Konti na lang Leto, ayun na ang finish line... konting-konti na lang. It was like my heart is also running in a marathon, pati ang hininga ko ay lumalalim na rin. Siguro dahil sa tagal ko nang hindi nakapag-training ay humina na rin ang resistance ko, hindi naman ako ganto kabilis mapagod noon.
Ngunit alam ko at nararamdaman kong mas bumilis ako ngayon, which is odd dahil dapat nga ay mas mabagal ako kaysa dati. Hindi ko rin maipaliwanag kung pa'nong nararamdaman ko ang bilis na iyon.
I began to feel worried, kung mas mabilis ako ngayon, mas mahihirapan akong tumigil. s**t. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Bakit ngayon lang 'to pumasok sa isip ko? If I slow down now, may posibilidad na lamangan ako ng mga kalaban ko. If not, I would continue on running approximately four to five meters further from the finish line. I would be exhausted as I push myself further into my limit. Pero gusto ko nang masigurado ang pagpasok sa Track team... five meters it is.
The second I passed the finish line, narinig ko ang pagpito ni Sir ngunit hindi ko nagawang tumigil. Tinawag niya ang pangalan ko ngunit sa pagkakataon pa lang na iyon ako bumabagal. Hanggang sa tuluyan na nga akong tumigil at awtomatikong napaluhod sa track. Napahawak ako sa gawing dibdib ko at pinilit pakalmahin ang paghinga ko. Hindi ko na kinaya at napapikit na ako at tuluyan napaupo.
I then felt myself being lifted. Pinilit kong imulat ang mga mata ko, nang mapatunayan kong tama ang hinala ko – na siya nga ang may buhat sa'kin ngayon, ay pumikit akong muli at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung pa'no, pero kilala ko na pati ang pakiramdam ng maingat niyang pagbuhat sa'kin.
This is only the second time, but why do I feel like I belong here in his arms?
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbaba sa'kin hanggang sa nakaupo na ako. This time, I can feel my breathing going back to normal kaya naman naimulat ko na rin ang mga mata ko. Naabutan ko si DJ na naka-crouch sa harap ko na tila ba pinapanuod ako. I looked around us at nakita ang lahat na halos tatlong metro yata ang layo sa'min.
“Breathe, Love,” rinig kong bulong niya.
Tumingin ako nang diretso sa kanya at ngumiti. “I’m fine now, thank you,” pinanuod ko kung pa'nong unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukha niya. He doesn't have to worry that much. “Bakit ang layo nila sa'tin?” Natatawang tanong ko sabay tingin sa blockmates namin. Pati kay Prof na hanggang ngayon ay di makalapit.
“You need space to breathe, 'di makakatulong sa'yo kung pagkakaguluhan ka nila,” matigas na sabi niya na nakapagpataas ng kilay ko. Sobrang bossy talaga tsk.
“I'm okay, pwede na silang lumapit. Hindi ko pa rin alam kung tanggap ba 'ko sa track team,” sabi ko sabay tango kay Sir pero kahit gan'on ay tumingin muna siya kay DJ.
Saka lang siya nagsimulang lumapit nang si J na ang tumango sa kanya... huh? Weird. Pati ang iba'y kasunod na rin niya, pero yung mga hindi ko naman mga kakilala ay bumalik lang sa mga pwesto nila.
Hindi ko alam kung ano, pero may kakaibang emosyon akong nakita sa mukha ni DJ. Bigla na lang siyang natahimik na agad kong pinagtaka, tatanungin ko pa sana siya pero nakalapit na ng tuluyan si Sir sa'min.
“That's a very good performance Ms. Manuel!” Masayang sabi niya na nakapagpangiti sa akin. Tumayo bigla si DJ at umupo sa tabi ko. “Tumatakbo ka na ba dati pa?” Dagdag pa ng prof ko.
“Yes Sir, pero it's been a year since my last training,” sagot ko sa kanya.
“Any competition?”
“Only 3 Sir, no major ones though.”
Tumango siya, “that's good enough, siguro nahirapan ka lang din tumigil dahil matagal na nung huli kang nakapag-training but if you're willing to join the team, we'll be happy to have you!”
Muli akong napangiti at saglit pang tumingin kay Kuya Cairo na ngayo'y nginingitian din ako. “Thank you Sir, of course I’ll join,” masaya kong sabi.
“Great! Makipag-usap ka na lang kay Mr. Junio about your membership,” nilipat niya ang tingin sa iba kong blockmates, “class dismiss!” sigaw niya bago tuluyan nang umalis.
Tinitingnan ko pa rin si Kuya Cairo nang lumapit siya sa'kin at tapikin ako sa balikat, “si Dione talaga, 'di man lang sinabi sa'kin na tumatakbo ka pala.” Sasagot na sana ako nang si Ate na mismo ang lumitaw sa tabi ni Kuya Cairo at sumagot ng tanong niya.
“Bakit? Nagtanong ka ba?” Sabi niya sabay tawa. Napailing na lamang si Kuya Cai kasabay ng paglapit naman sa'min ng kambal.
“Oh my gosh Leto! Ang galing-galing mo!” Excited na sabi ni Ina na ikinatawa ko.
“Sobrang bilis mo, are you even human?” Tatawa na sana si Erin nang biglang nanlaki ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko hanggang sa natuloy bigla ang pagtawa niya ngunit halata namang pilit.
I felt the awkwardness around us kaya naman agad na 'kong tumayo. “I’m just going to clean up, ang lagkit ko na dahil sa pawis,” paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at nagsimulang maglakad papuntang locker room.
Hanggang ngayon may tinatago pa rin sila sa'kin. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan, pero sino nga ba 'ko para pagkatiwalaan agad nila? Perhaps I should understand where they're coming from, halos dal'wang araw pa lang kaming magkakakilala. But it's starting to annoy me. Those glances and random pauses while talking. All I can say is, why? What the heck was wrong?
Iilan na lang ang tao sa locker room nang makarating ako. Umupo muna ako at pinahinga ang katawan ko saka sandaling pumikit. Nang pagdilat ko muli ay paalis na ang huling dalawang babae na kasama ko sa loob hanggang sa ako na lang ang naiwan. I was about to stand up to get my clothes and towel when someone entered the room again. Napatingin ako sa pigura at mabilis na nanlaki ang aking mga mata.
“What are you doing!? Hindi mo ba nabasa yung nasa pinto? FEMALE!,” I whisper-shouted.
Nagkibit-balikat lang siya sabay patuloy na pagpasok at nagawa pa kamo niyang isara ang pinto, what the— “And you really think I care?” Ngisi niya sabay upo sa bench. Wala na 'kong nagawa kundi tabihan muna siya. Heck! I would never take a shower and change with him here!
I rolled my eyes, “bakit nga ba nagtanong pa 'ko? Anong ginagawa mo rito? I told you, I'm fine.” Inaatake na naman ba siya ng ka-overprotective-an niya kaya siya narito?
Biglang naging seryoso ang mukha niya tulad nung kanina. At ngayong naalala ko, kahit nung kausap ko sila Kuya Cairo ay wala siyang kibo. What's with him this time? Mali ba na nakakaramdam na naman ako ng panibagong pagtatalo sa pagitan namin?
“I think you shouldn't join the Track team. It's Cairo he—“ sabi niya nang nakatingin nang diretso sa mga mata ko pero hindi ko na siya pinatapos.
“Well thank you for your opinion, but no thanks,” matigas na sagot ko.
Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha dahil sa inis. “Let me finish talking Katherine,” tiningnan ko lamang siya at tumahimik muna. “I know napansin mong konti lang ang sumasali sa Track, it's because of Cairo. Hindi siya gan'on ka-considerate pagdating sa training. The Track team's training is the hardest of all the teams. I'm expecting this reaction from you, kaya nagpapaliwanag ako,” sabi niya na ikinataas ng kilay ko at ikinainis ko na rin. Parang nakalimutan ko ang paliwanag niya at yung huling sinabi lang niya ang tumatak sa isip ko. Anong pinupunto niya ngayon?
“And your point is? Na hindi mo na kailangan mag-explain dahil kokontrahin lang din naman kita at mauuwi na naman 'to pagtatalo, ganun ba?”
He frowned, “iyon lang talaga ang nakuha mo sa lahat ng sinabi ko? Seriously Katherine? Fine! To answer your question, yes I think you do. Because you're too stubborn!”
“Do you really expect that I will let you control me? Na pwede kang gumawa na lang basta-basta ng mga desisyon para sa'kin? Well for your information Jebediah, this is my life. It's my business, not yours! Sa tingin mo ba natutuwa ako na ganto tayo? Hindi pa nga tayo pero ganto na kadalas ang pagbabangayan natin. I don't even know why—“ me. Why have you chosen me? Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil unti-unti nang humina ang boses ko.
Bigla siyang napahawak sa magkabilang pisngi ko saka niya hinila ang mukha ko paharap sa kanya, “why what?”
I sighed, “why am I this important to you?” Natigilan din siya at nakita ko kung pa'nong tila nahihirapan siyang mag-isip kung ano ang susunod niyang sasabihin. Then I remembered he's not used to this. Sanay lang siya sa pagsasabi kung ano ang nasa isip niya ngunit yung mga gantong tanong na kailangan ng malalim na eksplenasyon, hindi siya sanay. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. So I just randomly uttered, “you're crossing the line again, J.”
Muli siyang napatingin sa'kin at saglit ko pang nakita sa mukha niya ang pagkagulat. He realized it, he has been reminded of our sort of... deal. “Ohh,” biglang bulong niya, “I... I didn't—“
Ako naman ngayon ang napahawak sa pisngi niya, “I know, it's fine, you're trying.”
Hinawakan niya ang dal'wang kamay ko at marahan itong pinisil. “Akala ko mahihimatay ka uli kanina. You were breathing so deep and it’s obvious how difficult it was for you. I thought you would— Christ, I was so worried Katherine,” sambit niya at heto na naman, nakita ko na naman ang takot sa mga mata niya. Hindi ko iyon gusto pero bakit parang ako na lang lagi ang nagiging dahilan nito? “Dapat hinayaan mo na lang na maunahan ka ng iba, you shouldn't have pushed yourself too much.”
“But I love running J, and when I love something I would give my best into it,” bahagyang ngiti ko sa kanya.
He continued looking directly at me, “but you’ll end up getting hurt.” Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, pagtakbo pa rin ba ang pinag-uusapan namin?
“Kahit ako pa ang masaktan. Alam kong ganun rin ang gagawin mo.”
“No,” my brows furrowed, “poprotektahan ko ang mahal ko pero gagawin ko rin ang lahat para protektahan ang sarili ko. Ayokong maging malungkot siya at sisihin ang sarili niya 'pag nawala ako.” Awtomatiko na akong napangiti at napayakap sa kanya.
“Believe in me then, I'm not as fragile as you thought I am,” sabi ko bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nang magkaharap na muli kami ay agad siyang tumango at hinalikan ang noo ko. I stood up and walked towards my locker, bubuksan ko na sana ito nang marinig ko siyang bumuntong-hininga. Humarap muli ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
“Those shorts are too damn short.”
Napatingin ako sa shorts ko, kanina ganun rin ang iniisip ko ngunit gaya ng sabi sa'kin ni Jedika, nabawasan ang pag-aalala ko nang makita ang suot ng iba kong kaklase. Kulang na lang 'di na talaga sila magsuot completely.
“What? Eto na nga ang pinaka-mahabang length no, nakita mo ba yung sa iba?”
“Kita pa rin ang tuhod mo, it's not acceptable.”
“Are you serious right now? You’re being petty!” Reklamo ko.
“Exactly, maliit na bagay lang 'to kaya susundin mo ko.” Napataas na lamang ako ng kilay bago talikuran siya. “Seriously Love, I almost pull out those dipshits' eyes when they thought it was goddamn fine to look at you when you're in that f*****g starting position! Have you seen yourself?! No! Ako ang nakakita, kaya ako ang sundin mo. Your legs are too exposed! And—“
Hinawakan ko muli ang magkabilang pisngi niya pero ngayon pinisil ko na ang mga ito. Agad siyang tumigil sa pagra-rant at pilit kong pinigilan ang sarili ko sa pagtawa. Yes, I find it funny and cute and sweet. I don't know what to feel, the only thing I'm feeling were the butterflies in my stomach.
“Okay, leggings na ang susuotin ko next time. No shorts.”
Kumunot ang noo niya, “that s**t was tight, joggers,” reklamo pa rin niya. Okay, is he kidding?
‘Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya, “I'm running DJ, not jogging,” sarkastiko kong sabi. He groaned at hinila ako paupo sa lap niya saka binaon ang mukha niya sa pagitan ng balikat at leeg ko. He's like a kid on a tantrum! Natawa na lamang ako, bago 'to ha?
“Fine leggings, yung abot hanggang paa.”
I rolled my eyes for the second time, “sige na, manahimik ka lang. Now get out, magsha-shower pa 'ko.” Nagulat ako nang bigla siyang napangisi sabay lapit ng bibig niya sa tenga ko.
“Conserve water, shower together.”