Chapter 12

1885 Words
Naramdaman ko ang biglang paghinto ng makina ng sasakyan bago ako dumiretso sa pagkakaupo. Saglit akong tumingin sa labas at bumungad nga sa'kin ang harap ng bahay namin. I didn't turn to look at DJ who's on the driver's seat, ilang sandali pa ay nagsalita na siya.             “You should be careful in those kinds of situation, dapat di ka na nangialam pa at hinintay na lang ang security,” mabilis na kumunot ang noo ko.             Alam kong alam niyang wala na ako sa mood, bakit parang dinadagdagan pa niya? Nabalik na naman ako sa nangyari kanina, kung pa'nong biglang dumating ang nanay ng bata bago pa ito makasagot, at kung pa'nong ni-isa kila DJ at sa kambal ang pumansin sa'kin nang sila na ang tanungin ko. Sino bang hindi maiinis? Tapos ganito pa ang sasabihin niya sa'kin ngayon?             “This thing between us,” pagsisimula ko, naramdaman ko ang tingin niya sa'kin ngunit 'di ko magawang tumingin pabalik. Alam kong mawawala lahat ng tapang ko sa oras na tumingin ako sa kanya. “May patutunguhan ba talaga 'to?” Tumingin ako sa mga kamay niya at pinanuod ang pag-higpit ng hawak ng mga ito sa manibela.             “I can't believe we're having this conversation again,” I can almost imagine the stressful look on his face, “nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo nakuha ang inaasahan mong sagot kanina,” dagdag pa niya na lalo ko pang kinainis.             I rolled my eyes, “inosenteng tanong lang iyon J, it's not a big deal! Why are you even pointing it out?”             “If it's not a big f*****g deal then why are you acting like a brat about it? Hindi ka man lang makatingin sa'kin! Seriously Katherine, get over it!”             Doon na ko awtomatikong napatingin sa kanya at pilit na hindi nagpaapekto sa mga mata niya. I would endure it this time. Enough is enough.             “That's the point! It's not a big deal so why won't you just answer the damn question? Bakit sobrang defensive niyo? Isang tanong lang Jebediah, isang tanong lang! Bakit 'di niyo pa masagot?” Marahas niyang inalis ang tingin niya sa'kin bago ihilamos ang palad niya sa kanyang mukha. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at sinabi na lahat ng gusto kong sabihin. “We're a contradiction to each other. Our relationship is a big complication. Bakit ba pinipilit pa nating mangyari yung isang bagay na hindi naman pwede? Okay pa bang ituloy natin 'to?”             Hinarap niya muli ako na may matigas na ekspresyon sa mukha. Hindi siya nakapagsalita nang halos isang minuto, “are you... rejecting me?” Bulong niya bigla. Nakita ko na naman ang ekspresyon na pinakakinamumuhian ko – takot at pag-aalala. Ito ang laging nakakatalo sa'kin, pero di na 'ko papayag na maapektuhan muli ako nito.             “Ever since we moved here – no, ever since that night at the Ball rather, nagkagulo-gulo na ang buhay ko. Why DJ?” Maigi kong tingin sa kanya habang pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. “Bakit sa isang iglap na lang, parang gumaan bigla ang buhay ko? There's no one in here who judges me, who criticizes me, who does whatever it takes to bring me down. Pero bakit ganto? Parang kahit saan na lang ako pumunta may nakatingin sa'kin, may umoobserba sa lahat ng kinikilos ko. And- and... I actually have friends at last, I had friends without my sister’s help!" Naramdaman ko ang pagbagsak ng isang luha at mabilis itong pinunasan ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagsunod ng marami pa.             “Can you believe it?” Pagpapatuloy ko, “all this time, sinasabihan ako ng ibang tao na I will never be worthy of their time and trust. But God, may mga kaibigan na ako! Pero lagi na lang may pero,” pekeng pagtawa ko, “I think I still don't deserve their trust. Hindi pa rin sila makapag-open up sa'kin. And I'm dying to know DJ! Bakit parang may isang bagay... Isang bagay na alam ng lahat, ako lang yung hindi? Am I really that undeserving?”             Hindi siya nakasagot at ang tanging ginawa lang ay maingat akong buhatin mula sa passenger seat papunta sa kandungan niya. I am now straddling his thighs at tuluyan na siyang kaharap habang bahagyang nakasandal sa manibela.             “Love look at me,” bulong niya, unti-unti kong tinaas ang ulo ko para diretsong tumingin sa kanya, “wala ka pa rin bang tiwala sa'kin?”             “DJ—“             “No Katherine, sinusubukan kong sumabay sa paraang gusto mo. God knows how much I wanna kiss you every damn time but I won't, dahil sabi mo we're gonna take things slow, and it's killing me. But can you try and trust me in this? I'm protecting you Kath, because I know the truth will hurt you.” Hindi na ako nakapagsalita at napayuko na lang. Naramdaman ko ang paghawak niya sa gawing batok ko at paghila sa'kin palapit sa dibdib niya. “You don't know how furious I am with myself right now,” dagdag pa niya kasabay ng paghigpit ng mga braso niya sa bewang ko. “I let that old bastard lay his hand on you, that's f*****g unforgivable Katherine, unforgivable,” matigas niyang sabi bago halikan ang noo ko. I shivered and felt my cheeks heat up.             Bigla siyang napatingin sa kanan kaya naman agad kong sinundan ang mga mata niya at naabutang nakatayo si Mama sa labas ng bahay. DJ opened the driver's door at inalalayan ako sa pagbaba mula rito, sumunod siya at sabay na naming nilapitan si Mama.             “Ma,” ngiti ko sabay halik sa pisngi ni Mama. Ngumiti siya pabalik at marahang tinapik ang pisngi ko bago tumingin kay DJ.             “Jebediah, why don't you come inside?” Alok niya at agad namang tumango rito si DJ. Naunang pumasok si mama at nang makarating na kami sa living room ay awtomatiko na akong napatingin sa katabi ko.             “I'm gonna change,” I awkwardly said before immediately going towards my room.             Nang tuluyan na akong makarating sa kwarto ko ay saka ko pa lang naramdaman ang pagod – phy-sically, mentally and emotionally. Napaupo na lamang ako sa kama at napamasahe sa aking noo. I don't know if the conversation went on with how I'd like it to. Pero ayos na rin sa'kin iyon dahil nasabi ko na sa kanya sa wakas ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Well, not all but majority of it. Every word he said filled my mind at ni-hindi ko malaman kung magi-guilty ba ako o madidismaya, dahil alam kong hindi ko na naman siya natiis kanina at nagpatalo na naman ako.             Oh Leto, why can't you just admit that in spite of telling him that you both should just give up with your relationship, your heart desires the opposite. Gusto mo rin namang subukan, pero natatakot ka lang sa mga bagay na hindi niya magawang sabihin sa'yo.             “Goodness, bakit ba 'di na lang maging normal ang buhay ko? Bakit?” Biglang sabi ko na lamang sabay buntong-hininga saka tumayo para maka-pagbihis na.             Lumabas ako ng kwarto wearing a pair of gray sweatpants and a fitted white tee. Naabutan ko sila Mama at DJ na nasa kusina – si Mama, nagluluto ng hapunan habang si DJ ay nakaupo sa counter at may hawak na orange juice at sandwich. Tumabi ako kay J at ilang saglit pa ay binigyan na rin ako ni Mama ng parehong miryenda.             We ate in a comfortable silence until I decided to break it, “akala ko po walang trabaho ngayon si Papa?”             “Biglang tumawag si Tito Rick mo, nagka-emergency sa isang client,” pagtutukoy niya kay Mr. Opalle, business partner ni Papa. Natahimik muli kami nang ilang minuto hanggang si Mama naman ang bumasag nito. “Dito ka na mag-hapunan ha ijo,” sam-bit niya.             Bahagyang ngumiti si DJ bago tumango, “Sala-mat tita.”             “I heard about what happened earlier at the town mall, Leto,” biglang sabi ni Mama habang nakatalikod sa'min at naghihiwa ng mga gulay.             “Ayos na 'ko Ma, don't worry,” sagot ko.             “Dapat hindi ka na nangingialam pa sa mga gano'ng bagay anak.”             Mabilis akong napatingin sa katabi ko, ganoon rin ang sinabi niya kanina. Wait, don't tell me ito ang pinag-usapan nila habang nasa kwarto pa ako? Ugh.             “Ma, do you seriously think na hahayaan ko na lang tratuhin nang ganun yung bata? The security isn't fast enough and no one from the crowd even had the courage to step in. It's unbelievable.”             “Anak, natatakot lang ako na baka isang araw, mapahamak ka na lang dahil inuuna mo pang isipin ang kapakanan ng iba. Mag-iingat ka naman, kahit para sa amin lang ng Papa mo.”             Napatingin muli ako kay Jebediah at naabutan na nakaharap na rin siya sa'kin na may sumasang-ayon na ekspresyon sa kanyang mukha. Tiyak na nagugustuhan niya ang pinatutunguhan nitong usapan naming ni Mama dahil ito rin ang gusto niyang mangyari.             “Okay, I'll try to be more careful with my actions,” sagot ko at agad namang napaharap sa'min si Mama na may malaking ngiti. Magsasalita pa sana siya nang may marinig kaming tunog ng kotse mula sa labas.             “Looks like your dad's here,” sabi ni Mama. Ilang saglit lang ay narinig na namin ang pagbukas ng pinto na nasundan ng mga yabag ng paa.             “Hmm... smells nice,” bungad ng aking ama. He then pecked on Mom’s and mine's cheek, and tapped DJ's shoulder. “Jebediah, you're staying for dinner?”             “Opo Tito.”             Almost half an hour later, we're all seated on our usual seats, eating in silence. Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang biglang magsalita si Papa.             “Princess, your Mom and I have been wanting to tell you...” he trailed. Natigil ako sa pag-kain at hinintay na ipagpatuloy niya ang sinasabi. Natingin ako saglit kay Mama na nakatingin rin kay Papa saka binalik muli ang tingin ko sa aking ama. “The firm just sealed a deal with this big corporation last week.”             Napangiti ako, “congrats!” excited kong sabi. Hindi man ito ang unang pagkakataon na magkaroon sila Papa ng malaking project, iba pa rin sa pakiramdam pag binabalita niya ito sa'min. I'm so proud of him.             “Unfortunately Princess, the said corporation is based in Singapore at kailangan naming lumipad papunta roon.” Saglit pang nag-process sa utak ko ang sinabi niya at nang tuluyan nang nag-sink in ay hindi ko na nagawang makasagot. Them? As in Tito Rick and him right?             “Namin?” maikling tanong ko.             “Your mom and I, Princess,” agad na nanlaki ang mga mata ko. What?!             Muli akong natigilan, wait, you're 18 Leto. Kakayanin mo nang mamuhay mag-isa! I can do it right? Right? “That's... fine Pa, ayos lang po ako rito. I can manage on my own. It's work and I understand, pero ga'no po kayo katagal do'n?” Nagkatinginan sila ni Mama at dun na ako bahagyang kinabahan. Weeks? Months? Years? Please not the latter, please.             “3 to 5 months I guess,” agad akong napabuntong-hininga, at least hindi aabot ng taon.             “I'll be fine,” ngiti ko, “don't worry.”             “Leto anak,” biglang tawag sa'kin ni Mama. Nalipat ang tingin ko sa kanya, “alam mo naman kung pa'no kami mag-alala ng Papa mo sa'yo. We don't want to leave you alone here, we wouldn't be able to stop worrying about you.”             Kumunot na lamang ang noo ko, are they saying... Oh my God! So isasama ba nila ko!?             “So we decided that you should stay with your Tito Mattheo and Tita Freya... with Jebediah.”             No freaking way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD