DESTINY ANNE
Nanlilisik ang mga matang tiningnan kami isa-isa ni Alpha. Wala kaming ideya kung anong tumatakbo sa isip niya, isa lang ang sigurado – galit siya. Sa amin? Sa sarili niya? Sa sitwasyon? Ewan. Walang ni-isang may alam. Nasa silid-aklatan kami ngayon ng mansyon, imposibleng magamit pa namin ang opisina dahil sa kundisyon nito at ni-isa ri'y walang pinapasok sa loob si Alpha. Basta isang oras ay pinapakinggan naming ibuhos niya ang galit sa kahit anong bagay sa opisina tapos ay bigla siyang lumabas at sinabihan kaming magpulong rito.
“Explain,” he said with a commanding tone.
Lahat kami'y napatingin kay Beta Cairo na hindi na nagawa pang ibalik ang tingin namin at walang paligoy-ligoy na nagpaliwanag. Kwinento niya lahat, mula sa sitwasyong naabutan nila sa ospital hanggang sa pagkahulog ni Leto. Bawat pagsabi ni Cairo tungkol sa mga rebelde at sa takot ni Luna sa mga ito ay makikita ang pagkawala ng pasensya ni Jebediah. And it made my heart fill with dread, I know Erin feels the same way too.
“Kami po ang dapat sisihin Alpha, tatanggapin po namin lahat ng parusang ibibigay niyo,” huling sabi ni Beta Cairo. Agad siyang tinabihan nina Ares, Tusker at Rael saka sila lumuhod sa kanilang kanang tuhod habang ang kaliwang paa nila'y nakatungkod sa sahig at ang ulo nila'y mga nakayuko. Ito'y isang paraan ng pagbibigay ng respeto at paghingi ng tawad.
“Tumayo kayo at bumalik sa dati niyong pwesto, wala akong sinabing gawin niyo 'yan,” tumayo ang apat at mabilis na bumalik muli sa upuan nila. Nakapalibot kami ngayon sa isang mahabang mesa kung sa'n nasa kabisera si Alpha.
‘He's looking at us... We're f****d Ser.’
Bago pa i-mindlink iyon sa'kin ng ka-kambal ko ay naramdaman ko na ito at lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Moira,” para kaming robot na wala pang isang segundo ay napatayo ni Erin saka agad na niyuko ang mga ulo namin. “Sa pagkakaalala ko ay sinabihan ko ang isa sa inyong i-uwi agad si Katherine, wala na bang kwenta sa inyo ngayon ang mga inuutos ko?” I flinched at his angry tone. Mabilis kong inabot ang kamay ni Erin at mahigpit itong hinawakan.
“Alpha please hear us out. We tried – really really tried... sinubukan po talaga namin na pilitin siyang umuwi na pero hindi po namin matiis ang hiling ni Luna Leto,” sagot ni Erin. I know she'll be the one to reply, sa'ming dalawa ay siya ang mas matapang.
“At nakita niyo na ang nangyayari sa tuwing binabalewala niyo ang utos ko!” Halos mapatalon ako nang bigla niyang hampasin ang mesa at ilang saglit lang ay isang c***k ang unti-unting namuo rito.
‘Hail Mary full of grace the Lord—‘
‘Erin! Seriously?!’ Patagong tingin ko pa ng masama sa kambal ko, hindi na nagbago!
“And you didn't even have the f*****g audacity to goddamn tell me what's happening with my own mate! Ano? Pati ako balewala na rin?! Kung ganyan rin pala ano pang ginagawa ko rito? Tangina!” Sa pangalawang pagkakataon ay napasuntok na naman siya sa mesa at mas marami pang sira ang namuo rito. One more punch and I'm sure the desk will break.
“Alpha, hindi po sa gano'n. Kahit kami’y nagulat sa nangyari. Hindi lang ikaw ang naaapektuhan rito, heck! That's my sister right there,” tayo ni Beta Dione mula sa kanyang upuan. Kahit kami'y nagulat sa pagsagot niya. Ang tanging dinadasal lang namin ngayon ay palagpasin ni Alpha ang hindi pagrespeto sa kanya, tutal kapatid naman ito ni Luna.
“One thing you all seem to forget is that Katherine's safety should have always been the first priority. More than each one of yours!”
The table completely broke.
Naputol ang katahimikan nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iluwa nito sina Tito Mattheo at Tita Freya, ngunit laking gulat namin sa taong kasunod nila.
“Ceres?” Unti-unting napalitan ng pagtataka ang galit ni Alpha, “you're here?” sabay sulyap pa niya kay Ares. Nang tumingin din ako sa direksyon ng Punong-Mandirigma ng Pamilya ay naabutan ko nga ang gulat ding ekspresyon niya.
Pinagmasdan ko si Lady Ceres na halos tatlong taon na rin noong huli kong nakita. Hindi pa rin siya nagbabago, kung tutuusin ay tinuturing ko siya na isa sa pinakamagagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. Pero siyempre wala pa ring nakakatalo kay Luna Leto, at matapang kong sinasabi na kahit ang Toenia ay walang laban sa kagandahan ng aming Luna.
Nakasuot si Lady Ceres ng isang asul na kapa at sa ilalim nito ay isang kulay kremang bistidang abot-sakong. Kitang-kita rito ang maputi niyang kutis at blonde na buhok na hanggang bewang ang haba.
“No warm welcome?” biro pa niya, mabilis na tumayo si Jebediah at naglakad palapit kay Ceres bago siya niyakap. “I heard what happened... in fact everyone knew,” sabi ng binibini nang kumalas sila pareho sa pagkakayakap. Pinagmasdan lamang siya ni Alpha habang lahat kami'y naghintay sa sasabihin pa niya, alam naming may dahilan kung bakit siya narito.
“Daneios... Leto prépei na érthei mazí mou,” sabi niya sa salitang Griyego at kung posible ay lalo pang nanlaki ang mga mata ko.
‘Anong kinalaman ni Luna rito? Ni-hindi pa nga sila nagkikitang dalawa!’ My twin mindlinked.
‘Nakalimutan mo na yata kung sino si Lady Ceres,’ sagot ko na lamang sa kanya.
Daneios... Leto needs to come with me.
Pinanuod namin kung pa'nong bumalik ang galit ni Jebediah, “nagsayang ka lang ng oras sa pagbalik rito kung ‘yan lang ang pakay mo.” Tatalikuran na sana ni Alpha ang binibini nang hawakan nito ang braso niya.
“Wala kang magagawa sa puntong ito, ang Punong Oraculo na mismo ang nag-utos,” natingin na lamang ako sa kakambal ko na halos nakanganga na. Ngayon naman ang Punong Oraculo? Ano ba talagang nangyayari?!
“You're a fool if you really believe that I'll let my mate go with you back to f*****g Greece!” Sagot ni Jebediah saka marahas na inagaw ang kanyang braso.
“Isang linggo lamang Daneios! I need you to trust me,” halos pagmamakaawa na ni Lady Ceres. Ngayo'y puno na ng katanungan ang utak ng lahat.
Anong pakay ng Punong Oraculo kay Luna Leto? Gano'n na lang ba ka-importante 'yon dahil kinailangan pang lumipad papunta rito mula Grecia ni Binibining Ceres? At bakit ngayon pa? Matapos ng lahat na nangyari, bakit ngayon pa napiling bumalik ng kapatid ni Alpha?
Pilit na tumawa si Jebediah, “you need me to trust you?” He asked incredulously. “Ito ngang mga taong 'to na pinagkatiwalaan ko sa kaligtasan ni Katherine, binigo ako. Ikaw pa kaya Ceres?” Turo niya sa'min at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Lalo pa akong nanliit dahil sa konsensya at pagsisisi. We really have disappointed our Alpha.
“Jebediah, hindi naman na yata tama 'yan anak,” inis na sabi ni Tita Freya.
Mabilis na nabaling ang tingin ni Jebediah sa kanyang ina, “my Katherine is hurt Ma, stop expecting I still know what the hell is right and wrong at this moment,” saka niya binaling ang tingin sa aming lahat at huli ay kay Ceres. “From now on I only trust myself to keep my mate safe,” sambit niya bago kami tinali-kurang lahat at tuluyang lumabas ng silid.
“Hindi niya naiintindihan,” biglang bulong ni Lady Ceres na hindi nakalagpas sa aming pandinig. “Kailangan ito ni Leto, ang Punong Oraculo na mismo ang nagsabi.”
MAIA CERES
Night before, Fengari Nao (Moon Temple)
Town of Litochoro, Greece
“Binibini?” Naalis ang tingin ko mula sa librong binabasa at napatingin sa direksyon ng pinto ng aking silid. Agad akong tumayo at pinagbuksan si Iven, ang isa sa omega ng Punong Oraculo.
“Iven,” bati ko sa kanya.
“Pinapatawag po kayo ng Punong Oraculo, Binibining Ceres,” kumunot bigla ang noo ko dahil sa pagtataka saka tumingin sa bintana ng aking silid at nakitang palubog na ang araw. Nakapagtatakang ipatawag niya ako sa ganitong oras.
“Nasaan siya ngayon?” Tanong ko sabay labas mula sa aking kwarto at sara ng pinto nito, bago kami magsimulang maglakad.
“Sa kanya pong silid, naghahanda na po siyang mamahinga bago ka niya ipatawag,” paliwanag niya, lalo pa akong nagtaka.
“May nasabi ba siya kung bakit?”
“Wala ho Binibini,” nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa dulong bahagi ng templo – sa harap ng silid ng Punong Oraculo. “Hindi niyo na po kailangang ipaalam ang pagdating niyo, kayo'y kanya nang inaasahan,” huling sabi ni Iven bago ako iwan.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at agad nang pumasok sa silid. Naabutan kong nakahiga na sa kanyang kama ang matandang Oraculo habang nakasandal sa ulunan ng higaan.
“Ceres, maupo ka,” sabi niya gamit ang malu-manay ngunit puno ng awtoridad niyang boses. Umupo ako sa tinuro niyang upuan sa tabi ng kanyang kama.
“Punong Oraculo,” bahagyang pagyuko ko bago halikan ang kanyang kamay bilang paggalang saka umayos na ng pagkakaupo. “Pinatawag niyo raw po ako?”
“I theá milísan,” bahagyang nanlaki ang aking mga mata. The goddess has spoken. Hindi ba ito makapaghihintay hanggang bukas sa aming pagpupulong? “Naaalala mo ba nang minsang bumisita rito ang monarkiya?”
“Natatandaan ko po mahal na Oraculo,” sagot ko at sana'y hindi halata sa tono ko ang pagtataka. Anong kinalaman ng Hari't Reyna rito?
“Ibinahagi nila ang tungkol sa nalaman nilang balita mula sa mga teritoryo sa Pilipinas,” hindi ako nagsalita at saglit siyang tumigil na para bang iniisip kung pa'no ipagpapatuloy ang sinasabi. “Isa sa pinakamakapangyarihang pinuno ang nakatagpo ng kanyang kapareha. Hindi sa paraang pagpili kundi dahil sa tadhana, isang pagpapala mula sa Thea Artem,” doon bumilis ang t***k ng puso ko, kabisadong-kabisado ko na ang balitang ito.
“Ano hong importansya nito sa pahayag ng mahal na Diyosang Artemis, Punong Oraculo?” Ta-nong ko kahit tila nararamdaman ko na ang gusto niyang ipahayag.
“Matalino ka Ceres, alam kong alam mo kung ano ang aking pinupunto.”
“Ngunit akala ko'y—“
“Wala pang kasiguraduhan kung ang dalaga ngang iyon ang Toenia Ceres, kaya kumunsulta ang Mahal na Hari't Reyna rito dahil tila nagkaroon ng komplikasyon sa pinaniniwalaan natin.”
“Halos isang taon na nang gawin nila ang desisyon, magdudulot ito ng kaguluhan kung sakali mang...” hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil isipin ko pa lang ay nadidismaya na 'ko.
“Ang dalagang iyon – hindi pa natin nasisilaya'y ang laki na ng epekto sa atin,” komento ng matanda sabay buntong-hininga. “Hindi tayo maaaring magkamali rito Ceres, monarkiya ang nakataya at kahit ano pang problema ang harapin natin, kailangang mahanap ang karapa't dapat sa trono. Kailangang masunod ang propesiya.”
“Ano pong maaari kong gawin?” desididong tanong ko.
“Dalhin mo rito ang dalaga.”
Tumayo ako at tumango, “masusunod po Punong Oraculo,” sabay yuko ko muli.
“Pagpalain ka,” huling sabi niya bago ako lumabas ng silid. Nang makalayo nang ilang hakbang ay saka ko pinakawalan ang hiningang 'di ko alintanang pinipigilan ko.
Napahilamos ako sa aking mukha at nagsimulang ihanda ang sarili ko sa galit at dismayadong reaksyon ng nakababata kong kapatid. Sa oras na sabihin ko sa kanyang kailangan kong ilayo ang kanyang Luna, tiyak iyon ang manyayari.
Patawarin mo ako Daneios.
Hindi na 'ko makapaghintay na makilala ka Leto.