I'm about to touch the golden wolf's head when ringing sounds filled the entire surroundings and in a snap—
Muli akong napabangon mula sa kama ko nang tila ba naghahabol ng hininga. Napanaginipan ko na naman siya – ang lobong may mala-gintong balahibo. At ngayong nakalapit na ako sa kanya, nakita ko ring pati ang mga mata niya'y kulay ginto rin. Nabalik ako sa realidad nang tatlong magkakasunod na pagkatok ang manggaling sa pinto ng kwarto.
“Leto? Wake up anak! Kanina pa tumutunog 'yang alarm mo, at bilisan mo na diyan,” rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas.
Pinatigil ko ang alarm bago ako mag-inat ng mga braso saka bumangon. Dali-dali akong pumasok sa banyo matapos maihanda ang aking isusuot ngayong araw at ginawa ang morning rituals ko. Once I’m contented with my look, agad kong kinuha ang backpack ko at bumaba na para mag-umagahan.
“Good mor— what the?” Anong ginagawa niya rito?!
“Good morning Princess. Come, eat your breakfast,” ngiti pa ni Papa na para bang walang kakaiba sa umaga. Well, let me tell you Pa, iyang katabi mo, anong ginagawa ng isang ‘yan rito? Ang aga pa ha? Isa pa, may pawalk out- walk out pa siyang nalalaman kahapon tapos magpapakita rin pala siya! Ang drama! Plus, he's on my seat!
“Oh anak, tumabi ka na kay Jebediah, isasabay ka na raw niya pagpasok. Salamat ha ijo.”
Bahagya niyang nginitian – more like, nginisian – si Mama sabay tango tapos ay binalik muli ang tingin sa akin. Nang tumingin din ako pabalik sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay sabay senyas sa upuan sa tabi niya. I reluctantly walked towards the seat and sat on it like every one of them told me to do.
“You're here...” Gusto ko sanang sabihin ang mga salitang iyon na parang wala lang pero base sa ngisi niya, alam kong lumabas ito na para bang hindi ko gustong nandito siya – which is partially true. I'm still uncomfortable around him.
“Hindi mo gustong nandito ako?”
Agad akong napayuko dahil sa pag-iinit ng mukha ko. You should've just stayed quiet Leto.
“Hindi naman sa gano'n. Uhm, ano lang... wala ka kasing nabanggit na magsasabay tayo ngayon,” pilit na palusot ko. Hay Leto, wala ka na talagang pag-asa! You will always be awkward no matter what kind of situation you’re in – especially this kind.
“Mula ngayon, lagi na kitang susunduin at lagi na tayong magsasabay pagpasok at pag-uwi,” deklara niya. Heto na naman siya sa pagiging bossy niya!
“Will I have a say in this?” Pinanuod ko kung pa'nong unti-unting humigpit ang hawak niya sa kutsara't tinidor, at sa bigla ding pagbitaw niya sa mga ito matapos ang malalim na pagbuntong-hininga. Anger management issues – this guy has one.
“Won't you agree?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya nang sabihin niya iyon. Like he's worried... scared even.
“Kung ito ang paraan mo sa napag-usapan natin kagabi, then okay I have to do my part. I have to give you a chance because you're trying.” I said.
I don't even care if my parents can hear us. Kailangan din naman nila itong marinig para kung saan man makarating 'to, sigurado silang mapagkakatiwalaan nila ang mga desisyon ko at hindi na sila mag-alala. Saglit kaming nagkatinginan hanggang sa muli siyang mapangisi. Nagulat na lamang ako nang maingat niyang hawakan ang batok ko, itulak ang ulo ko palapit sa labi niya at halikan ang noo ko.
“Eat, Katherine,” the kiss was his way of saying thank you, somehow I knew it is.
Napataas na lamang ang kilay ko nang makita ang sasakyan niya, of course he wouldn't settle for less, enough even. A blacked-out, lifted Hummer stood in front of us, even his car screams power and wealth.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat kaya naman doon na ako dumiretso. I was about to step up the car's support when he suddenly lifted me up himself and settled me down on the seat. Kahit sa taas ng kotse ay mas matangkad pa rin siya sa akin nang bahagya at kailangan ko pa ring tumingala nang konti. Hinawi niya ang buhok ko at tinulak ito sa likod ng tenga ko saka ako pinagmasdan, parang awtomatikong napatitig na rin ako sa kanya.
Ano bang mahika meron ka? Bakit ganto na lang ang epekto mo sa'kin? Daneios Jebediah Ford. What are you doing to me? Why are you doing this to me? Why me? Of all the pretty girls in school, why choose the weird and awkward transferee? Pa'no na lang kung mahulog ako? Pa'no kung bigla kang matauhan at hindi mo na ako saluhin? Pero hindi ba dapat sanay na 'ko sa ganto? I should be used to people telling and treating me like I'm not worth it.
“Katherine,” biglang banggit niya.
“Hmm?”
“Yayakapin kita.” Bago pa 'ko makasagot ay naikulong na niya ang bewang ko sa mga braso niya, nakatayo na siya sa pagitan ng mga binti ko at nakabaon na ang mukha niya sa leeg ko.
“Bakit nagpapaalam ka pa kung hindi mo rin pala hihintayin ang sagot ko?” Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon, ngunit nakita ko na lamang ang sarili kong yumayakap pabalik sa kanya. It just felt so natural now.
“I'm not asking you Love, I'm telling you so you can be ready. It's an improvement right? Hindi na ako ga'nong padalos-dalos,” saglit siyang lumayo para tingnan muli ako.
Natawa naman ako sa sinabi niya, seryoso ba siya? Hindi na siya ga'nong padalos-dalos? Yeah right! Napa-iling na lamang ako. At least he's trying – kung mabibilang man 'to as 'trying' – but he seemed so proud of what he did, sino ba naman ako para i-spoil ang mood niya?
Tumigil ang sasakyan sa isang parking space na nakita kong naka-reserba na talaga kay DJ. Nang nakita ko ito ay napataas na lamang ang kilay ko, maybe he's one of the school's V.I.S. (Very Important Students) at bakit nga ba hindi? Anak siya ng mayor.
Kahit majority sa mga estudyante rito ay nasa kolehiyo na at inaasahang wala na dapat gaanong ‘high school drama,’ hindi pa rin mapipigilan ang cliché moments gaya ng pagtingin sa pagdating ng isa sa magagarang kotse sa parking lot. Kahit nga napapagitnaan ito ng dal'wang kasing-gara rin na mga kotse – isang itim na Camaro at Mercedes SUV – ay dito pa rin nakatuon ang atensyon ng lahat. Siguro dahil sa laki nito.
“Wait for me,” sabi niya bago bumaba at maglakad paikot sa harap ng kotse, papunta sa side ko. Binuksan niya ang passenger door para sa'kin saka inunahan na rin akong mag-alis ng seatbelt ko.
“I can do that on my own,” kunot-noo kong sabi, para akong bata kung ituring niya. Umupo ako nang patagilid – handa na para bumaba, nang harangan niya ako gamit ang katawan niya at ipulupot niyang muli ang mga braso niya sa bewang ko.
“I want to take care of you.”
I sighed, “not like I'm a three-year-old kid.”
“No, like a queen,” agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko at alam kong napansin niya iyon dahilan ng pag-ngisi niya.
“I wonder kung anong sasabihin nila 'pag nakita nila akong bumaba ng kotse mo. Baka alam nila na si Zanaya ang girlfriend mo and—“
“And they don't care Katherine, they should mind their own business. Isa pa, 'di ko kailanman sinabing nobya ko si Zanaya, like I said, it will never happen Love.”
Tumitig akong muli nang diretso sa mga mata niya saka tumango. I knew what he's saying is true – I just know. Tuluyan na niya akong binuhat pababa ng kotse bago isara muli ang pinto at pindutin ang lock sa remote key. He held my waist as we walk towards the Circle and when I realized the direction we're going to, I quickly stopped him.
He turned to me with a questioning look, “siguro hahanapin ko na lang ang mga kaibigan ko,” sabi ko sabay tingin muli sa mesa nila.
Naroon na sina Ate Dione, Kuya Cairo at Ares kasama yung dalawang lalaki na nakita ko kahapon, pati si Zanaya at isa pang babae na ngayon ko lang nakita. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko kasabay ng paglapit niya sa'kin.
“Why won't you stay with us? Erin and Ina can join us too, pinsan ko naman sila.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit wala man lang nabanggit yung dalawa? Nakita niya yata ang gulat na ekspresyon sa mukha ko kaya naman nagawa niya pang magpaliwanag. “My dad and their mom are siblings, hindi kami ga'nong ka-close dahil mas malapit sila sa kapatid kong babae.”
Tumango ako at pinag-isipan ang alok niya, kahit kasama nila si Ate at Kuya Cairo, pati si Ares na kaibigan ko na rin, nakaka-ilang pa ring sumama sa grupo nila. One reason is nand'on si Zanaya, wala naman akong balak sabihin sa kanila ang pambubully niya sa'kin noon pero ang weird pa rin na makasama siya sa isang grupo. Another thing is them being the popular students. It's obvious, hindi ako bagay sa kanila.
“I just can't DJ,” diretso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. “Pagbigyan mo na 'ko sa bagay na 'to.”
“Are you perhaps... embarrassed to be seen with me? Kanina ka pa kasi—“
Nanlaki ang mga mata ko, “no!” mabilis kong tanggi.
Nakita ko na naman yung nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya at kahit ako ay naninibago rito. Sanay na akong nakikita siyang siguradong-sigurado sa lahat ng ginagawa niya, pero yung makita siyang ganto... iba sa pakiramdam.
“Hindi naman sa gan'on J, hindi nga dapat ikaw ang nagtatanong niyan sa'kin. Well, you should know by now that I'm not a big fan of attention, and your group seems like the center of it.”
Sandali siyang natahimik na para bang pinag-iisipan pa ang sinabi ko. Wait a minute, kailan pa 'ko nagsimulang humingi ng permiso sa kanya? Ganto ba yung pakiramdam na may isinasaalang-alang kang ibang tao bago ka magdesisiyon? Leto, malayo-layo na 'yan ha, 'wag ka ngang mag-overthink!
“Okay.” Napatingin ako sa kanya nang nanlalaki ang mga mata, he said okay right? Right?
“What?”
“I said, okay.”
I smiled. “Ohh,” hindi ko alam pero sobrang saya ko, eto ang unang beses na mag-compromise kami at naintindihan niya ang side ko. This one is more of an improvement than what he did earlier. “So... I should go, see you later?” He hesitantly remove his arms around me at tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko, nagtataka akong humarap muli sa kanya.
“Be careful, Love. Tawagan mo agad ako if something happens,” napangiti ako. Maybe he really cares.
Lumapit muli ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. “I will,” sabi ko at sandali muling tumitig sa kanya, “see you later DJ,” huling paalam ko bago niya muli ako bitiwan. Tuluyan na nga akong tumalikod at naglakad sa kabilang direksyon.