SERENDIPITY MARIE'S POINT OF VIEW
Pinanuod ko kung pa'nong sa isang iglap ay nawala si Leto sa kinatatayuan niya at nakita na lang na mabilis na tumatakbo papasok ng kagubatan.
“God dammit Luna!" rinig kong sigaw ni Ina sa tabi ko. Wala akong masabi dahil sa gulat. Anong pumasok sa isip ng babaeng iyon at nagawa niya 'to?! The Alpha would f*****g kill us! Cousin or not. Tila pareho na kami ng pinaplano ni Ina dahil walang pagdadalawang isip na kaming tumakbo palabas para sundan ang matapang ngunit tanga naming kaibigan.
‘This is foolish! Ano bang pumasok sa isip niya at nagawa niya 'to!? Pinapahamak lang niya ang sarili niya!’ Ina mindlinked as I gradually breathed Leto's familiar scent. Ginamit ko ang enhanced eye-sight ko at nakita siya dal'wampung metro ang layo sa'min. Doon ko naalalang kasali nga pala sa track and field ang babaeng 'to at dahil anyong-tao kami ay hindi na namin kayang bilisan pa.
Saktong pagpasok no'n sa isip ko ay lumitaw sina Beta Cairo at Ares sa tabi namin na nanatili pa rin sa anyong-lobo nila.
‘Keep following her, there are more rogues here.’ Agad akong kinabahan sa impormasyong iyon ni Ares at pinilit na pabilisin pa ang pagtakbo ko. Ang dal'wang lobo ay unti-unting nawala sa paningin namin ngunit alam kong malapit lamang sila, ayaw na naming takutin pang lalo si Leto.
‘Nasa'n ang Alpha? Tanong ko, why isn't he here? The Luna's in danger!’
‘We just raded the rogues' base, nang makita niyang may ibang nakatakas ay pinauna na niya kami para hulihin ang mga ito,’ Beta explained.
Naalala ko ang kumalat na balita kahapon lang. A girl with black shoulder-length hair, average height and light olive skin from our pack was attacked by rogues. Sa description pa lamang ay alam na agad namin ang tunay na pakay nila – our Luna.
Inaasahan na ni Alpha Jebediah na maaaring mangyari ito sa oras na malaman ng mga rebelde ang tungkol kay Leto. Siguradong siya ang unang pupuntiryahin ng mga ito. Pero ang nanatiling tanong sa isip namin, paano nila nalaman ang tungkol kay Leto? Gayong istriktong inutos ng Alpha sa buong Pamilya na hindi pwedeng makalabas ang impormasyon sa iba.
‘Alam ba niya?’
Naramdaman ko ang takot sa tono ni Ina nang tanungin niya ito. Ares was about to answer when—
“AHHHHHHH!!”
“s**t Leto!” biglang bulalas ko na lamang nang makita ang dalawang lobo na biglang lumitaw halos isang metro lang sa likod niya. I watched in horror as Cairo and Ares leaped from the trees and tackled each wolf.
Natigilan si Leto dahil sa nangyayari sa harap niya at lalo pa naming binilisan ang takbo. Ito na ang pagkakataon naming maabutan siya. Nang malapit na kami at ang mga naglalaban na lobo na lamang ang pumipigil sa'ming makalapit pa ay bigla na lamang siyang napaupo.
“Leto...” I called out and it made her look at us with her tear-streaked cheeks and trembling body. She was about to say something when Ares' wolf suddenly ripped the rogue's leg. Lalo pang napasigaw si Leto at puno ng takot na pinanuod kung pa'nong nag-ibang anyo ang rebelde – it began shifting into its human form.
‘Hindi niya dapat 'to makita!’ Bulalas ni Ina sa isip ko.
I looked at my twin with scared eyes at laking gulat na lang namin nang biglang tumayong muli si Leto at nagsimula uling tumakbo, ngunit sa ibang direksyon na.
At kabisado namin ang direksyong iyon.
Dali-dali kaming nagkatinginan ni Ina, “LETO STOP!” We both screamed but we're too late.
"AHHHHHHH!!"
“What?!” Napahilamos na lamang ako sa mukha ko at tumingin kay Ina, “please tell me you're lying,” pagmamakaawa ko pa.
“Alpha blocked his link when we're following Luna. Nang maramdaman naming binuksan muli niya ito ay 'di na namin nagawa pang sabihin sa kanya dahil kalaban na namin ang mga rebelde. Akala namin magiging maayos na si Leto, walang may alam na—“
Bago pa matapos ni Ares ang pagpapaliwanag ay narinig na namin ang mga yabag ng paa sa labas ng silid at ilang saglit lamang ay nakita na sina Tito Mattheo, Tita Freya at Beta Dione sa harap ng nakabukas na pintuan.
“Where's Leto? Anong nangyari?” Nagpapanic na tanong ni Dione, agad naman siyang nilapitan ni Beta Cairo at niyakap.
“Tell us everything,” Tito Mattheo pointedly said before Ina started telling him everything.
“Diyos ko,” bulong ni Tita na wala nang nagawa kundi mapaupo na lang sa upuan sa harap ng mesa ni Alpha. Nasa opisina kami ni Alpha Jebediah ngayon dahil katapat mismo nito ang kwarto ni Leto. Muli kong sinilip ang pinto ng kwarto ni Luna at gaya ng nakalipas na oras ay nakasarado pa rin ito at matiyaga pa ring binabantayan nila Tusker at Rael.
“And Jebediah doesn't even know?” Tito asked as Cairo nodded. “Alam niyo ba kung ga'no kalaking problema 'yan?” Galit na sabi niya, “sino ngayong magsasabi sa kanya?”
“Mattheo ako na,” sabi ni Tita sabay tingin sa direksyon namin ni Ina, “please stay with me.” Napatango na lamang kami habang bahagya naman siyang ngumiti. “The others should leave, lalo na kayo Cairo at Ares, baka kung—“
Natigilan ang lahat nang marinig namin ang mga yabag na nanggagaling sa hagdan nitong mansyon. We all watched the opened double-doors of the office with silence. Seconds passed and our Alpha's brooding figure finally stood in front of it. He's shirtless and barefoot with droplets of blood on his torso and arms – halatang galing sa pakikipaglaban.
Napakunot na lamang ang noo ni Jebediah, “ano 'to?” Walang paligoy-ligoy niyang tanong.
“How's the base son?” Tanong ni Tito at naram-daman ko na lang ang sarili kong unti-unting nababalot ng pagsisisi. Kung nilapitan na agad namin siya, hindi na sana siya tatakbo pang palayo. Kung hindi lang kami nagdal'wang-isip 'di sana...
“The leaders are in the dungeon, the others are killed,” simpleng sagot lamang niya kasabay ang pagpasok sa loob at pagkuha sa isang twalya na nakasabit malapit sa file cabinet. “Where's Katherine? Tulog na ba siya?” Tanong niya habang pinupunasan ang mga kamay.
Hindi kami nakasagot at nagtinginan lamang. Tita Freya nodded at the others and they immediately left the room habang tinuro naman ni Tita ang dal'wang stools sa gilid ng pinto at doon na nga kami umupo.
‘Makakalabas pa ba tayo ng buhay?’ Tiningnan ko ng masama ang kakambal ko, this isn't the time to joke! ‘What? I'm serious!’
‘Shut up Destiny, I'm literally shaking at hindi ka nakakatulong!’ Sagot ko na lamang.
Hinarap kaming muli ni Alpha na may nagtatakang ekspresyon at sa isang iglap ay para bang nakuha na ang nangyayari. “Nasaan si Katherine, Ma?” Matigas niyang sabi habang unti-unting yumu-kom ang kanyang mga kamao.
“DJ, I need you to calm down,” lapit ni Tita sa kanya ngunit humakbang lang palayo si Kuya DJ. Napayuko na lamang kami.
“What happened? Tell me what the f**k happened!” I flinched and breathed out a scared sigh.
“Sa pababang parte ng gubat, she accidentally ran towards it and... she- she fell, the side of her head is injured and her left arm—“
“Leave,” mabilis na bumaling ang tingin ko kay Tita bago lumipat sa mukha ni Alpha. He has his usual impassive mask but his eyes are gold – he is close to shifting.
“Jebediah anak—“
“Get out of my sight and close the f*****g door, now!” He used his commanding tone at awtomatiko na lang kaming napatayo ni Ina bago dali-daling iyuko ang mga ulo namin at lumabas ng silid. Ilang sandali lamang ay kasunod na namin si Tita Freya na siyang nagsarado ng pinto.
The silence was abruptly interrupted when crashing sounds filled the entire mansion. Tanging mga hikbi lang nila Tita Freya at Beta Dione ang naririnig kasabay ng galit na mga dagundong, ungol at pagbagsak ng iba't ibang kagamitan sa loob ng opisina ng kinikilala naming pinuno. There were glass shattering, wood tearing, there were even a time when the floor shook because of the impact of something huge falling. One thing is sure:
It was a total chaos in there.
Gawa ng matinding galit. This is the wrath of an Alpha whose Luna is currently breaking – physi-cally, mentally and worst, emotionally.