ROYAL PRINCESS INVIDIA
EASTERN EUROPEAN TIME ZONE
TO VASILIKO PALATI, KOKKINOPILOS, GREECE
“May nasabi ba sa'yo ang Mahal na Hari't Reyna kung bakit nagpatawag bigla ng pagpupulong ngayon?” tanong ko kay Vulcan na katabi ko ngayon sa paglalakad papuntang conference hall nitong palasyo. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya naman nagkaroon na ako ng kutob na pati siya'y nagulat rin sa anunsyo ng pagpupulong.
“Ang balita ko lang ay nitong mga nakaraang araw, nadadalas ang pagkikita ng mga Kamahalan at mga Iskolar,” awtomatikong kumunot ang noo ko bago alisin ang tingin mula sa aking asawa. May problema bang kinakaharap ang palasyo? O kahit isa man sa mga Pamilya?
“Have anyone told you if there's—“ natigil ako sa pag-sasalita nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko at ang bahagya niyang pagpisil rito. He already knew what I'm about to ask and as he shook his head, my question was answered.
Agad akong natahimik at sakto namang nakarating kami sa pasilyo kung saan tanaw na ang pares ng ginto at puting pintuan ng silid-pulungan. Sa kahabaan ng pasilyong ito ay nakahilera sa kanan namin ang malalaking bintana na tanaw ang ilang parte ng Bundok Olympo at Dagat Aegean. Sa kaliwa naman ay isang dingding na tulad ng iba'y may mga engrandeng dekorasyon at molde. Ngunit 'di tulad ng iba ay kapansin-pansin ang malalaking gintong kuwadro na naka-sabit rito. And I would always find myself reading the sentences on every frame we passed even if I have memorized it already.
A child will be born with beauty the immortals will worship but mortals loathe.
She will be weak in nature but strive to have strength.
She will have power greater than the Chief Oracle herself.
She will have authority higher than the King, thus kill him she can.
But fate is cruel, she is destined to be his Queen.
She will either save her kind or cause them their demise.
But above all one thing is certain, Goddess, their offspring will be.
I have known many things in my life, dahil bago ko pa makilala si Vulcan at maging prinsesa at Luna niya, ay isa ako sa iilan na napiling maging susunod na Iskolar sa ilalim ni Elder Ninio. Masasabi kong ordinaryo lang para sa amin na malaman ang ganitong mga pangitain ng Punong-Oraculo. Some are easy to analyze, some are difficult to the point as if our brains are about to explode.
Pero ang isang 'to – ito na yata ang pinaka-risky sa lahat. We're talking about someone who has the possibility of being a friend or a foe; a savior or a killer, pero ano? Kahit sino pa siya sa mga ito, siya pa rin ang hihiranging Reyna ng werewolf race.
And what if she became the latter? Fate is really cruel then.
Tumigil kami sa harap ng pinto at agad namang inanunsyo ang pagdating namin bago ito buksan. Nang makapasok kami ni Vulcan ay mabilis na tumayo ang tatlong Elders habang nanatiling nakaupo ang Mahal na Hari't Reyna at Punong Oraculo. Isinantabi ko muna ang pagtataka at sumabay kay Vulcan na magbigay respeto sa mga nakatataas sa'min at bahagyang tanguan naman ang mga Elders para sila'y makaupo na.
Magkasama sa isang kabisera ng mesa ang Mga Kamahalan habang katapat nila ang Punong Oraculo at nakahilera sa kanan nila ang mga Elders. Umupo kami ni Vulcan sa tapat ng mga Katandaan – sa kaliwa ng Mahal na Hari't Reyna. Kung narito kami, bakit wala sina Theo at Marina? At gan'on na lang ba kahalaga ang pag-uusapan namin dahil kahit ang Punong Oraculo ay narito?
“Now that we all are here,” pagsisimula ng Mahal na Hari, “gusto kong malaman niyo na ang pag-uusapan natin ay kailangang manatili lamang sa pagitan ng lahat ng narito ngayon. Consequences are at risk, and we can't let these happen for it will greatly affect not only the monarchy but the whole race.” Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko, at alam kong naramdaman ito ni Vulcan dahil sa mate bond kaya naman agad niyang hinawakan ang kamay ko.
“Alpha Vulcan, Luna Via,” nalipat ang atensyon namin sa Mahal na Reyna na siyang tuma-wag. “Alam naming nagtataka kayo kung bakit napasama kayo sa pagpupulong na ito gayong wala naman sina Theo at Marina,” saglit kaming nagti-nginan ni Vulcan at sabay siyang tinanguan. “It's be-cause they are a part of what we'll be talking about and we need both your help.”
Marahil nakita nila ang pagtataka sa mukha naming dalawa kaya naman hindi na nagsayang pa ng oras ang Mahal na Hari. “These past few days, the Chief Oracle had been sensing some kind of energy here in the palace,” napatingin kami sa Punong Oraculo na nanatili lang na nakikinig ngunit bahagya rin naman kaming nginitian. “Kaya mas pinili niyang dumito at huwag munang bumalik sa Templo dahil gusto niyang bantayan ang nasabing enerhiya. But this energy, it was the same one she felt three days before she came here in the palace.”
Tila makinang awtomatiko na nagkalkula ang utak ko. Sa pagkakaalala ko, limang araw nang narito ang Punong Oraculo. Tatlong araw bago mag-Biyer-nes, ibig-sabihin Martes iyon at wala na namang ibang pupuntahan ang Punong-Oraculo kundi sa Templo lamang. Kung gayon, hindi lang nasa palasyo ang enerhiya kundi sa templo rin. Ngunit ano ba ang nangyari noong araw na iyon?
It immediately clicked.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa mga nakapalibot sa akin at lalong nagulat nang lahat sila'y pinapanuod ako na tila ba hinihintay na mapagkonekta ko ang lahat. Huli kong tiningnan ang aking asawa na may gulat ring ekspresyon sa kanyang mukha, sa palagay ko ay binabasa na niya ang isip ko kahit noong ina-analisa ko pa lamang ang sitwasyon.
“Inaasahan na naming makukuha mo agad ang gusto naming ikubli Prinsesa Invidia. Oo, tama ang hinala mo, ang enerhiya ngang iyon ay nanggaling sa isang binibining dumating sa templo noong araw mismong iyon at siya ring nanatili ng saglit na panahon rito sa palasyo,” pagkumpirma ng Punong-Oraculo.
Una, sinabi nila na tungkol kila Marina at Theo ang magiging pag-uusap namin, paano nasama rito si Leto?
“We're having second thoughts about the Toenia.” Halos mapasinghap ako sa mga salitang lumabas mula sa bibig ng Mahal na Hari at base sa mga ekspresyon sa mukha ngayon ng tatlong Katandaan, sa palagay ko kahit sila'y ngayon lang rin ito nalaman. Kung hindi ako nagkakamali, tanging ang mga Kamahalan at Punong-Oraculo pa lamang ang nakakaalam nito.
“With all due respect Your Majesty,” pagsisi-mula ni Elder Galeia, “hindi po ba masyadong mapa-nganib ang mga katagang inyong binitawan?”
“Alam ko iyon Galeia, kaya naman ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko lang na mga kasapi ng palasyo ang narito ngayon,” matigas na sabi ng Mahal na Hari at dahil dito'y agad na napayuko si Elder Galeia. Isang tanong na naman ang namuo sa isip ko; hindi niya pinagkakatiwalaan sila Theo at Marina?
“Sana po'y tanggapin niyo ang eksplanasyon namin Kamahalan, ang buong akala po nami'y isang ordinaryong enerhiya lamang ito na nanggaling sa isang bagong-hirang na Luna. O maaaring dahil naninibago lang tayo sa pagdating nila Luna Leto at Alpha Jebediah rito sa palasyo. Hindi po namin inaasahan na dahil rito ay magkakaroon kayo ng ganyang konklusyon,” sinserong sabi ni Elder Ninio na siyang sinang-ayunan ko.
“At kung hahayaan po nating magkaroon tayo ng ganitong ideya, ano na lamang po ang magiging epekto nito sa ating nasasakupan? Halos magda-dalawang taon na pong nasa pwesto sina Prinsipe Theordan at Prinsesa Marina, malaking gulo po ito kung sakali,” komento naman ni Elder Midas.
“And we should be thankful,” lahat kami'y napalingon sa Punong Oraculo, “magpasalamat tayo na halos dal'wang taong pa lamang ang nakakalipas – at hindi tatlo, lima... sampu. Magpasalamat tayo sa Mahal na Diyosang Artemis na maaga niya tayong pinagkalooban ng senyales dahil kung tama nga ang hinala natin, maaga natin itong maitatama. Dahil kung hindi tayo pinalad at naramdaman ko ito nang nakaupo na sa trono ang dalawang iyon, mas malaking problema sana ang kakaharapin natin.”
She's right, heck the Chief Oracle is always right. Bumalik sa alaala ko ang pagkikita namin noon ni Marina. Yes, I was astounded by her beauty. Minsan ko pa nga siyang pinag-selosan dahil kahit si Vulcan ay nagulat rin sa taglay niyang kagandahan. Ngunit agad ko ring natanggap na kahit sino nama'y ganto ang magiging reaksyon sa kanya. The moment I saw her, nalaman ko kung bakit isang pagkakaibigan ang nasira nang dahil sa kanya. Nalaman ko kung bakit siya ang hinirang na Toenia – ang natatanging babaeng tinutukoy ng propesiya.
Ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa, kailanman hindi ko siya naituring bilang matalik na kaibigan 'di gaya ng pagkakaibigan namin ni Ceres. Kahit si Vulcan, minsan niya ding nasabi sa'kin na hindi raw siya gano’ng kalapit kay Theo 'di tulad ng pagkakaibigan nila ni Jebediah.
And that thought is what scares me, dahil inaamin kong kahit nito ko lang nakilala si Leto, iba na ang naramdaman ko sa kanya. Alam kong totoo siya at gusto kong mapalapit sa kanya. And Leto's beauty.. goodness gracious. Hindi ito kagaya ng kay Marina na sa unang kita mo ay mamamangha ka na agad, ang sa kanya ay unti-unti mong makakasanayan. Habang tumatagal ay lalo mong makikita ang taglay niyang kagandahan at kailanma'y 'di ka magsasawa.
Si Marina, mula noon hanggang ngayon, kapag iniisip ko na siya ang Toenia, parang laging may isang bagay na kumokontra. Parang laging may mali. I chose to ignore it then, but what if... what if we were really just blinded by her beauty? What if she's not the one we're looking for?
“At aminin man natin o hindi, ilan sa atin ang dati pang hinihintay na mangyari 'to,” kahit ako ay nagulat nang biglang magsalita si Vulcan sa tabi ko, we all looked at him.
“What are you meaning to say, son?” Tanong ng Mahal na Reyna.
“Your Majesty,” pagsisimula ng aking asawa bago tingnan kami isa-isa, “have you all forgotten? Theo wasn't really the one who's chosen to be the next King.” Dito na ako tuluyang napasinghap at agad na pinisil ang kamay ni Vulcan. Kailanman ay pinagbawal na ang pagbanggit sa paksang ito dahil isa itong malaking sikreto ng palasyo.
Napuno ng katahimikan ang buong silid bago muli itong basagin ng Punong Oraculo. She chuckled, surprising us, “wala namang mangyayari kung ipagkakaila natin ang katotohanan. Tama ang Prinsipe, kailanman ay hindi siya ang napili natin bilang susunod na uupo sa trono. It has always been Jebediah, always.”