- ALLIE VALDEZ - HAWAK ko parin ang ang cordless phone. Tinititigan ko iyon na animo isang masamang panaginip ang lahat ng mga narinig ko mula doon. Mula sa abogado namin na nakausap ko. Tinawagan ko ang abogado namin. Gusto ko lang kamustahin sana ang mga naiwan sa amin mag-iina ng namayapa kong asawa. Ngunit talagang kabigla- bigla ang nalaman ko mula sa kanya. "No! Hindi totoo ang sinasabi niyo attorney! Oh God...How? Paanong nangyari iyon?" halos hysterical na ako. "I'm sorry Mrs. Valdez! Ngunit iyon ang totoo. Utang ang naiwan sa inyo mag-iina ng namayapa niyong asawa. Maski ang pinagbentahan ng kompanya niyo ay kakarampot nalang ang sobra," mababang boses na paliwanag sa akin ng abogado. "Ngunit paanong nangyari na wala na kaming pera ngunit patuloy pa rin ang pagpasok ng iilang

