Nasa locker room ako at katatapos lang mag-shower, nang biglang narinig ko ang pag-vibrate ng phone sa bench na pinagpatungan ko nito. Mabilis ko itong dinampot thinking it was DJ at dali-dali itong sinagot, “hello,” excited kong sabi.
“Hello Luna Leto,” mabilis na nabalot ng pagtataka ang mukha ko dahil sa 'di pamilyar na boses ng lalaki sa kabilang linya. I immediately checked the screen at hindi ang inaasahan kong registered number at pangalan ni DJ ang naabutan ko kundi isang unknown number.
“Sino 'to?” tanong ko nang ibalik kong muli ang phone sa tenga ko.
“Ah pasensya na po hindi ako agad nakapagpakilala, I'm Dr. Xavier De Silva, ako po ang temporary replacement ni Dr. Cluss. Naka-leave po kasi siya nang isang buwan,” mabilis kong pinakawalan ang hiningang 'di ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan. Para tuloy akong paranoid nito, akala ko kung sino na ang tumawag sa'kin. “Tumawag lang po ako para ipaalala na kailangan niyong bumalik tomorrow for a checkup about your panic attacks and your vitamin prescription.”
“Oh okay, salamat sa pagpapaalala and it's nice knowing you Dr. De Silva,” sagot ko.
“It's my pleasure Luna Leto, see you tomorrow,” sabi niya bago i-end ang tawag. Naka-leave si Dr. Cluss? Bakit kaya?
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng malakas na kulog mula sa labas. Agad akong bumangon at dumiretso sa bintana. Gaya ng inaasahan, malakas na pag-ulan ang bumati sa paningin ko. Sa pagkakaalala ko ay pagkarating ko pa lang ng kwarto ay sa kama na agad ako dumiretso, I may have fallen asleep in an instant dahil sa sobrang pagod. Tumingin ako sa alarm clock at nakitang quarter to 11 na ng gabi, nakabalik na ba sila DJ?
Kinuha ko ang sweater na nakasabit sa may vanity mirror ko at sinuot ito bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. The hallways on the ground floor and second floor are lit 24/7 kaya naman ni-minsan ay hindi ako natakot rito. Sa third at fourth floor lang naman laging madilim at hindi naman ako nagagawi doon. Dumiretso ako sa harap ng pinto ng kwarto ni DJ at sandaling dinikit ang tenga ko rito, stupid Leto! Malamang wala kang maririnig d'yan alam mo namang soundproof lahat ng kwarto rito.
I shrugged nonchalantly at unti-unting binuksan ang nasabing pinto. Hindi gaya nung isang linggo, 'di na gaanong pansin ang amoy ng bagong mga kagamitan sa loob (ni-hindi ko nga alam kung pa'no natagalan ni DJ 'yon), ngayon ay mas nangingibabaw na ang pamilyar na amoy ng pabango ni Jebediah. Ngunit kahit gan'on ay wala akong tao na naabutan sa loob, kundi isang madilim at bakanteng silid lamang.
I frowned, wala pa sila? Gabing-gabi na ha? Naramdaman ko ang pag-aalala at mabilis na bumalik sa kwarto ko para i-check kung may text man lang siya or missed call. Nang makita kong wala ni-isa man sa notifications ko ang galing sa kanya ay lumabas muli ako para tingnan naman ang opisina niya. Just like his room, it was vacant with no trace of my mate.
Halos patakbo akong bumaba ng hagdan para i-check ang living room o kahit sa kitchen, ngunit muli, wala ni-isa man akong naabutan rito. Nasa'n na sila? Bakit wala pa sila hanggang ngayon? Na-stranded ba sila on the way? Kailangan ko bang tawagan sila Tito Mattheo at Tita Freya? Diyos ko, pa'no na lang kung—
“Luna? Luna Leto bakit po gising pa kayo?” Hinarap ko ang pamilyar na boses ni Butler Art at naabutan siyang may hawak na payong at kagagaling lang sa service door nitong kusina.
“Butler Art, wala pa po ba kayong balita kila DJ? Hindi pa po ba siya tumatawag o kahit nagma-mindlink sa inyo? Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?” Naga-alalang tanong ko. Ang paranoid ko na nga yata talaga, I can't control it!
Sinabit ni Butler Art ang payong sa likod ng pintuan at bahagyang ngumiti sa'kin, “mabuting umupo muna ho kayo Luna, gusto niyo ho ba ng gatas? Kape? Tsokolate?” Awtomatiko akong napasagot ng gatas kasabay ng pag-upo ko sa isang bar stool sa harap ng kitchen counter. Naalala ko si Papa na lagi rin akong pinagtitimpla dati sa tuwing hindi ako makatulog. “Huwag po kayong mag-alala, sa halos dalawang taon na pagiging pinuno ng Pamilya ni Alpha Jebediah, normal na ang ganitong oras ng pag-uwi niya,” sabi pa muli ni Butler Art bago ipatong ang isang baso ng gatas sa harap ko.
“Dalawang taon? Eighteen pa lang po siya, binigay na sa kanya ang posisyon?” tanong ko. Hindi ba parang ang bata pa niya no'n para sa ganitong kalaking responsibilidad?
“He was trained to be one of the greatest leaders of the werewolf race since the age of thirteen, Luna. Wala nang mas hihigit pa sa kakayahan ng Alpha sa pamumuno kundi ang Hari lamang. Kahit ang kanyang ama ay nahigitan na niya,” nabalot ang mukha ko ng pagtataka.
He made DJ sound so powerful and supreme, mapapantayan ko ba talaga ang aking kapareha? Heto na naman ang self-esteem ko, bumababa na naman. Pero parang mali naman ang sinabi ni Butler Art na tanging hari lamang ang nakahihigit sa kanya, paano naman si Theo na siyang susunod na magiging hari 'di ba?
Nabalot ng katahimikan ang buong kusina hanggang sa magpaalam na nga ang matanda na kailangan niyang pumunta sa third at fourth floor para i-check ang mga gamit roon. Isipin ko pa lang ang pagpunta sa madilim na parte ng mansyon ay kinikilabutan na 'ko. Pa'no niya nakakayanan 'yon?
Tinanguan ko siya, sinabihang mag-iingat at eto na nga ako ngayon, mag-isa rito sa kusina. Hindi pa rin matanggal sa isip ko si DJ, kahit pati si Ares at ang iba pa niyang mga kasama. Halata namang bagyo 'tong tumama sa village ngayong gabi. Hindi muna ba nila chineck ang weather reports bago pumunta sa kung saan man ang pinuntahan nila ngayon? Hindi ba si—
Bigla akong napatayo kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko at paglaki ng mga mata ko. I swear I heard voices from outside! Dali-dali kong kinuha ang isang kutsilyo mula sa kitchen drawer at unti-unting lumabas ng kusina papuntang living room. Dahil nakaapak ako ay madali na sa'king hindi makagawa ng kahit anong tunog sa paglalakad. I pointed the knife towards the main door. Ngayon ay sigurado na akong may mga tao nga sa labas dahil rinig na rinig ko na ang mga boses nila, ngunit hindi ko matukoy kung sino ang mga ito.
I watched as the doorknob turned and my heartbeat picked up its pace much faster – if that's still possible. And then it finally opened.
“Katherine?”
Nang rumehistro sa utak ko ang pamilyar na boses at ang basang-basa na pigura ni DJ ay agad kong nabitawan ang kutsilyong hawak ko, at naabutan na lamang ang sariling tumatakbo papunta sa kanya. He immediately spread out his arms, hindi ko na na-kontrol pa ang sarili kong mapatalon sa kanya at ipulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg habang ang mga binti ko naman ay sa bewang niya. I heard him sigh, na para bang wala lang sa kanya ang bigat ko. His arm tightened around my waist habang ang kabila ay nasa ilalim ng mga binti ko.
“Where have you been?” bulong ko bago ihiga ang ulo ko sa balikat niya. Ngunit agad ko ring naalalang basa nga pala siya at kailangan na niyang magpalit ng damit. I removed my arms and legs from him at tumayo na uli nang diretso nang may dismayadong ekspresyon sa mukha. “I was worried, bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag? Ni-hindi mo man lang sinabi sa'kin kung saan ka pupunta kanina,” reklamo ko habang nag-umpisang hilahin siya paakyat ng hagdan – papunta sa kwarto niya.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ay natigilan ako at binalik ang tingin ko sa foyer kung saan nakatayo sina Ares kasama ang dal'wang ‘di pamilyar na lalaki at isang babae. “Uhm... you should also take showers too. Patatawag ko sila Mrs. Salem para asikasuhin kayo at paghanda kayo ng makakain,” ngiti ko sa kanila. Nginitian at pinasalamatan nila ako pabalik habang si Ares ay isang mapang-inis na ngisi lang ang sinagot sa'kin. Tiyak hindi ako titigilan sa pang-aasar ng isang 'yon dahil sa pag-salubong ko kay DJ kanina.