ARRRGGGG. Ang tagal nila. Naiinip na ako. Gusto ko na rin maligo at magpahinga. Napagod kasi ako sa biyahe. Ewan kahit nakaupo lang naman ako sa eroplano at sa kotse pagod na pagod parin ako. Malapit na akong makatulog sa pagkakaupo sa mahabang sofa sa living room ng makita ko ang pagpasok nila. Bored ko silang tiningnan. Naka lingkis si Marga sa braso ni Kenzo. Bakas sa mata nito na kagagaling lang nito sa pag-iyak. Tumayo ako para itanong kung saan ang kwarto ko. At gusto ko na talagang magpahinga. Tiningnan ako ni Marga mula ulo hanggang paa at pataas ulit. Gaga maganda ka nga pero mas maganda ako sayo dahil hindi fake ang cheekbone ko. Mahahalata naman kasi sa babaeng ito na naka buttocks ang pisngi niya. I have fair skin na natural na mula ng ipanganak ako. Hindi tulad ng sa'yo na

