LETO KATHERINE
UNIVERSITY PARKING LOT
“What now Love? Cat got your tongue?” Rinig kong sabi niya. Nanatili akong nakayuko habang kagat ang labi ko, hindi alam kung anong isasagot sa kanya.
I mean, bakit pa ako magpapalusot 'di ba? Nahuli na ako, at idagdag pa yung nangyari kahapon, could this day get any better? Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago hawakan ang parehong kamay ko at sandaling paglaruan ang mga daliri ko. I immediately looked up at him. “Talk to me,” bulong niya.
Parang may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa mga balikat ko dahil sa pagsisisi. “I'm sorry,” simula ko, "'dun sa nangyari sa kwarto mo, aaminin ko talaga na kasalanan ko 'yun. I was too curious and bored, walang kasalanan sila Mrs. Salem do'n. Ako rin ang nagsabi sa kanilang 'wag sabihin sa'yo. Hindi naman ga'nong kalala yung injuries ko, it's not really worth this much of your concern.”
Kumunot pang lalo ang noo niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko, “you're always worth of my concern, Katherine.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapayakap sa kanya. Sana sapat na 'to para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako nagsisisi sa hindi ko pagsabi sa kanya ng nangyari, pati na rin ang hindi pagkausap sa kanya kaninang umaga. It was such a selfish and immature move, I get that now.
“I'm really sorry, for not talking to you this morning. Hindi ko kasi talaga alam kung anong sasabihin ko pagtapos nung nangyari kahapon,” naiilang kong bulong sa kanya. Marahan siyang bumitiw sa pagkakayakap at binalik muli ang hawak niya sa mga kamay ko.
“Sana mapatawad mo rin ako,” nagtataka akong tumingin sa kanya, “hindi agad kita kinausap noong pagkauwi pa lang natin, I let you fall asleep with something obviously bothering you. It was partially my fault Katherine, I'm sorry you had to see that side of me. Hindi ko nakontrol ang sarili ko, I could've hurt you.” Napamasahe siya sa noo niya sabay alis ng tingin mula sa akin.
“DJ, okay yes, I was shocked pero alam ko na ngayon. At alam ko na ring hindi iyon ang huling pagkakataon na mangyayari 'yon sa'yo. Kailangan kong tanggapin dahil parte 'yon ng pagkatao mo. Pero sana tanggapin mo rin na hindi ko lagi kailangan ng proteksyon galing sa ibang tao. I can take care of myself. Yes, I'm clumsy at minsan – madalas, hindi muna nag-iisip bago ako gumawa ng desisyon, pero alam ko naman ang ginagawa ko. I'm not a kid Jebediah. I'm trying to trust you so could you at least try to trust me too?”
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga kamay ko at pinanuod kung pa'nong iba't ibang emosyon ang dumaan sa mga mata niya – uncertainty, realization, hopelessness. Hanggang sa tuluyan na siyang mapapikit. “Katherine...” bulong niya at rinig na rinig sa tono niya ang pag-aalala.
“If you're really gonna be difficult about this, then I have a proposition to make DJ,” napadilat ang mga mata niya at unang tingin ko pa lang rito'y nakita ko nang alam niya na may binabalak ako. At bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya, “gusto kong sumali sa training niyo – sa PTSD.”
Kung gaano kabilis dumating ang desisyon sa akin, gano'n din kabilis ang pagsagot ni DJ; “the hell you would be joining us!” Dahil sa sobrang inis at pagtanggi ay napaatras pa siya sa kinatatayuan niya kasabay ng pagtaas ng pareho niyang kamay.
“Come to think of it Jebediah, kasali na ako sa Track team. Sabi pa ni Kuya Cairo ay magsisimula na kami mag-training next week para sa Sports Fest. What does that make me? An official member, and a varsity athlete! So? Pwede na akong mag-start sa PTSD!” Excited kong sabi sabay palakpak pa.
He annoyingly looked at me, “are you out of your damn mind? Nakalimutan mo na bang hindi ka isa sa'min? You're a mortal Katherine, and PTSD isn't some Taekwondo summer camp you usually hear about. Sa tingin mo ba papayagan kitang masaktan? Sa tingin mo ba papayag akong i-train ka ng kung sinumang instructor na malamang wala pa sa kala-gitnaan ng lessons niyo ay napatay ko na?” I groaned, of course! Ano pa ba ang aasahan ko kundi ang pagka-overprotective niya lang naman.
“Then you train me! Ikaw ang maging instructor ko.”
Dito siya natigilan at muling tumingin nang diretso sa mga mata ko. Nabalot ng katahimikan ang paligid namin, tanging ang okasyonal na pag-ihip lamang ng hangin at ang pagsabay rito ng mga punong nakapalibot sa parking lot ang rinig.
Minutes passed and he abruptly smirked, “of course Love, no one should do it but me.” Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pamumuo ng goosebumps sa parehong braso at sa likod ko. Bakit pakiramdam ko may pinaplano itong isang 'to? Ako lang ba? And goodness this guy, his moodswings are confusing as hell!
I was sure I was about to die of exhaustion. Pero siyempre pwedeng nage-exaggerate lang din ako. Umupo ako sa bleachers at dali-daling dinampot ang water bottle mula sa training bag ko at uminom mula rito. Agad na lumapit sa'kin si Kuya Cairo at tinapik ako sa balikat, “you okay?” ngiting tanong niya.
Umisang lagok muna uli ako bago tumango, “yeah, we're training for a week – masasanay din uli ang katawan ko for sure,” sagot ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magpunas ng pawis. “Sigurado ka? Isang linggo na din kayong nagte-training ni DJ ha? Hindi naman ba masyadong nababatak 'yang katawan mo?” Pagkarinig pa lang ng pagte-training ko with DJ ay halos mapa-irap na 'ko. Kung sana matatawag mong 'training' ang ginagawa namin.
“Yeah right, feeling ko binubully lang ako ng isang 'yon eh,” reklamo ko kay Kuya Cai. Napataas naman siya ng kilay kaya pinagpatuloy ko na ang pagra-rant ko, “alam mo ba kung ano lang ang pinapagawa niya sa'kin these days? Ang suntukin siya!”
He chuckled, “nagawa mo naman ba?” Iyon nga ang problema eh! All this time ni-isang suntok ko ay walang tumama sa kanya, ugh. Nakuha na yata niya ang sagot sa facial expression ko pa lang kaya napailing na siya, “kaya hindi kayo makausad... patamain mo kase!” Tatawa-tawang sabi ni Kuya Cai at awtomatiko naman akong napahampas sa braso niya. Saktong magsasalita na sana muli ako nang makita namin si Ate na papalapit sa'min.
“Hey you two!” ngiting bati niya at tatayo na sana ako para salubungin siya nang maunahan ako ni Kuya Cai na mabilis siyang niyakap. “Kadiri naman 'to! Puro ka pawis oh,” pilit na tinulak ni Ate si Kuya Cai pero hindi ito bumitaw at tinawanan lamang siya. Natawa na lang rin ako dahil sa kakulitan ng dalawa.
“Leto, susunduin ka ba ni DJ? Gusto mo hatid ka na namin?” baling ni Ate sa'kin. Kunot-noong kinuha ko ang phone ko sa bag at nakitang wala pang text rito si Jebediah. Kaninang umaga matapos ang training namin nagpaalam siyang hindi raw makakapasok dahil may kailangan silang asikasuhin ni Ares. Hinatid niya lang ako sa school at iyon na ang huling pagkikita namin. Kaya baka nga hindi na niya ako masundo.
“We'll be driving Luna home, hon. Baka mamayang gabi pa ang balik nila DJ,” si Kuya na ang sumagot para sa'kin. Baka alam niya kung nasa'n sila Jebediah ngayon- he's the Beta in the first place. I should ask DJ about it pagdating niya, who knows kung ano na namang nangyari. No'ng huling nag-skip siya ng klase natagpuang patay si Jedika at araw na ding iyon ay ang pag-atake ng mga rebelde. Sana naman hindi kaparehong sitwasyon ang nangyari ngayon.