“Kamusta kila Jebediah?” Tanong bigla ni Erin bago sumipsip sa milkshake niya. Saglit tuloy akong napatingin sa table nila DJ at naabutan nga ang grupo nila roon.
“Isang araw pa lang pero ewan ko, sobrang nanibago agad ako. Can you believe na ayaw niyang ipasabi sa'kin ang mga pangalan nung maids and butlers nila? How discriminating!” reklamo ko.
“Dapat sinabi mo mismo sa kanya 'yan,” sabi naman ni Ina.
“Paano ko masasabi? Inis na inis ako no’n.”
“At anong sabi mo kanina? Hindi mo siya kinausap hanggang dinner?” Ina chuckled. “I pity Tito Mattheo and Tita Freya for the positions they have been in last night,” tawa pa niyang lalo. Tiningnan ko lamang siya nang masama at nagpatuloy na sa pagkain.
“Dapat ayusin niyo 'yang problema niyo sa miscommunication, d'yan nagiging komplikado ang lahat eh,” Erin said.
“Sabihin mo 'yan sa pinsan mo, pakiramdam ko ang dami niya pang 'di nasasabi sa'kin at ang dami ko pa ring 'di alam tungkol sa kanya,” I countered.
“Ang tanong, open ka rin ba sa kanya? At pa'no ka niya pagkakatiwalaan kung ikaw mismo walang tiwala sa kanya? You're always asking for space, 'di mo ba naisip na all this time binibigyan ka na niya ng space by not telling you his secrets? Pinababayaan ka muna niyang mag-adjust bago siya mag-open up sa'yo,” napayuko na lamang ako.
She's right, isn't she? I've been such a hypocrite. Bakit hindi na lang ako mag-go with the flow at hayaan na siya mismo ang mag-open up sa'kin? Bakit kailangan ko pang mamilit? Lagi akong nagrereklamo na isang linggo pa lang naman ang nakakaipas pero nagmamadali na siya but alas! Ako pala ang nagma-madali. All this time akala ko ako yung nasasakal, pero baka naman ako talaga yung nananakal.
Tumingin muli ako sa table nila ngunit agad na kumunot ang noo ko nang makitang nakatayo na silang lahat at para bang may seryosong pinag-uusapan. Dahil sa pagtitig ko ay napatingin na rin sa direksyon nila ang kambal.
“They're leaving? Aga pa ha,” komento ni Ina nang biglang umalis silang lahat.
Sinundan namin sila ng tingin at lalo pa kaming nagtaka nang makitang 'di pabalik ng campus sila tumungo kundi papunta sa parking lot. Minutes passed at sunud-sunod nang lumabas ang kanilang mga kotse ng main gate. I was about to ask the two kung may alam sila sa nangyayari nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Halos matawa pa ako nang makita ang registered name ng nagtext pero agad itong nawala nang mabasa ko ang message.
JEBS: Sumabay ka na sa kambal pag-uwi
Ano kayang nangyari? Bakit sila biglang umalis? Naalala ko ang sinabi ni Erin at kinalimutan na lang ang curiosity ko. Bakit kailangan pang kasama yung Zanaya na yun? What?! Leto stop.
YOU: Okay, after ng checkup ko.
JEBS: Anong check up?
YOU: Yung sa migraine ko, 'di ko pa ba nasasabi?
Hindi ko ba nasabi? Oh... hindi ko nga pala sinabi dahil kahapon ko lang rin natanggap yung confirmation ng appointment, at bwisit ako sa kanya kahapon. So ibig-sabihin ba nito magca-cutting sila? Ang daya naman yata nun. Bigla siya ulit magtext na ikinainis ko na naman.
JEBS: You never told me. Cancel it.
Cancel it? Anong akala niya gano’n na lang kadaling magpa-schedule? Dahil malo-lowbat na rin naman ako ay in-off ko na lang ang phone ko. Tiyak na kapag 'di ako nagreply ay paulit-ulit siyang magtetext hanggang sa wala na 'kong magawa at magreply na lang. Sometimes I find it sweet but most of the time, annoying. Lalo na kung sobrang unreasonable ng pinipilit niyang mangyari.
“Uhm...” napatingin na lamang ako kay Ina na ngayo'y nakalabas na rin ang phone at tila pinagmamasdan ito. “Bakit may nagtext sa'kin na unregistered number na ihatid ka agad sa mansyon?” sabay pakita pa niya sa'kin ng message. Mabilis kong nakilala ang huling apat na numbers nito, ugh DJ!
“Hindi ko alam kung maiinis ba ko na pati ikaw tinext ni DJ o magugulat na hindi naka-save sa phone mo ang number ng pinsan mo,” komento ko na lang.
She just shrugged, “madalas na nandyan lang naman siya, pwede niya lang akong kausapin imbes na itext.”
“'Wag niyo 'yang pansinin, ang tagal kong hinintay 'tong doctor's appointment na 'to, sayang no. Makakaabala pa ko dun sa doktor if ever na mag-cancel ako bigla,” sabi ko at nagkatinginan lamang ang dal'wa. Napabuntong-hininga ako, lagi nila 'tong ginagawa pag may mahirap man silang desisyon na dapat gawin. “Guys, ayos lang naman kung ako na lang mag-isa pumunta if ever na kail—“
“No!” Sabay nilang sigaw na ipinagtaka ko, kailangan talagang isigaw? “Sige sasamahan ka na lang naming,” sabi ni Erin nang nakangiti.
The town hospital located is near the edge of Thea Artem. Mula rito ay matatanaw ang kagubatan at sa likod mismo nito ay ang daan papasok sa ma-punong lupain. Nang masigurado ko sa kambal na ayos lang kung hindi nila ako samahan sa mismong clinic ay nagpaiwan na lang sila sa waiting area. I went inside and was greeted by a female doctor na siguro'y nasa early-thirties.
“Good afternoon. Leto right?”
I nodded at tinanggap ang nakalahad niyang kamay, “Yes. Dr. Cluss?”
“Call me Ryan,” I smiled at the unusual name – for a lady – kasabay ng pagsenyas niya sa upuan na kaharap n’ya. “You ready?” tanong niya bago tumayo at kunin ang kanyang stethoscope. Tumango ako bago siya nagsimula sa pagkuha niya ng vital signs ko.
Nang matapos ay bumalik na muli siya sa upuan niya. “You said, bigla na lang nagsimulang sumakit nang sobra ang ulo mo two months ago at naulit lang a week ago?”
“Yes doc,” tango ko.
“Nakakatulog ka ba nang maayos Leto?”
Pumasok agad sa isip ko ang gintong lobo. Sasabihin ko ba sa kanya? “I've been having these dreams, I wake up unusually early because of them.”
“Just early in the morning? Hindi naman sa gitna ng gabi?”
“So far hindi pa naman po nangyayari sa'kin yung sa gitna ng gabi.”
“So we're sure it isn't Insomnia. I think it's a case of panic attack Leto, stress may be the trigger. Bumibilis ang t***k ng puso mo right? Then your head will begin to ache and you'll start hyperventilating,” tumango ako. Yes gan'on nga. “It's panic attack darling, iwasan mo nang mapagod physically and mentally. I suggest that you should start taking vitamins, I'll give you a common one at tingnan muna natin kung makakatulong ha? I will contact you in three weeks time for another appointment.”
“Okay po Doc Ryan, thank you,” tumango siya at nginitian ako bago tumayo muli para kunin ang Vitamins. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mapansin ang glass doors na katapat ko – dito makikita ang direktang daan papunta sa gubat. Hindi ko na lang namalayan na napatayo na pala ako at lumapit rito.
Pilit kong tinanaw ang nasa likod ng naglalakihang puno sa harap ko at namangha rin sa ganda ng papalubog nang araw. What if yayain kong mag-camping sina Ate? Yeah, ang tagal na rin naming hindi nakakapag-bonding. Nakita ko pa kung ga'no siya kalungkot kahapon sa pag-alis nila Mama. I should invite her and Kuya Cairo soon. The forest would be perfect, wala naman sig—
Diyos ko.
“AHHHHH!!”
Hindi ako nakahinga at nakakilos sa kinatatayuan ko. This must be a dream. Ngunit napatunayan kong nagkakamali ako dahil nang humakbang ako paatras at nasagi ang isang side table ay naramdaman ko ang sakit sa hita ko. Now it prevents me to step back further from the creature. Sino bang niloloko ko? Bakit hindi ko pa maamin sa sarili ko na alam ko kung anong nakikita ko ngayon... it's a wolf. A freaking wolf!
Ngunit hindi ito ang gintong lobo na laging nasa panaginip ko. Napakalaki ng pagkakaiba ng dalawa. This wolf on the other side of the glass door is a rugged and vicious black wolf. Nakalabas ang matutulis niyang mga pangil at ang mga balahibo nito'y puno ng dumi at sa ibang parte pa'y naglalagas na. Diretso at masamang nakatingin ito sa'kin na para bang sa isang iglap ay bigla na lamang siyang aatake. Dumagdag pa na palubog na ng tuluyan ang araw at unti-unti nang dumidilim sa labas, lalo lang nadadagdagan ang takot ko.
“Ms. Manuel! Please pumunta na po kayo rito at lumayo sa pinto... parating na po ang mga guards,” sigaw sa'kin ni Doc Ryan, rinig na rinig sa boses niya ang takot at pag-aalala. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lobo, natatakot na sa segundong ibaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon ay makita ko na lang ang sarili kong duguan.
Muli siyang humakbang palapit sa'kin at agad kong kinagat ang labi ko upang mapigilan ang pag-sigaw. Saglit akong tumingin sa gilid ko at nakita ang isang scalpel sa mesa ‘di kalayuan sa'kin. Unti-unti akong humakbang palapit rito at sa bawat hakbang ko ay lakad rin ng lobo palapit sa pinto.
“Leto!”
Hindi ko nagawang pansinin ang boses ni Erin, alam kong kasama na sila ngayon ni Doc, pati na rin ang guards. Hindi nila magawang lumapit sa kinalalagyan ko dahil isang maling kilos lamang ay maaaring umatake ang mabangis na hayop. Ngayong nasigurado ko nang ako ang puntirya niya ay hindi ko na hahayaan pang mapahamak ang iba, lalo na't nasa ospital pa kami at maraming walang-laban na sibilyan ang narito.
Hindi ko alam kung saan nanggaling 'tong tapang at pagka-heroic ko. It makes me an idiot yes, sino ba namang may matinong pag-iisip ang kakalaban sa isang ligaw na lobo? But something compels me to do it... And maybe it's the hope that I could see the wolf – my golden wolf.
Muli sanang hahakbang ang lobo palapit sa'kin nang bigla itong tumigil at magpakawala ng malakas na tahol. Slowly, like I'm in some sort of movie... four larger wolves emerged from the woods.
Oh my God.
Nanlaki ang mga mata ko at kung hindi dahil sa mahigpit na paghawak ko sa mesa sa tabi ko, sana'y nakaupo na ako sa sahig gawa ng panghihina ng mga tuhod ko.
This is unreal. s**t maniniwala ba talaga kong totoo 'to?!
The four new wolves are bigger than the one who wants to attack me. Halos kasinglaki sila ng gintong lobo. Hindi ko alam ngunit awtomatiko na lang akong napatingin sa likod nila, umaasang may darating pa... ngunit wala. Ni-isa'y wala sa kanila ang may gintong balahibo. Bakit nagagawa mo pang maghanap ngayon Leto!? Nasisiraan ka na ba talaga? A freaking wolf is about to attack you! And who says na hindi niya kakampi yang apat pang dumating?
Why does this wolf even targeting me? Ano bang nagawa ko sa kanya?!
The wild wolf snarled at the four, and the four wolves growled back. Okay, hindi niya kakampi yung apat. Good, now what? Hahakbang pa sana palapit sa akin ang 'kalabang lobo' nang mangyari ang lahat. One of the four wolves tackled the wild wolf at doon ko na nakuha ang pagkakataon ko.
Pagkakataong ilayo sa ibang tao ang panganib.
I ran towards the glass door, opened it and before anyone could even notice, I sprinted into the woods.