HINDI ko gustong iwan sila Mommy at Baby Jr sa isang nurse at katulong lang pero wala akong choice. Ayaw pumayag ni Kenzo na bumalik ng Pilipinas ng hindi ako kasama. "Uulitin ko,Chantal. WALA akong tiwala na hindi kana makikipagkita ulit kay Molina. Minsan na kitang sinabihan ngunit sinuway mo ako. Paano pa kitang pagkakatiwalaan ulit?" Chantal lang ang tawag niya sa akin kapag naiinis o nagagalit siya sa akin. Kaya alam ko nang wala na akong magagawa para baguhin ang desisyon niya. "Mom I don't wanna leave you and Baby Jr pero ayaw bumalik ni Ken sa Pilipinas ng hindi ako kasama. Tsaka kailangan rin ako sa Pilipinas ng mga naiwan natin doon,"sabi ko kay Mommy. "Don't worry anak I understand. Hindi narin naman kami magtatagal rito sa Amerika uuwi na rin kami ng Pilipinas ng kapatid mo

