“Jesus Christ Leto, YOU KISSED HIM!”
“Shhh!” Awtomatiko akong napahampas sa braso ni Erin habang iritable namang tiningnan ng masama ang nagpipigil ng tawang si Ina. Buti konti pa lang ang customers na kasama namin sa loob, napaka-iskandalosa talaga kahit kelan nitong si Serendipity.
“Grabe ka Luna, may tinatago ka palang ganyang mga taktika ha... turuan mo ko minsan magamit ko kay Rael-my-honey-bunch-sugar-plum,” pang-iinis pa ni Erin at doon na nga humagalpak ng tawa ang kakambal niya.
“Sabi nang 'wag akong pagtawanan eh,” reklamo ko bago paulit-ulit na tusukin ng tinidor ang cheesecake na nasa harap ko... kawawang cheesecake.
“Hindi ka naman kasi dapat mahiya sa ginawa mo,” napatingin ako kay Ina at napansin pa si Erin na tumigil na rin sa pag-tawa bago tumango sa sinabi ng kapatid. “You're mates! At nasa tamang edad na rin, kung iisipin nga tama lang na nangyari 'to. Kung susundin ang nakagisnang kultura at tradisyon ng mga shifters, unang pagkikita pa lang ay kailangan nang makumpleto ang mating process.”
What? Is she for real? Is she saying that you’ll have to do it with a complete stranger? So kung ia-analyse 'tong nangyayari sa'min ni DJ, sobrang bagal pala talaga ng takbo ng relationship namin gan'on ba? Nahihirapan na kaya siya? Paano na lang kung dumating yung time na... na mapagod na siya sa kahihintay? Will he give up on me?
“Hey, what are you thinking?” Nalipat ang atensyon ko kay Erin na hawak ngayon ang isang kamay ko. Pareho silang may nag-aalalang ekspresyon at nakatingin nang diretso sa'kin.
“I just realized kung ga'nong kalaking paga-adjust ang ginagawa ni DJ para sa'kin ngayon. Hindi ko alam, nowadays ang dami kong realizations sa aming dalawa? Ngayon lang nagsi-sink in sa'kin how much he had to change for me, at ayokong mangyari 'yon. Ayokong magbago siya para lang sa'kin... ayokong baguhin niya yung mga nakasanayan niya para lang sa'kin. But what can I do? Kung hindi naman siya maga-adjust, maaaring ako naman ang maa-pektuhan. Ayokong dumating sa point na iwan ko siya dahil lang natatakot na 'ko sa lahat ng nangyayari.”
Naramdaman ko ang pagpisil ni Erin sa kamay ko bago siya marinig na magsalita, “Leto, bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? You're practically a miracle for our Alpha – for all of us! Akala namin wala na siyang pag-asang makatagpo pa ng magiging Luna pero here you are. We're very lucky to have you as our future Luna, Leto. You're worth changing.”
I bit my lip, not believing how much they think of me. Siguro nga after all these years na binubully ako sa school at minamaliit ng mga tao, hindi ako sanay sa gantong pakikitungo.
“And we're sure gagawin lahat ni Alpha para lang masiguradong hindi ka nahihirapan at nasasaktan. We also know that, time will come na matatanggap mo siya Leto. Kahit sino pa siya at hindi na niya kakailanganin pang mag-adjust para sa'yo.” Nginitian ko si Ina – I hope so too.
Pilit akong tumawa para alisin ang tensyon na nakapaligid sa'min, “ano ba 'yan ang drama!” biro ko at natawa na lang din silang dalawa.
“At least may progress na kayo ng loves mo, nako ninang ako ha!” Siyempre magpapahuli ba si Erin sa mga banat niya? Napailing na lamang ako at pabiro siyang inirapan. “Pero seryoso nga. You're starting to trust him, you said, tapos hinalikan mo pa siya. Started from the bottom now you're here.”
“Salamat sa pagpapaalala ha tsk,” sabi ko at bilang ganti ay dumampot ako ng nacho mula sa plato niya at mabilis itong sinubo. Halatang nainis naman siya dahil agad niyang hinampas palayo ang kamay ko nang kukuha pa sana ako ng isa pa, I just laughed at her teasingly.
“But you sure hindi ka na talaga magtatanong? Parang ang hirap naman paniwalaan no'n, ikaw pa ba?” Komento pa ni Ina bago sumipsip sa baso ng Ice Americano niya.
“Sa totoo niyan... balak kong hindi na magtanong sa kanya at ako na mismo ang hahanap ng sagot, that's my plan,” pag-amin ko. Nagkatinginan silang dal'wa at saglit pa kaming natahimik na tatlo.
“At paano mo naman 'yon gagawin?” tanong ni Ina.
That's the problem.
“I have no idea.” Nice one Leto.
Nasa kalagitnaan kami ng klase – which is English Literature – nang maputol ang pagtuturo ng Prof namin dahil biglang may kumatok sa pinto. Napunta rito ang atensyon ng lahat, ngunit hindi ko na sinayang ang oras kong tumingin dahil madami pa 'kong kailangang isipin na ibang bagay. Isa na do'n ay ang plano ko.
Saan ko sisimulan ang paghahanap? I mean, ni-hindi ko nga alam kung ano ba ang hinahanap ko. Sa dami ng mga tanong sa utak ko, 'di ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi rin ako sigurado kung tama ba 'tong mga hinala ko o naga-assume lang ako. One example is the entire story about DJ and Marina. Alam kong meron pang hindi sinasabi sa'kin si Jebediah, kahit kutob lang 'to wala namang mawawala kung magtiwala ako rito 'di ba? Okay, siguro doon ako magsisimula. Si Maia, yes! Siya ang una kong tatanungin! Pero nasa'n na nga ba 'yun? Bakit hin—
“Are you really going to ignore me in front of everyone?” Halos mapatalon ako nang biglang nasa harap ko na si DJ. Nakapatong ang parehong kamay niya sa desk ko habang naka-crouch nang bahagya sa harap ko kaya naman direktang nakatapat sa mukha ko ang mukha niya.
My eyes widened, “anong ginagawa mo rito?” pabulong ko pang sinabi. Sigurado namang narinig din ito ng lahat dahil wala sinumang nagsasalita maliban sa'ming dal'wa.
“You left me,” lalo pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa dismayadong ekspresyon sa mukha niya. Anong nangyayari sa isang 'to? “Now you need to be punished, Love.” Ang ngisi niya ang huli kong nakita bago ko naabutan na lamang ang lahat na nakabaliktad na sa paningin ko.
“Daneios Jebediah Ford!” How he managed to put me over his shoulder from my seat will forever be a mystery to me. "PUT ME DOWN YOU PIECE—ahhh!" Agad na tili ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng classroom na pinanggalingan namin. “Gusto kitang murahin alam mo ba 'yon?!” Nababaliw na ba siya?! Nasa school kami ngayon! Pinaghahahampas ko ang likod niya at patuloy pa rin sa pagsigaw; “let me go! Why are—“
“First you ignored me after kissing me which is really frustrating,” natigil ako sa pagsasalita at pinakinggan lamang siya. “Second, you left me earlier without telling me or even sending me a text, and lastly – you wore this short as hell f*****g dress that pissed me off to no end. Ah wait, that's not the last one, muntik ko nang makalimutan. Love, akala mo ba hindi ko malalaman ang tungkol do'n?”
Shet anong tinutukoy niya? Hindi kaya yung— oh my God! No no no no no no please please 'wag yun please.
“I told you to behave tapos malalaman ko na lang,” natigil siya sa paglalakad bago niya ako unti-unting ibaba. Naabutan ko na lang muli ang sarili kong nakatago sa pagitan niya at ng sasakyan. He cinched his arms around my waist, kaya naman tuluyang nagkadikit ang mga katawan namin. I bit my lip feeling my heart beating in an incredibly fast pace.
“Malalaman ko na lang na ang makulit kong Luna ay hindi na naman nakinig, at pumasok sa kwartong halata namang pinagbabawalan kong pasukan ng kahit na sino dahil masyadong delikado.”
“Sinong nagsabi sa'yo?” I said with my eyes wide. Wrong question Leto! Mayday mayday! Abort mission! Patay na.
He smiled—wait what? Ngumiti siya? What the? “What am I gonna do with you?” Lalong nanlaki ang mga mata ko bago ko naramdaman ang pagbuntong-hininga niya at ang pagbaon ng mukha sa leeg ko. “My stubborn Love,” he whispered biting the shell of my ear and kissing my jaw.
This guy is driving me crazy.