Chapter 13

1375 Words
The whole ride to and from the airport was quiet, o ako lang yun? Siguro nga ako lang. Hindi ko alam kung ga'no karaming pagbabago pa ang matatanggap ko. Una ay ang paglipat namin, then the change of school, then the events that happened since then tapos ngayon ito... ang pag-alis ng mga magulang ko. Parang ngayon lang na-absorb ng utak ko na limang buwan kong 'di makakasama ang dal'wang taong kasama ko na buong buhay ko.             The moment they told me na ang mga Fords nga ang kukupkop muna sa'kin, agad akong umisip ng mga paraan upang matakasan ito. I tried convincing them na kaya ko nang mag-isa at baka makaabala lang ako kila Tita Freya. Unfortunately, the controlling jerk countered that and told my parents that it's okay.             Nalaman ko ring sina Tita na ang nag-alok na sa kanila muna ako tumira, which mom and dad gladly accepted. Pumasok rin sa isip ko ang kapatid ko pero agad kong naalala na sa dorm nga pala siya nakatira. Istriktong pinapatupad doon na wala nang pwede pang tumira sa isang unit kundi ang dal'wang occupants nito. Ayoko rin namang makaabala pa sa kambal lalo na't buntis pa ang mama nila.             What's wrong with the Fords you ask? Three words:             Daneios             Jebediah             Ford             Sa pangatlong pagkakataon ay muli kong nasilayan ang ganda ng mansyon ng mga Ford. Unti-unting bumukas ang malalaking gates nito hanggang sa nagpatuloy na sa pagdadrive papasok si DJ. 'Di tulad ng huling dalawang beses na pagpunta ko rito, ngayon ay kitang-kita ko na rin ang malawak na lupain sa harap nito. Isang malawak na tulip garden ang nasa kanan habang sa kaliwa naman ay isang clearing na siguro'y para sa outdoor parties. Ngayon ko lang rin nakita ang dami ng mga trabahador na narito. This is like a royal settlement for Pete's sake!             Huminto ang sasakyan at bumungad sa'kin ang grupo ng mga maids at butlers na maayos na nakahilera sa harap ng pinto ng mansyon. Halos mapanganga ako sa pagkamangha, thank God hindi sila mga mukhang cosplayers because that would really look weird and cliché. The maids are wearing plain black long-sleeved tunics with gray bolero, black leggings and flats, while the butlers are wearing black buttoned-up shirts with gray tie, black pants and leather shoes.             “Ready?” biglang tanong sa'kin ng katabi ko matapos ang ilang minuto.             “This feels weird,” komento ko sabay tingin muli sa mga taong naghihintay sa'min. “Wala ba sila Tito't Tita?” tanong ko.             “They always visit some of our construction sites every Sunday, pero makakasama naman natin sila mamayang hapunan,” sagot niya.             “Okay...” I drawled, still feeling uneasy.             Ano ba 'to, tao rin naman sila Leto! Just be thankful na imbes na mag-isa ka ngayon, they're con-siderate enough na patuluyin ka sa bahay – este mansyon nila. Bakit ko nga ba sinasali pa rito ang personal issues ko? Yes, I would do this for Tito Mattheo and Tita Freya, that's it. Kung ano man ‘tong complication ko with DJ, hindi sila dapat maapektuhan. “Don't move,” he instructed before getting out of the car. Pinanuod ko siyang senyasan ang ilan sa mga butlers na agad sumunod sa kanya at kinuha ang mga bagahe sa likod ng sasakyan. DJ then went towards the passenger side and opened it for me. Gaya ng lagi niyang ginagawa, awtomatikong pumulupot ang braso niya sa bewang ko para ibaba ako mula sa sasakyan.             “You should just let me get down on my own next time,” bulong ko. Saglit akong napatingin sa likod niya kung saan naroroon ang mga kasambahay na nanunuod sa'min dahil sa hiya. Hindi nakalagpas sa'kin ang tila pagpipigil nila ng mga ngiti nang buhatin ako ni DJ.             Tinaasan ako ng kilay ni DJ saka nginisian, “Come on, papakilala kita sa kanila.” Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa pag-iiba niya ng topic. Tinawanan lang ako ng bwisit. Hihilahin na sana niya ako palapit sa mga naghihintay sa'min ng pigilan ko siya muli. He exasperatedly sighed and turned to me again, “Love, naghihintay sila oh,” turo niya pa.             “Yung mga gamit ko,” turo ko sa dal'wang maleta at isang duffle bag na dala na ngayon ng dal'wang butler. “Nakakahiya sa kanila,” kunot-noo kong sabi. Hindi naman ako ang nagpapasweldo sa kanila, I'm just their guest, hindi na nila 'ko kailangan pang pagsilbihan.             DJ suddenly kissed my temple, “don't worry, trabaho nila 'yan at masaya sila sa ginagawa nila,” he intertwined our hands saka tuluyan na akong hinila palapit sa mga kasambahay.             “Katherine, these are our house maids and butlers, they—“             “Wait! Ikaw yung... si Omega!” turo ko sa isang pamilyar na mukha, biglang nanlaki ang mga mata niya sabay yuko. “Naaalala ko siya,” ngiti ko kay J, “siya yung nag-alaga sa'kin nung nag-collapse ako rito dati. 'Di mo nasabi sa'kin yung pangalan mo, or is it Omega? That's a really unique name,” bahagyang tawa ko pa.             “Katherine,” muli akong humarap kay J, na ngayo'y may impassive face na naman. “Hindi iyon ang pangalan niya, Omega ang tawag namin sa mga trabahador namin dito sa Villa.”             “Oh,” I nodded then turned to the girl again, “so what's your name?” Nakarinig ako ng ilang pagsinghap na nagmula sa ibang mga kasambahay at agad na nagtaka.             “Love, 'di mo na kailangan pang malaman 'yon, the only names you need to know are theirs,” turo ni DJ nakatatandang lalaki't babae na nasa pinakaharap. “Mrs. Salem and Butler Art, they're the Chief maid and butler.” The two bowed at me at sabay sana akong babatiin nang bigla akong lumapit sa kanila at hiwalay silang yakapin.             “Leto na lang po,” inunahan ko na sila, baka tawaging pa nila akong 'Ma'am' or worse, 'Madame.' No way! Ang awkward nun. Bumungad sa'kin ang mga gulat na ekspresyon ng dalawa pati ng iba pa naming mga kasama. Then all of a sudden, DJ is holding my hand again as he hurriedly pulled me inside.             “Ihahatid na kita sa kwarto mo,” biglang sabi niya habang pa-akyat kami sa grand staircase nila.             “Sabi mo sa'kin papakilala mo ko sa kanila, ni-hindi ko nga alam ang pangalan ng kalahati man lang sa kanila.” I almost bumped against him nang bigla siyang tumigil sa paglalakad saka ako hinarap muli.             “Hindi mo na kailangan pang malaman ang mga pangalan nila, makakasagabal lang 'yon sa mga responsibilidad nila rito sa mansion.”             I narrowed my eyes at him, “don't tell me you don't know their names Jebediah,” matigas na sabi ko.             He shrugged, “they're just omegas Katherine!”             I gasped, “you're unbelievable! Kung ganyan na lang rin ang patakaran dito, 'wag mo nang asahan na tatagal ako ng kahit isang lingo sa pamamahay na ‘to.”             Hindi ko pa nga yata siya kilala.     “Binibini?” multiple consecutive knocks resounded inside the room. “Binibini? Pinapatawag na po kayo sa baba, handa na po ang hapunan,” rinig ko pa at tuluyan ko na ngang binuksan ang mga mata ko. Bumangon na ako at tumingin muli sa buong silid, dahil sa inis ko kanina sa bipolar na ‘yon ay hindi ko tuloy nasuring mabuti ang kwarto at napahiga na lamang sa kama. Dahil sa pagod, mabilis akong dinapuan ng antok.             Damn. This room is divine. Oh—             “Binibini?” Nanlaki na lamang ang mga mata ko at dali-dali nang tumayo para buksan ang pinto, “pinata—“             “Hala! Sorry sorry nakatulog kasi ako... tara pasok ka,” yaya ko sa kanya ngunit agad lang siyang yumuko.             “Pasensya na po pero kailangan ko ring bumalik sa kusina, hinihintay na po kayo sa baba,” sabi nito saka lang rumehistro sa utak ko ang mukha niya, si omega na nag-alaga sa'kin!             “Uy ikaw pala!” masayang sabi ko, “hindi mo na ko kailangang tawagin na Binibini, Leto na lang. Ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya.             “Binibini hindi po—“             “Please? Hindi ako bababa hangga't 'di mo sinasabi. Kung iniisip mo ang Sir Jebediah mo, 'wag kang mag-alala ako nang bahala dun,” sabay hawak ko pa sa parehong kamay niya na sobrang ikinagulat niya.             “Ileya po,” awtomatiko na lamang akong napa-palakpak, yes!             “Okay Ileya! Ayos lang bang hintayin mo ko saglit? Mag-aayos lang ako ng konti.”             “Sige po Bin—“             “Leto... L-E-T-O, Le-to,” I insisted.             “Leto.”             Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-yakap na lamang ako sa kanya. One down, many more to go!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD