- KRISTEN - "ANO na naman bang ang tinatawag-tawag mo sa akin impakto ka? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi ako interesado sa business proposal mo!" bungad na tanong ko sa impaktong lalaki na nasa kabilang linya. "Grabe ka naman maka impakto...May impakto bang kasing pogi at macho ko?" sagot ng impakto sa kabilang linya. "Oo ikaw na...ikaw na ang pinakamayabang na impakto dito sa mundo!" inis na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ba kinakausap ko pa ang lalaking ito sa kabilang linya eh madalas puro walang kwentang bangayan lang naman ang ginagawa namin. "Talaga! Dahil ako lang naman ang nag-iisang impakto na patay na patay ka sa kagwapuhan ko!" narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ay hari ang lalaking ito ng kayabangan! "Uyyy Mr., tulog ka na

