DESTINY ANNE FORD MANSION ALPHA’S ROOM The entire pack house has been gloomy for two weeks now. Mula pa noong makabalik sila Alpha kasama ang mga mandirigma at aming Luna. May kasama rin silang isa pang sugatang babae na dala noon ni Rael, base pa lang sa pag-aalaga niya rito at sa tipo ng pagtingin niya, halatang natagpuan na niya ang kanyang kapareha. Ito rin ang dahilan kung bakit dalawang linggo na ring wala sa sarili ang kambal ko. I looked at her from where I was sitting across her, minamasahe niya ang kamay ni Leto habang nakatulala lamang sa harap niya. Ako nama'y hinahanda ang tubig na pang-spongebath ng aming Luna. Tumingin ako sa ibang direksyon at gaya ng inaasahan, naroon sa mesa niya ang aming Alpha. Mula nang ideklara ni Dr. De Silva ang comatose state ni

