Humiga ako sa kama ni Jebediah matapos magpalit ng damit – dahil bahagya ring nabasa ang suot ko sa pagyakap ko sa kanya. I just borrowed one of his shirts and boxers saka hinintay siyang matapos sa paliligo. Bumangon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang paglabas niya mula rito suot ang isang pares ng sweatpants – that’s it. Ugh. My cheeks heated up at mabilis kong binaling ang tingin ko sa ibang bagay. Would wearing a shirt hurt him? Jeez.
“Dapat hindi mo na 'ko hinintay at natulog ka na,” sabi niya bago umupo sa harap ko.
“I was about to, pero nalaman kong wala ka pa. May nangyari ba ulit?” nag-aalalang tanong ko. Sandali siyang natahimik at tila may malalim na iniisip. Doon ako naghinala, so may nangyari nga?
“A sub-Pack was attacked this morning,” tuluyang sagot na niya. My eyes widened at awtomatiko na akong napalapit sa kanya. Agad naman niyang pinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko at hinila ako sa kandungan niya.”Nasa dulong parte ito ng teritoryo, it was just a small village north west of our teritory, kung saan napalilibutan sila ng kabun-dukan. Kaya hindi rin ako makatawag sa'yo dahil out of coverage area iyon, at mahirap ding gamitin ang pack link dahil malayo-layo iyon mula rito.”
“May nasaktan ba sa inyo? Sa kanila?” Hindi ko namalayan ang paghigpit ng hawak ko sa mga kamay niya, at nalaman lang ito nang pisilin niya ito pabalik – na bahagyang nakapagpakalma sa'kin.
“Maliit na populasyon lang ang naroon ngunit karamihan naman sa mga lalaki ay bihasa sa pakikipaglaban pero ang sabi ay masyado raw madaming rebelde ang umatake. Kaya naman marami pa ring sugatan, at dalawa ay halos nabawian na ng buhay nang pagdating namin. Buti at sinama namin si Dr. Cluss doon, minabuti rin niyang doon muna mamalagi.” Tumango ako at bahagyang nakahinga na ng maluwag. Nasagot na rin ang tanong ko kung bakit wala ngayon rito sa Thea Artem si Dr. Cluss.
“Nasaan na ang mga rebelde ngayon? Nahuli ba?”
Minasahe niya ang kanyang noo saka napayuko, “that's the problem, they killed only four out of around 15 who attacked, ang iba'y nakatakas na.”
“Bakit parang napapadalas naman yata ang pag-atake ngayon? Is it still because of me?”
“No Love, it was never because of you, 'wag na 'wag mong sisihin ang sarili mo,” sabi niya nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “Napag-usapan na namin ito ng Mahal na Hari noong nasa Gresya pa tayo. Mukhang tama nga ang hinala namin na nagsisimula nang bumuo ng isang malaking grupo ang mga rebelde. May kutob kami na may isang taong namu-muno sa kanila at nanghihikayat ng maliliit na samahan para mapalaki pang lalo ang grupo.”
Halos mapasinghap ako, namumuno? What does he mean? Alpha ng mga rogues gano'n ba? “May kilala ba kayong may kakayahang mamuno sa kanila?”
“Sa ngayon wala pa kaming matukoy, kung may isang taong mamumuno sa mga rebelde, kailangang may dugong Alpha rin ito o kung anuman sa mga matataas na ranggo. Pero sino? Sa pagkakaalala ko'y wala namang galit sa Monarkiya, at matagal nang payapang namumuhay ang bawat Pamilya. There was rivalry between our pack and, Theo and Marina's pero hindi naman nila magagawang suwayin ang Peace Treaty. Isa pa, ang mga pinuno na nila ang susunod sa trono kaya bakit pa nila magagawang magtaksil?”
“Wait, you're saying the leader could only be a traitor in one of the packs. Sinasabi mo bang hindi rebelde ang namu-muno sa kanila?” pagputol ko sa paliwanag niya.
“Kailanman ay wala pang napapaalis na Alpha o may matataas na ranggo sa isang Pamilya. Kung nagkasala man ang mga ito, kamatayan na agad ang hinahatol sa kanila,” sagot niya.
Tumango ako at saglit na nag-isip, “so if ever I did something against the pack law, ipapapatay ako?”
“No!” Halos mapatalon ako sa biglang pagsigaw niya ngunit mabilis akong napigilan ng mga braso niyang agad na humigpit ang pagkakayakap sa'kin. “Don't ever say that again,” matigas niyang sabi na nakapagpataas ng kilay ko.
“Okay chill, naisip ko lang naman..” sabi ko, kung mag-react naman kasi. “So ano nang balak niyo ngayon?” pagbabalik ko sa topic namin kanina.
“We think that the group who attacked you last time was possibly one of their recruits, at kaya nila pinupuntirya ang teritoryo natin ay dahil ito ang pinakamalaki sa lahat ng Pamilya. Balak din naming makibalita sa Agrious Pódi (Theo and Marina's Pack) kung may nagaganap bang pag-atake sa teritoryo nila and...” natigilan siya muli na ipinagtaka ko.
“And?” pilit kong ipagpatuloy niya.
“That's another thing we need to talk about,” tinanguan ko siya at mahinang sumagot ng 'okay.' “I will have to stay at the village, para makapag-imbestiga at susubukan rin naming magmatyag dahil baka umatake muli ang mga rebelde.”
“Oh, hindi naman problema 'yon, isang araw uli?”
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, “no Love, it could take three to five days.” Gano'n katagal? Napayuko ako at tila ba na-blangko pa ang utak ko bago tumingin muli sa kanya.
“Oh... three to five days,” bulong ko, maiiwan akong mag-isa rito? I mean, ayos lang naman sa'kin, babalik na rin naman si Maia bukas. Pagkabalik pa lamang namin noon ay umalis na siya para bisitahin ang isang Elder. Nakatira ang nasabing Katandaan sa isang sub-Pack na malapit sa teritoryo ng Pamilya nila Theo. Kaya halos dal'wang linggo ko na rin siyang 'di nakikita at noong isang araw ko lang ito nalaman kay Jebediah. “Basta lagi kang mag-iingat do'n,” ano pa bang magagawa ko, responsibilidad niya 'yan bilang Alpha.
Hinalikan niya ang noo ko bago ako yakapin, “don't worry hindi ka naman mag-iisa rito, dadami pa nga ang kasama mo,” agad akong kumalas sa yakap niya.
“Huh?” Anong ibig niyang sabihin?
“Listen Katherine, this is one of the policies of our Pack,” pagsisimula niya. “Sa tuwing may nagbabadyang panganib o pag-atake sa Pamilya, lahat ng kababaihan, kabataan, katandaan at may kapansanan ay inaasahang mamalagi sa Pack House sa oras na ibinigay ng Pinuno. And it's your duty as their Luna to take care of them, and reassure them that everything's gonna be okay – na hindi namin hahayaang may mangyaring masama sa inyo.”
“Pack House you mean—” my goodness. Kaya ba ganto na lang kalaki ang mansyon? Kaya ba walang namamalagi sa third at fourth floor pati na rin sa ibang guest rooms sa second floor? At pa'no ko sila maaalagaang lahat? Am I really ready to be their Luna? Ni-hindi ko pa nga sila kilalang lahat! Bakit biglaan naman yata 'to? “DJ, hindi ko yata kaya... talaga bang kailangan ako pa? Paano na lang kung—“
“Hey look at me,” muli niyang hinawakan ang pisngi ko at marahang hinila ang mukha ko paharap sa kanya. “Why do you think you are destined to be with me Katherine? Because you are meant to be my Luna – their Luna. Everyone believes in you. They will love you as much as I do my Love, I'm sure of it. All your life you have been ready to be our Luna.”
Nginitian ko siya saka ipinikit ang mga mata ko. I won't ever disappoint them.
I would be the Luna they've been waiting for.