Naglalakad ako sa isang 'di pamilyar na isla ngunit hindi ko na nagawang isipin pa kung nasa'n ako dahil sa masarap na simoy ng hangin, at napakagandang tanawin na nakapalibot sa akin. Nakasuot ako ng isang magaan na puting bistida na abot hanggang sakong at may mahahaba ring mga manggas. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad, basta walang ibang laman ang utak ko kundi iyon lamang – para bang wala na akong pinoproblema pa at kuntento na kung nasa'n ako. But I abruptly came to a halt when I saw a figure not-so far away from me. Ni-hindi ko nga napansin na kami lang pala ang nasa dalampasigang ito kundi dahil sa kanya – kung sino man siya. I immediately started walking towards the said person at nang makalapit-lapit na ako ay nakitang isa siyang matandang lalaki.

