Dali-dali kong inayos ang aking bestida ganoon din ang undies ko. Tumingin naman ako kay Stanley. Nakikita kong hindi maipinta ang tabas ng mukha nito. Parang gustong mag-amok ng away ang lalaki. Hanggang sa bigla siyang tumingin sa akin. Ngunit nakapaskil pa rin sa mukha nito ang sama ng loob nang pagkabitin. Pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod para buksan ang pinto. "Aalis na ako, Manang!" masungit na sabi ng lalaki. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na naglakad paalis. Hindi man lang lumingon ang lalaki sa akin. Ang sarap tuloy pitikin nito. "Hija, masama yata ang mood ni Gov, nag-away ba kayong dalawa?" tanong sa akin ng babae. "Hindi po, Manang. Ganoon lang talaga ang mukha noon. Parang pinaglihi sa sama ng loob," natatawang sabi ko na lamang kay Manang. "Ay! Ganoon ba? Ngunit kahit

