ILANG minuto nang wala ang doctor at nurse ay tahimik parin at walang nagsasalita sa aming tatlo. Ako naman ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang hawak ko parin ang mga reseta ng doktor sa akin. Masaya ako sa blessing na nasa sinapupunan ko! Ngunit paano si Mommy? Baka hindi niya matanggap ang anak namin ni Kenzo. Kawawa naman ang anak ko...magulo ang pamilya na makikita paglabas niya. "Bes, it's a blessing! Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon blessing parin ang bigay ng Diyos sa'yo!" si Kristen at niyakap ako. "S-Si Mommy nandito na sila...alam na niya! Galit na galit siya, Kris! Hindi niya ako maintindihan...G-Gusto niyang i-iwan ko si...si Kenzo!" umiiyak kong pagtatapat kay Kristen. "Oh God! Paano na ngayon yan...? Paano ang baby niyo?" "Ahmmm iwan ko muna kayo. Sa labas lan

