Chapter 11

2511 Words
I was woken up with my alarm ringing. Sa sobrang pagkabigla ay saglit pa akong hindi nakakilos. Ito ang unang pagkakataon ay hindi ko siya napanaginipan – I mean, the golden wolf wasn't in my dreams. It's a Saturday morning, meaning I survived my first week in Raven. Wow. At kung iisipin, sa isang linggo na 'yun ay ang dami nang nangyari. Since Tuesday, gaya ng pinangako ni DJ ay araw-araw niya akong hinahatid papuntang school at pabalik ng bahay. Kahit nakakapanibago ay naramdaman kong nasasanay na rin ako sa kanya.             Siyempre hindi mawawala ang madalas naming pagsasagutan, pero ngayon ay agad na namin 'tong naaayos. Nakikita kong mas madali na niya akong napapakinggan kaya madali na rin sa'ming mag-compromise. Now I consider him as a friend, not just an ordinary one though mas maganda na 'to dahil doon naman nagsisimula ang lahat 'di ba? Now, I can see na posible ngang mas lumalim pa 'tong relationship namin. I can admit that I'm attracted to him.             Naabutan ko sila Mama't Papa na kumakain na ng breakfast at bahagya pa silang nagulat dahil ang aga kong nagising kahit walang pasok.             “Good morning!” Masaya kong bati sabay halik sa mga pisngi nila.             “Ganda ng gising ha?” Ngiti ni Papa.             “It's Saturday Pa, siyempre maganda gising ko,” sagot ko sabay upo sa pwesto ko, agad namang tumayo si Mama para hainan ako. I smiled and thanked her.             “Sabado nga, bakit ang aga pa rin ng gising mo?” Tanong naman ni Mama.             “Nakalimutan ko pong i-off yung alarm ko, pero ayos lang naman.”             She nodded, “any plans? May pupuntahan ba kayo ni Jebediah ngayon?” Laking gulat ko sa sinabing ‘yon ni Mama kasama pa ang mapang-inis na tono niya. What? Bakit nasali sa usapan ang isang 'yon?             “Hala Ma, ano ba 'yan. Wala no,” agad na sagot ko.             She teasingly smiled, "okay," at narinig ko na lang rin ang pagtawa ni Papa bago inumin ang kape niya. I uncontrollably pouted at them ngunit nag-patuloy na lamang sa pag-kain. Matapos ang breakfast ay pumunta na ako sa living room at binuksan ang TV. Siguro ganto na lang ang gagawin ko buong araw, I'll just laze around and do nothing... that's life.             Ilang minuto ang lumipas at naramdaman ko bigla ang pag-vibrate ng phone ko sa back pocket ko. Nakita ko ang message notification from Ina kaya naman agad ko itong binuksan.   DESTINY ANNE: Good morning babe! Busy? YOU: Morning! Nanunuod lang ng TV DESTINY ANNE: Kita tayo? IO Cafe YOU: Sure! DESTINY ANNE: Okay. See you!               Napailing na lamang ako saka tumayo na, I guess I'll have to change my plans.             “Ma, magkikita pala kami ng friends ko ngayon,” paalam ko kay Mama na nasa kusina pa rin. When I heard her affirmative reply, dali-dali na akong bumalik sa kwarto para maligo at magbihis na.     Matapos kong magpaalam kila Mama't Papa ay lumabas na ako. Naabutan ko ang kambal na naghihintay sa loob ng puti nilang kotse na nakapark sa harap ng bahay. I smiled at Ina na nasa driver seat, saka tinabihan at bahagyang niyakap si Erin na nasa backseat.             “Ay nga pala,” bungad sa'kin ni Erin, “is it okay kung sa mall na lang tayo? May kailangan din kasi akong bilhin.”             Tumango ako at ngumiti, “ayos lang, once pa lang rin naman ako napupunta sa mall. Hindi ko pa rin nalilibot so why not?” She uttered a silent 'thanks' and we stayed in a comfortable silence.             Halos kalahating oras din bago kami nakarating sa mall. Hindi naman ito naiiba sa ibang mga malls sa syudad na malalaki at centralized, sa nakikita ko nga ay parang mas magara pa ito kaysa sa iba. Pa-C ang structure nito at sa gitna ay may outdoor fountain at mini park na pwedeng kainan at pag-pahingahan.             Nang makapasok kami sa loob ay agad kong hinarap si Erin. “So? Anong kailangan mong bilin?” Tanong ko. Hindi nakawala sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng mga pisngi niya at ang nahihiya niyang pagyuko. My eyebrow raised at napatingin na lamang kay Ina na naabutan ko namang nagpipigil ng tawa.             Ina teasingly chuckled, “sabihin mo na kasi,” pilit niya.             “Uhm...” napangiti na lamang ako sa ka-cute-an ni Erin. Kahit sa sandaling panahon pa lang naming magkakakilala ay halos ituring ko na silang kapatid. Dahil nga mas bata sila ng tatlong buwan (the twins are still 17 years old), hindi ko mapigilan ang sarili kong alagaan sila. “I'm planning to try this cupcake recipe... napanuod ko lang sa isang site,” nakakapanibago na makita si Erin na ganito. Between sa kanilang dal'wa, siya ang mas makulit at hyper.             Mas lalo pang lumakas ang tawa ni Ina, “napanuod o pinanuod?” Dahil nga napapagitnaan ko silang dalawa ay wala nang nagawa si Erin kundi tingnan lang nang masama at irapan ang kakambal.             Agad kong nakuha ang pinahihiwatig ni Ina. These past few days nakukwento niya sa'kin ang 'obvious' attraction ng kapatid niya sa isa sa college seniors namin na may weird na pangalan – si Xarael, or Rael for short. Nito ko lang rin nalaman na siya pala ay isa sa dal'wang lalaki na laging kasama ni Ares. Being DJ's cousins, they're close to Kuya Cai and Ares too, at minsang nakakasama din nila sina Rael at Tusker (the name of the other guy) kaya kakilala din nila ito which lead to Erin having a crush.             “Alam mo ba ang favorite color niya?” Tanong ko na pilit pinipigilan ang pagngiti.             “Huh?” Pagtataka ni Erin.             “Alam mo na, para sa icing...” sabay tingin ko kay Ina at agad naman niyang na-gets ito.             “Ang icing sa ibabaw ng cupcake mo,” natatawang sabi ni nito at dali-dali naman siyang tinulak ni Erin at inis-tawang binilisan ang paglalakad. Ina and I kept on laughing at mabilis na hinabol si Serendipity.             Sa huli ay nalaman namin na green ang favorite color ni Rael kaya naman kahit ang weird ay pinuno namin ang shopping basket ng kahit anong mailalagay sa cupcakes na green- green food coloring, green cupcake cups, green heart sprinkles, green fondant. Pakiramdam ko nga ay pati ang cupcake gagawin na din ni Erin na green. Kulang na lang ay bumili kami ng brocolli at pechay para ilagay na rin sa ibabaw ng cupcake.             “Wait, are you sure green ang favorite color niya?” Tanong ni Ina sa kapatid. Bakit ngayon lang niya naisip tanungin 'yan? Kung kelan nasa counter na kami?             “I'm sure!” Erin exclaimed. Saktong turn na namin sa counter kaya naman sinimulan na niyang ilagay ang mga items rito. Pinanuod ko kung pa'nong kumunot ang noo ni Ina na para bang may iniisip.             “Are you sure hindi red? His car is red,” agad na natigil si Erin sa ginagawa at nanlalaki ang matang napatingin sa kakambal.             I groaned, “are you two serious right now?”             “Siyempre red ‘yun, his car is a classic Ferrari... so it's red,” hindi sure na pagdadahilan ni Erin.             “And baka napagkamalan mo lang na green ang favorite color niya kasi marami siyang Boston Celtics memorabilias, it's his favorite NBA team!” Pagdadahilan naman ni Ina.             Agad na napasinghap si Erin, “paano kung... Oh my god Ina! Bakit hindi mo agad sinabi!?” Napamasahe na lamang ako sa noo ko. Ganto ba talaga kahirap pag nagkagusto ka sa isang lalaki?             I was so worried Katherine.             Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Bakit siya agad ang pumasok sa isip ko? Ugh! But now that he invaded my thoughts – again –  naalala kong halos kalahating araw ko na din pala siyang ‘di nakakausap o kahit text man lang. Awtomatiko akong napakuha ng phone ko mula sa sling bag na nakasukbit sa balikat ko at tiningnan ito. Tanging ang simpleng lock screen ko lamang ang bumungad sa'kin. I unconsciously sighed, no messages from him. Mabilis na napakunot ang noo ko, wait... nami-miss ko ba siya?             “Leto?” Agad akong napatingin kay Ina at naabutan silang pareho nang nakatingin sa'kin at tig-isa nang may dala na paper bags. “Ayos ka lang? You spaced out.”             “Ay sorry, wala may naalala lang,” natatawa kong sabi. Saglit silang nagkatinginan na dalawa at nagngitian. Alam kong iinisin nila ko kaya naman dali-dali na akong nagsalita, “let's go? We should eat, nakakagutom.”             Erin just shrugged at magsasalita sana nang biglang may marinig kaming sigawan sa labas ng shop. We immediately exited and were greeted by a growing commotion a few meters away from us. Because of how nosy we three are, hindi namin napigilan na lumapit sa lugar kung saan nakapalibot ang maraming tao. Despite of how weird people are – dahil sa tuwing nakikita nila kami ay mabilis nila kaming padadaanin – hindi ko na lang ito pinansin at agad din namang nawala sa isip ko nang makita ang sitwasyon. I instantly frowned.             Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-40's na halatang nakakaangat sa buhay dahil sa gintong kwintas, relo at mga singsing niya, ang ngayo'y masamang nakatingin sa isang batang lalaki na siguro'y pitong taong gulang pa lamang. Bigla na lang napakuyom ang mga kamao ko nang marahas na hawakan ng lalaki ang braso ng bata at bigla itong hinila palapit sa kanya.             “Walang modo kang bata ka! Nasa'n ang mga magulang mo?! Kung wala kang ipangbabayad, 'wag ka nang tutungtong sa tindahan ko! Ang dumi pa niyang mga kamay mo, alam mo ba kung ga'no kamahal 'tong mga paninda ko?” Hindi ko na na-kontrol ang sarili ko at napahakbang na. Pero bago pa 'ko maka-abante ay isang kamay na ang pumigil sa'kin.             “Leto, 'wag na tayong mangialam, darating na ang mga guards, haya—“ I looked pointedly at Ina, she can't really expect me to do nothing right?             “They are not fast enough,” tanging sabi ko sabay alis ng hawak niya sa’kin at mabilis na paglapit sa sentro ng komosyon.             “Ano? Iiyak ka?! Ano bang tinuturo sa'yo ng mga magulang mo—“ agad na natigilan ang lalaki nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. Mabilis akong umupo sa harap ng na bata at niyakap ito.             “Shhh,” I cooed. Mabilis namang kumapit ang bata sa akin at binaon ang mukha niya sa balikat ko.             “Kapatid mo ba 'yang batang 'yan!? Hoy, pagsabihan mo nga yang walang respeto mong kapatid! Ano bang tinuturo sa inyo ng mga magulang niyo? Ganto na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Mga walang galang! Patay-gutom!” Doon na ako tuluyang napatingin sa lalaki. I stood up while the kid continued hugging my thighs instead.             Masama kong tiningnan ang lalaki na ikinagulat niya, “tapos na ho ba kayo?” matigas kong tanong. Sa isang iglap, isang tunog ang pumailanglang sa buong lugar. Napa-singhap ng mga taong nakapalibot sa'min bago natahimik ang lahat. Naram-daman ko na lamang ang matinding pag-init ng kaliwa kong pisngi – sanhi ng pagsampal niya sa'kin. Narinig ko ang mga yabag ng paa sa gilid ko bago maramdaman ang dal'wang presensya malapit sa'kin.             “Eh gago po pala kayo eh!” Rinig kong sigaw ni Erin. Kung hindi ganto ang sitwasyon namin ngayon, tiyak na tumatawa na 'ko.             I know Ina stopped her kaya naman agad na ‘kong nagsalita, “kung gusto ho niyong igalang kayo, sana umakto naman kayong karespe-respeto. Yung pagsampal niyo po sa'kin, ang baba na ng tingin ko sa inyo. Pero yung sigaw-sigawan niyo ang isang walang-laban na bata, sobrang baba mo na ni-hindi ko alam kung bakit nakakatayo ka pa ngayon.”             This was all an act, kahit sa labas ay ang tapang ko, sa loob ay sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa takot at kaba.             “You will regret everything you've done old man, just wait until he arrives,” nagtataka akong tumingin kay Ina at tatanungin pa sana siya nang isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita.             “What's this?”             Mabilis akong napatingin sa direksyon ng boses at naabutan siyang nakatayo ‘di kalayuan sa likod ng matandang lalaki. Kasama niya sina Ares, Rael at Tusker at apat na security guards nitong mall (base sa uniform na suot nila).             Napaharap kay DJ ang matandang lalaki kaya naman sa kanya natuon ang atensyon nito. Mabilis ring nalipat ang tingin niya sa likod ng matanda – direkta sa akin. I watched as multiple emotions crossed his face; gulat, pagtataka, at pang-huli... galit.             He suddenly started sauntering towards me, pushing the old man as he bypassed him. Nang makalapit na nang tuluyan ay bigla niyang hinawakan ang gilid ng leeg ko and I swear, his eyes... goodness those orbs. The green pigment in his eyes slowly became prominent than the others and it became lighter, on the verge of turning gold. What kind of sorcery is this? Ito na ang pangalawang beses na nakita kong magbago ang kulay ng mga mata niya. Holy s**t.             “Who f*****g did this to you?” Kalmado ang boses niya pero kabisado ko na ang tono niyang ito – he's royally pissed.             “Did what?” Sinubukan kong ilipat ang atensyon niya, pero ang pagkakamali ko ay ang saglit kong pagtingin sa likod niya – sa direksyon ng matandang lalaki. Dahil dito, nakuha pa rin niya ang sagot na hinahanap niya. Stupid Leto.             He looked at me and sighed, “I'm sorry I'm not here sooner baby,” bulong niya bago halikan ang kaliwa kong pisngi. I smiled at him, what matters is you're here now.             He turned, at pinanuod ko kung pa'nong unti-unting namutla ang matandang lalaki. Siguro nakilala niya si DJ bilang anak ng mayor kaya siya natatakot. Oo, siguro nga gan'on. Lumakad palapit sa kanya si J at nang nasa tabi na niya ito ay may ibinulong siya sa matanda. Halos isang minuto ring binubulungan siya ni DJ at sa buong oras na ito ay paputla nang paputla ang mukha niya – if that's even possible.             Then the old man suddenly knelt in front of DJ, “please! Please Alpha! Nagmamakaawa po ako. 'Wag niyo pong gawin sa'kin ito! Alpha, patawarin niyo p—“             “Ares,” tawag ni Jebediah sa kaibigan at agad namang tumango sa kanya si Ares saka lumapit kasama sina Rael at Tusker at mga guards. The guards immediately held the old man's arms and pulled him towards the direction of the mall's exit. Hindi pa rin tumigil sa pagsigaw ang lalaki at mas nagulat ako nang nadako ang nagmamakaawa niyang tingin sa akin.             “Luna! Luna! Patawad po... hindi ko po alam! Patawarin niyo po ako! Lu—“ napatakip na lamang ako sa bibig nang biglang pwersahin ni Ares ang isang parte ng batok ng lalaki na nagdahilan para mawalan ito ng malay.             He's not dead right? Hindi naman siguro magagawa yun ni Ares, and we're in a public place! No. That's impossible, I—             “Luna?” Rinig kong sabi ng isang maliit na boses. Napatingin sa bata na ngayo'y inosenteng nakangiti na sa'kin, “you're our Luna?” excited niyang tanong. Huh? Anong sinasabi niya? Nagtataka akong tumingin sa kambal na may mga gulat na ekspresyon saka kay DJ na balik na naman sa walang-emosyon niyang mukha.             “Am I?” I absentmindedly said while still looking at Jebediah, then I turned back to the child. “What's your name?” tanong ko.             He smiled, “Cleo po,” masayang sagot pa niya.             “Cleo,” kung ayaw nilang magsalita, then I'll have someone who would tell me no lies. “Ano yung Luna?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD