos ibaba ang phone niya na kanina pa niya kinakalikot habang nagpapaliwanag sa'kin si Erin. I should ask her about it later.
I sighed kasabay ng pagbalik ng mga alaala ng nangyari kahapon sa'kin, “guys please 'wag niyo akong pagtatawanan,” pagmamakaawa ko. Nakita kong lalo pa silang naging interesado sa kwento. Saktong magsisimula na ako ay dumating na ang order namin kaya naman pinatapos ko muna si Athena sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa bago magsimula at ikwento sa kanila lahat ng nangyari kahapon.