‘Luna. You are a Luna.’
I woke up with goosebumps covering my arms and legs. Agad akong napaupo at napatingin sa paligid ko na para bang may hinahanap. But what am I trying to find exactly? Doon lamang ako nagising sa katotohanan at napagtanto na nakabalik na ako sa kwarto ko. Kasabay nito ang awtomatikong pagbalik ng mga nangyari kanina sa utak ko. Seriously, what is wrong with me? Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Ha! Who am I kidding? Ano ba talaga ang nangyayari? That's more accurate.
Unti-unti akong tumayo at halos magpasalamat dahil walang 'aftershocks' ang sakit na naramdaman ko kanina, wala ring nabago sa'kin specifically – and especially – my clothes. Nang tinuon ko ang atensyon sa paligid ay doon ko pa lang narinig ang 'di malinaw na mga boses na nanggagaling sa labas.
I quietly walked out of my room, which is quite unnecessary dahil nasa dulo naman ng hallway ang kwarto ko at tiyak namang di nila ako maririnig. Ngunit nakaka-isang hakbang pa lamang yata ako ay natigilan na ako sa pagkilos.
“A week, Devin. I'll be giving you a week,” sa iilang mga salita pa lang na iyon ay kumunot na ang noo ko. Kilalang-kilala ko ang nasabing boses – nakapagtataka man kung bakit – sigurado akong si DJ ‘yon. Siguro dahil na lang rin 'to sa mga kakaibang pangyayaring nararanasan ko sa tuwing malapit siya sa'kin, I got used of hearing his voice. Nagsimula muli akong maglakad nang hindi pa rin inaalis ang atensyon ko sa usapan sa living room. “Kapag hindi pa niya al—" I frowned, anong nangyari? Bakit siya tumigil?
Nang tuluyan na akong makarating sa may living room ay naabutan ko na silang nakatingin mismo sa akin na para bang inaasahan na nila ako. Wait... they heard me? I swear I was being careful and silent!
“Leto! You're awake, thank God,” nalipat ang tingin ko kay Ate na mabilis na napatayo mula sa tabi ni Kuya Cairo, habang si Ares naman ay nasa isang one-seater sa gilid nila. Para silang mga batang ayaw makisali sa usapan ng mga matatanda which are my parents and DJ.
“Leto, I was so worried anak,” rinig kong sabi ni Mama bago niya ako lapitan at yakapin nang mahigpit. Awtomatiko ko itong sinuklian ng isa ring mahigpit na yakap.
“I'm fine Ma, it was just a bad case of migraine,” sabi ko nang bumitaw siya sa pagkakayakap.
“Migraine? You were bleeding Leto! Hindi lang 'yon basta pagsakit ng ulo lang, at sigurado ako ganto rin ang nangyari 2 months ago sa event,” pag-kontra ni Ate.
“Tama ang Ate Dione mo, siguro magpa-check up ka na anak?” nag-aalalang sabi sa'kin ni Papa.
“You should go Katherine,” nalipat lahat ng atensyon kay DJ. Gaya ng dati ay sinabi na naman niya ang mga salitang iyon na para bang inaasahan niyang susundin ito ng lahat. He doesn't just say it, he commands it. Sandaling natahimik ang buong silid at nakita ko na lamang ang sarili kong nakatitig sa kanya... why is he still here?
“Ma, Pa, I need to talk with DJ... alone. Can we?" Tumingin ako sa mga kasama namin na saglit na mga nagulat sa sinabi ko.
“Yes, of course. We're just gonna—" pinigilan ko na si Mama sabay ng paghawak ko sa braso ni DJ.
“No Ma, doon na lang kami sa kwarto ko. Saglit lang 'to.” Alam ko kung ano ang iniisip nila ngayon, bakit sa kwarto ko pa? Pero wala na ‘kong oras pa para isipin ang malisya, I just want privacy and I need to talk to him about... everything. Sa pagkakataon na tumango sila Mama't Papa ay agad ko nang hinila si DJ. Alam kong nagpapatangay lamang siya dahil sa tangkad at laki ba naman ng katawan niya ay tiyak na hindi ko siya makakaya nang sapilitan.
Nang makapasok kami sa kwarto ko ay agad ko siyang binitawan at unti-unting sinara ang pinto. When I turned to him again, naabutan ko siyang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko. Thank God I cleaned up yesterday.
“Sorry... naabala na naman kita,” nabalik ang tingin niya sa'kin. Bahagya ko siyang nginitian bago lumakad papunta sa kama ko at umupo rito. I chuckled, “lagi mo na lang akong naaabutan sa ga'nong kundisyon. I think you're right, I really should go to the doctor. I'm too weak.” Napayuko na lamang ako hanggang sa naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
“Huwag kang magsalita nang tapos, it could be just a short-term kind of illness, or your body reacting to something.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. It was not said in a comforting tone but some sort of a concluding one, ngunit kahit gano'n ay tila nabawasan pa rin ang pag-aalala ko.
“Thanks?” hindi siguradong sabi ko.
“I'm not that kind of guy. Sinasabi ko lang kung anong nasa isip ko and hope it helps.”
My brows furrowed, parang hindi tugma ang ginawa niya kanina sa sinasabi niya ngayon. I'm here love. Hindi kita iiwan. I won't ever leave you. He's not that kind of guy, he said. But those words are too sweet... full of worry and care.
“Nakakapagtaka naman, with your relationship status – that's quite unbelievable.”
“What?” Mabilis akong napatingin sa kanya at naabutan ang nagtataka niyang mukha at nakakunot na noo.
“Your girlfriend? Zanaya right?” Nagsimula na rin akong magtaka, hindi ba niya alam na may girlfriend siya?
“Jesus Christ,” he exclaimed bago mapahilamos sa mukha niya. “Who told you that?”
“Your mom?” Bakit ba ganto ang kinikilos niya? Ayaw niya bang malaman ko? Wait, is he really trying to two-time with Zanaya and I? Kaya ba hindi niya gustong malaman ko para pag ginawa na niya, magmumukha akong tanga na walang kaalam-alam sa panloloko niya? Wait. Saan ba nanggagaling lahat ng 'to? I'm being judgemental.
“Kailan pa?” tanong niya muli. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Bakit ba tanong pa siya ng tanong at hindi na lang magpaliwanag?
“Inimbita niya kaming mag-dinner noon sa bahay niyo nung kalilipat pa lang namin and coinci-dentally, kababalik lang rin ng family nila Zanaya dito so they were invited too. Your mom introduced both families and she told us Zanaya is your girlfriend.”
Napamasahe siya sa noo niya at matagal din kaming natahimik na dalawa. Siya na parang kinakalma ang sarili habang ako ay pinapanuod lamang ang mga reaksyon niya. He's so hard to read, and I came to realize that I just have to be contented with the little reactions he rarely shows. Kaya nakakailang din minsang makipag-usap sa kanya. He's too... intimidating.
“That's why you've been rejecting me,” bigla niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko, “ha? Anong kinalaman ko sa—“
He squarely looked at my eyes again, “you've been rejecting me and pushing me away. I don't like it Katherine.”
Napasinghap na lamang ako dahil sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko habang sinasabi iyon. Awtomatiko akong napayuko ngunit tila inaasahan na niya iyon dahil mabilis na niyang hinawakan ang panga ko na pumigil rito.
“You have a girlfriend. Of course I'm going to reject you.” Gustuhin ko mang sabihin ito nang malakas ay tila hindi ko magawa dahil sa titig niya sa'kin – pati boses ko ay nanghihina.
“And you should've told me sooner. Zanaya had never been and will never be my girlfriend Katherine. She's a childhood acquaintance, parang kapatid lang rin ang magiging turing ko sa kanya kung sakali man. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin and my mom, she kind of expects me to choose her.”
“Choose her?” Pagtataka ko. His jaw clenched na para bang nagdadalawang-isip pa siya sa pagsagot.
“Gusto niyang piliin ko si Zanaya bilang magiging asawa ko.” So it's that serious?
“Hindi ba parang nagmamadali ang mama mo? You're still in college.” Hindi ko na namalayan na komportable na akong nakikipag-usap sa kanya, which is weird dahil may nararamdaman pa rin akong konting pagka-ilang.
“I'll be graduating this year.”
What? Akala ko ay kasing-edad lang siya nila Ate.
“You’re a senior in collage?” gulat na tanong ko.
He smirked, laging ngisi lang ang nakikita ko sa kanya, ni-minsan ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti. “No. I took advanced classes, so naka-apat na semesters lang ako which is two years, instead of 8 o apat na taon.”
“Anong kinukuha mo?” curious na tanong ko. Is it Engineering? Information Technology? Accountancy? The typical courses for guys.
“Political Science,” my jaw dropped, wow. He smirked, "what? Wala ba sa itsura?"
“Ha? Hindi ah– ano, nagulat lang ako. So itutuloy mo? Mag-PhD ka?”
Umiling siya, “no. Being the only son, I have to manage our family business."
Tumango ako. Oo nga naman, may responsibilidad siya sa pamilya niya. Natahimik muli kami, ang daming tanong sa utak ko na hindi ko magawang sabihin. Now that the thing about Zanaya is cleared, ano nang mangyayari? At yung mga—
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang niyang ibaon ang mukha niya sa leeg ko, at dali-daling pinulupot ang mga braso niya sa bewang ko, pulling me onto his lap. Ito ang tinutukoy ko, yung mga gestures niya na ganito! We don't even know much about each other and he's doing these already. And you like it Leto, admit it. Iyon ang nakakainis... bakit gusto ko 'tong mga ginagawa niya? Bakit sobrang komporatable sa pakiramdam ang mga yakap niya at yung maliliit niyang halik?
“DJ, what are you doing? Why are you... hindi ba parang ang bilis nito?” Sinubukan ko siyang itulak palayo ngunit lalo lang humigpit ang yakap niya sa'kin causing me to lean against him closer. He's in-between my thighs and our position is rather an intimate one.
“Now that Zanaya's out of the picture, let's talk about us, Love.”
“DJ, we—“
“You're mine Katherine.”
Hindi ko alam kung posible pa ngunit lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Natigilan ako sa sinabi niya at parang hindi na nagawang mag-function pa ng utak ko.
Mine. Mine. Mine.
You're mine Katherine.
“And those f*****g bastards should know their place, no one looks at my girl that way.”
Sandali ko pang hindi nakuha ang mga sinabi niya, ngunit parang isang puzzle na nag-click na lang ang lahat. He's talking about earlier, yung mga lalaking pinagtanungan namin – the way they're looking at me. Pero hindi ba binibigyan niya lang ng malisya 'yun? And Leto, bakit 'yan pa ang iniisip mo? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi niya?
Unti-unting kumunot ang noo ko, “I'm no one's possession,” bigla ko na lang nasabi. “I'm definitely not yours, or anybody else's. You can't just waltz into my life and declare that I'm yours!” Muli kong sinubukang itulak siya ngunit ang nagawa ko lamang ay bahagyang lumayo mula sa kanya – hindi pa rin ako makaalis sa kandungan niya.
“Hindi pa ba sapat ang dalawang buwan sa'yo?”
I disbelievingly looked at him, “ni-hindi nga kita nakita sa dalawang buwan na iyon! At kanina lang nga tayo nagkausap nang matino, are you even serious right now?”
“I told you Katherine, hindi ako gano’ng klase ng lalaki. Now, if you want roses and chocolates, then I don't believe in those kinds of crap. Deal with it.” Sinabi niya ito na parang wala lang at wala man lang kaemo-emosyon sa mukha.
“You're unbelievable! Ano bang tingin mo sa'kin? Makukuha sa materyal na bagay? I'm asking for time! I need to think this through Jebediah!” I snapped, and that did it.
Pinanuod ko kung pa'no biglang parang mahikang tumindi ang kulay ng mga mata niya. Marahas ngunit maingat niya akong itinayo mula sa pagkakaupo sa mga hita niya bago siya mismo ay tumayo na rin.
“Godammit Katherine! I gave you two f*****g months! I've waited long enough. Fine. Magalit ka kung gusto mo. I don't care. But remember this Love, you're mine and no male would dare get near you, or touch you or f*****g speak and look at you without my permission. No one would ever take you away from me."
Iyon na ang huling pagkakataon na nakita ko siya sa araw na 'yon, because after those commanding words, he left.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o ano, but I swear I saw his eyes turned into golden ones. And I just know it would haunt me in my dreams.