Chapter 9

3043 Words
Tawagan mo agad ako if something happens.             Tawagan. Tawagan? Paano ko siya matatawagan wala naman akong number niya? Baliw lang? Napa-iling na lamang ako. Eh bakit mo naman iniisip pa 'yan Leto? So may balak ka talagang tawagan siya gan'un ba?             Huh? Wala ha!             “Uhh... Leto?” Wala sa wisyo akong napatingin kay Erin na nasa katabing desk ko.             “Hmm?”             Bigla na lamang siyang ngumuso sa harap kaya naman awtomatiko na 'kong napatingin roon. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang maabutan ang professor namin na tinataasan ako ng kilay at nang tumingin ako sa buong silid ay lahat ng atensyon ay nakatutok rin sa'kin. Oh s**t Leto.             “Care to share kung ano ang 'wala,' Ms. Manuel?”             What? Anong... wala? Oh my God! Nasabi ko ba 'yun nang malakas? Seryoso?             “Wala pong... uhm—“ mabilis akong tumingin sa whiteboard at nakita ang malaking ‘FRENCH REVOLUTION’ na nakasulat doon. History! World History nga pala ang subject namin ngayon. “Para po sa'kin walang pagkakamaling nagawa ang mga French citizens, tama lang po na nag-revolt sila against Queen Marie Antoinette and King Louis XVI. Masyado na po silang naging gahaman sa yaman na nakukuha nila sa mga tao to the point na nagagamit na nila ito sa personal desires nila at hindi para sa ikauunlad ng bansa.”             Natahimik ang buong silid. Kahit maghulog ka ng karayom ay maririnig mo ito – siguro ang mabilis na t***k ng puso ko posible pa.             “Thank you for that wonderful opinion Ms. Manuel but next time try to actually focus on your professor.”             Saktong pagsabi ko ng 'yes ma'am' ay ang pag-ring ng bell at ang halos nag-uunahan na pagtayo ng lahat para agad na makalabas ng room. The subject is boring as hell, nakita niyo naman ang nangyari sa'kin 'di ba?             “What was that?” Natatawang tanong ni Erin nang makalabas kami mula sa room.             I grunted, “nothing. Kalimutan mo na, inaantok lang talaga siguro ko,” palusot ko.             She smirked, “bakit hindi ko magawang paniwalaan na hindi talaga tungkol kay Marie An-chuchu yung—” saglit pa niyang klinaro ang lalamunan niya saka pilit akong ginaya, “—huh? Wala ha!” Tapos ay humagalpak siya ng tawa.             Napabuntong-hininga na lamang ako, pigilan niyo ko, baka kung anong magawa ko sa babaeng 'to! Nasa'n na ba si Ina? Mas konti yung kabaliwan nung isang 'yun eh. Nang matigil sa pagtawa 'tong katabi ko ay patuloy ko lang siyang pinanuod habang nakasimangot.             “Ayy oonga pala,” biglang sambit niya nang nakakunot ang noo.             “O? May problema ba?” Nagtatakang tanong ko.             “'Di ba Gym sunod mong subject?” Tiningnan ko ang likod ng ID ko kung nasa'n ang summary ng schedule ko at nang makumpirma ko na nga ang sinabi niya ay agad akong tumango.             “Hindi namin agad nasabi sa'yo ni Ina, nag-advanced classes na kasi kami sa Gym so hindi mo na kami magiging kaklase d'yan. Pasensya na ha 'di namin agad nasabi sa'yo,” alalang sabi niya.             “Uy ano ba 'to, akala ko kung ano na. Ayos lang, at least I won't be depending on you two all the time, I'll be fine,” ngiti ko habang pilit na tinatago ang pag-aalalang nararamdaman ko. Even if I'm confident that I can have the class alone, somehow nasanay na rin akong lagi silang kasama kaya baka manibago rin ako.             “For real? Ayos lang ha? Kailangan ko na rin kasing pumunta sa susunod na subject ko, 'di  na kita masasamahan.”             I shook my head, “I'm actually 18 Erin, not 8.”             She laughed, "okay okay! Sige na ha, good luck babe!” She blew me a kiss and turned after I acted like I caught it. Napatawa na lamang ako at nagsimula namang maglakad na sa kabilang direksyon papunta sa campus gymnasium.             Hindi tulad sa daily attires, provided ng school ang gym uniform namin which is a black shirt with dark yellow neckline and sleeve trimmings paired with black fitted shorts that reached mid-thigh. Sakto naman sa'kin ang uniform ko pero siguro dahil hindi ako sanay sa ganto kaiigsing pang-ibaba kaya ako naninibago. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong paulit-ulit na hilahin ang dulo ng shorts ko pababa.             “Ayos ka lang Lu— Leto?”             Napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. Naabutan ko si Jedika – isa sa mga kaklase ko sa siguro... tatlong subjects? Nakatabi ko pa siya once kaya naman masasabi kong naging malapit na ako sa kanya.             “Oo, hindi lang ako masyadong sanay,” turo ko sa shorts na suot ko. Agad niyang nakuha ang tinutukoy ko saka bahagyang natawa.             “Don't worry, makita mo lang yung mga shorts ng ibang girls, gagaan na ang pakiramdam mo,” natawa siyang muli bago niya 'ko yayaing lumabas na ng locker room papunta sa court.             I was immediately impressed by how well-maintained the gym is. Para itong bago dahil sa sobrang linis at makikita talagang hindi ito pinababayaan. Ilang saglit lamang ay narinig na ang pagpito at pagtawag ng P.E. instructor namin kaya naman agad kaming umayos sa isang part ng court at umupo sa harap ni Sir.             “So this will be your first day with Physical Education IV but your last year in the said subject,” paninimula niya. “Karamihan sa'tin ang nakakaalam na ng curriculum ng Raven in terms of Physical Education. That is; when you finished its four units during your high school years, kahit kailan pa 'yan ay maaari ka nang mag-advance sa PTSD, or Physical Training and Self-Defense.”             PTSD? Bakit parang ngayon ko lang narinig ang tungkol do'n? Saglit na huminto sa pagsasalita si Sir at pinagmasdan ang mga reaksyon namin. Nakita yata niyang may mga nagtataka (kasama na ko do'n) kaya naman agad niya itong pinaliwanag.             “Lumalabas na normally, pagtungtong niyo ng college ay PTSD na ang kukunin niyo. That's if either you didn't apply for advanced classes in P.E. or you're not one of the University's athletes. Physical Education is more on the sports department – improving your fitness, agility and speed. While on PTSD, it focuses more on Martial Arts and like the meaning said, self-defense. It improves one's strength and control.”             Agad akong nakaramdam ng paga-alala, hindi naman nakapagtatakang 'di ako gano'ng kalakas physically. I'm a petite 5'4" girl, ano bang ieexpect nila sa'kin? Kahit ipis nga 'di ko mapatay-patay. Though masasabi ko namang may alam ako sa sports because of my history as a runner.             Ngayong naalala ko, it's been five? Six months? Nung huli kaming nagkausap ni Ms. Ayo – trainer-s***h-coach ko, dahil simula nung lumipat sila ng bahay a year ago at nabuntis siya, natigil na rin ako sa pagte-train at 'di ko na rin siya na-contact this past few months. I really miss her sometimes, lalo na kapag naiisip kong bumalik muli sa pagtakbo. Though kaya ko pa kaya?             Muling natutok ang atensyon ko kay Sir. “The papers that you will be receiving are the list of sports that you can acquire in my class, I want you to choose 2 or 3 from those. Ngayong araw, magkakaroon kayo ng oras para subukan ang mga sports na minarkahan niyo hanggang sa makapili na kayo ng isa. It will be the one that you will be focusing on the whole year so you better choose wisely, all right with you?" Lahat kami'y sumang-ayon kasabay ng pagtanggap namin ng tig-isa naming mga papel.             Agad kong minarkahan ang Track and Field, ano pa kaya? Pero sigurado na ako sa napili ko, pwede bang iyon na lang? For the sake of following my professor’s instructions, minarkahan ko na lang din ang Archery. One thing, wala akong kaalam-alam sa sport na 'yun... nada. Pero kailangan ko lang namang pumili ng isa para lang masabing may options ako. Ito rin ang pinaka hindi hassle at magtatagal sa lahat.             Nang makatapos ang lahat ay inannounce na niya kung sa'n kami magta-tryout at sinabi na ring may mga assistants/athletes na inappoint siya sa bawat sport na magga-guide sa'min. Saktong parehong nasa school grounds ang Track and Field at Archery kaya naman kailangan kong bumaba.             “Mr. Sigurd, Mr. Yu and Ms. Manuel... can I talk to the three of you before you leave?” Maglalakad na sana ako papunta sa exit ng gym nang marinig ko ang pagtawag ni Sir. Humarap muli ako sa kanya at lumapit, kasabay ng dal'wa pang lalaking tinawag rin niya. “Kayong tatlo lamang ang pumili ng Track out of everyone in class, so I will be the one assisting you later. Meron ba sa inyong tatlo ang pinili?” Lumabas na tig-dal'wa lang ang napili naming tatlo kaya naman nagpatuloy na siya. "I think 30 minutes will be enough for your other sport, hihintayin ko kayo sa starting point ng track after half an hour. You may go.”             Tumango kaming tatlo at saglit kong tiningnan ang dalawa kong makakalaban mamaya bago nagsimula na muling maglakad. I wonder kung bakit tatatlo lang kaming pumili sa track. Sa totoo niyan, ineexpect ko na marami kaming magta-try nun dahil it's track and field? All you need is speed in running and stamina, wala nang bola-bola or kung anumang props pa 'yan. Pero bakit iilan lang ang pumili roon?             Laking gulat ko nang makarating ako sa Archery field at naroon sina Zanaya at yung lagi niyang kasamang babae. Pareho silang nagshu-shoot ngayon at 'di man kapani-paniwala ay magagaling sila. Yes, they undeniably have shot the center eye multiple times. Nang matapos ang dalawa ay napuno ng mga palakpak ang buong field, they both smirked at pinanuod ko siya habang nalipat ang atensyon niya sa isang direksyon. Sinundan ko ito at nakita kung sino ang tinititigan niya.             My eyes widened. Dahil nga magkakatabi lang naman ang iba't ibang fields sa campus at welded wire fence lang ang nagse-separate sa mga ito, posible pa ring makita mo ang mga nangyayari sa kabilang field. And Zanaya was looking straight to Jebediah. He's in the other field, base pa sa nakikita ko ay iyon yata ang training field ng tinutukoy ni Sir kanina, the PTSD class.             Naabutan kong nakatingin na rin sa kanya si DJ ngunit tinanguan lamang niya si Zanaya bago alisin ang tingin niya rito. Nagsimula siyang tumingin sa iba't ibang direksyon na para bang may hinahanap. Then perhaps, his eyes caught me, because its wandering stopped and he focused solely on me. He smirked and I smiled back at him. No’n ko lang rin napansin ang suot niya – plain white shirt, workout shorts, running shoes and black gauntlet gloves.             Goodness those arms, broad shoulders and wide chest... so freaking hot. I cannot deny that I never checked him out, yes I did – countless times. No one could blame me though. The guy has a nice, lean and well-defined body! And I bet, may abs 'yan. What? I'm a hormonal teenage girl.             Nang bumalik ako sa realidad ay saka ko pa lang na-realize na what the f— I'm checking him out again! And he obviously knew! Kung posible pang mas maging conceited ang ngisi niya, iyon na nga ang nangyayari ngayon.             Inirapan ko na lamang siya para itago ang pamumula ng mga pisngi ko at binalik ang tingin ko sa harap. Doon ko naabutan si Zanaya na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya at tila pinanuod pa ang buong pangyayari. She's now glaring at me at napataas na lamang ang kilay ko.             “Kath!” Tawag niya sa'kin sabay lakad palapit. I know everything she's doing now is fake – even her tone is.             “Hey,” pilit na bati at ngiti ko rin.             “Are you here to try archery out? Come,” yaya niya. Alam kong alam niya na hindi ako magaling sa sport na 'to.             Minsan na kaming pinag-try ng archery ng P.E. instructor sa former school namin, isa ako sa mga tumangging sumubok dahil sa takot ko noon. The bow was really heavy, baka kung ano pang mangyari sa akin. Ngayon, alam niyang first time ko lang 'to and who would've thought she's here? Hindi ko sana pinili 'to kung alam ko lang.             Tinulungan niya ako sa pag-assemble ng bow and arrow at sinabi rin sa'kin ang mga basics pati kung sa'n dapat tumayo at pa'no ang posture. I almost believed her, pero nang maalala kong nanunuod nga pala si DJ sa kabilang field, I knew it's an act.             “Ready Kath? Just pull the string as far as you can, but remember – you will eventually have to let it go.”             Ako lang ba? O talagang parang double-meaning yung sinabi niya? Hindi ko na lang inalala pa iyon at nag-focus sa ginagawa ko. I pulled, pointed the arrow at the target with my eye and after a few seconds, I released the string.             Whoosh.             Seconds passed at sandaling natahimik ang buong field, until snickers and uncontrollable chuckles were heard. What the heck?             Hindi ko na napigilan at humagalpak na ako ng tawa.             “I didn't even hit the board!” Sigaw ko nang patuloy pa rin sa pagtawa. Almost a minute passed na ako lang din ang natatawa sa sarili ko hanggang sa unti-unti na ring natawa ang mga blockmates ko pati ang ibang nanunuod sa'min. Hay nako Leto, wala ka na talagang pag-asa sa mga gantong bagay... umalis ka na nga lang d'yan!             Nang kumalma na 'ko ay tumingin muli ako kay Zanaya. Siya lang ang hindi natawa sa nangyari. Huh? I expected she’ll be the first one to laugh at me pero ang nakakapagtaka ay nakakunot pa ang noo niya ngayon. Anong nangyari sa isang 'to?             “I think I really have no talent with these kinds of stuff,” I shrugged and handed her the bow.             “Kung alam mo naman palang 'di mo kaya, bakit pumunta ka pa rito? Nagsayang ka lang ng oras.” Napataas ang kilay ko, ahh... that's the Zanaya I knew. Ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata niya, na-realize niya yata kung anong sinabi niya, haha gotcha! “I—uhm... I mean—“             “No, you're right. Nasayang ko lang ang oras ng iba na naghihintay, pasensya na,” ngiti ko sa kanya. “I guess hindi na dapat ako bumalik rito,” bahagya akong natawa saka tumingin sa wristwatch ko. Almost 26 minutes have passed, I really need to go to the track now. “Sige, salamat sa tulong,” paalam ko sa kanya saka nag-umpisa nang maglakad. Muli akong tumingin sa direksyon ng kabilang field at nakita pa rin si DJ sa dati niyang kinatatayuan, ngayo'y nakakibit-balikat na.             I swear, I saw him smile.     Nakarating ako sa track exactly 6 minutes after, naabutan ko na roon ang dalawa kong kasama at si Sir na may kausap na isa pang estudyante – si Jedika.             “Okay, you may sit on the bleachers and wait,” saktong sabi ni Sir nang makalapit ako. Tumango si Jedika saka humarap sa'kin at ngumiti. Si Sir naman, ay tumalikod at kinausap ang lalaking nakatayo sa likod niya na ngayon ko lang napansin. Saan galing 'yun?             “Uy Leto, good luck!” nginitian ko si Jedika at nagpasalamat.             “You're done?” Tanong ko pa.             “Yep, karamihan sa'min tapos na kaya pinagse-stay na lang kami ni Sir sa bleachers para maghintay,” turo niya sa bleachers 'di kalayuan sa'min.             What!? Don't tell me manunuod sila?          Woah. No.             “Manunuod kayo?”             “Bakit, ayaw mo?” Natatawang sabi niya. “Joke lang, ayos lang 'yan! Etong pagpili mo pa lang ng track and field sobrang tapang mo na.”             Kumunot ang noo ko, “huh?”             “Wait, hindi mo alam?” Gulat na sabi niya.             “Ang ano?” Tanong ko at sasagot na sana siya nang biglang pumito na si Sir. Wala na siyang choice kundi pumunta sa bleachers kasama ang iba. Ngayong napatingin na 'ko roon... heck, it's obvious na kami na lang ang hinihintay! Lahat sila nandito, ugh.             “Listen you three,” nalipat ang atensyon ko kay Sir at naabutan na katabi na nga niya yung lalaki kanina. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito – Kuya Cairo!? Anong—? Mukhang nagulat rin siya nang makita 'ko.             “This is Cairo Junio, you probably already knew who he is... he's the captain of the Track team and one of our school's swimmers,” really? Bigatin pala 'tong si Kuya eh! Bakit 'di ko alam? Wala man lang nababanggit si Ate. “He will be joining me in assessing you three, you can start warming up,” tango ni Sir sa starting line.             Na-pwesto ko sa second lane – sa gitna ng dal'wang makakalaban ko. Katatapos ko lang magtali ng buhok nang mapansin ko ang paggalaw ng maraming pigura sa peripheral vision ko. I turned towards the direction of the bleachers, the one beside where my blockmates were seated at nakita roon ang isa pang block.             Oh my God. Not now! s**t.             Nakaupo roon ngayon ang PTSD block na kasama kanina ni DJ. Nakita kong kasama roon sina Ina at Erin na ngayo'y kinakawayan pa ako, katabi nila si Ate na nakatayo at excited na tinataas ang mga kamay niya na para bang chinicheer ako. Jeez Ate, calm down! Pati si Ares! And lastly, si DJ.             Did that guy just wink at me? Is this a freaking dream? Kanina ngiti, ngayon kindat? Anong nainom ng isang 'to?             Binalik ko ang atensyon sa harap at pinilit na 'wag isipin ang mga nanunuod sa'min. I began to stretch, first my upper body then the whole. Inalala ko ang mga tinuro sa'kin noon ni Coach, at ginawa iyon gaya ng sabi niya. Eventually, I forgot the people around me and just concentrated on my goal. This is what you've been waiting for Leto, ang makatakbo muli, heto na ang pagkakataon na pinakahihintay mo.             “You'll be running three laps. This isn't a competition, you could be the last one and we'll still accept you on the team. It will all be based on your performances. But of course, the first one will be accepted automatically,” paliwanag ni Kuya Cairo. Sabay-sabay kaming tumango at umayos na nga ng pagkakatayo sa lanes namin.             “Ready guys!” Sigaw ni Sir. “On your marks!” I crouched down, my left knee down on the ground while my right bent forward, and my arms supporting my body with my palms touching the track. “Get set!” I raised my rear, making my right knee bent 90 degrees and my left 130 degrees above the ground then lastly, I raised my head and look directly in front of me.             “Go!”             I flew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD