"Peste! Akala ko'y katapusan ko na. Mabuti na lamang may nahawakan akong isang puno na hindi kalakihan. Kailangan kong magmadali. Hindi ako puwedeng magtagal dito. Saka, malakas din ang aking pakiramdam na buhay pa si Miss. L. At hindi pa tapos ang laban namin. Lahat gagawin ko para matalo ang babae sa labang ito. Hanggang sa muli kong kinuha ang aking kutsilyo. Para gamitin upang makaalis dito. Hanggang sa tuluyan na nga akong makaakyat. Medyo lumayo ako sa bangin. At hinintay ko ang pag-akyat ni Miss L. Ngunit wala pa rin ito. "Ahh!" sigaw ko nang may sumipa sa aking likod. Ngunit hindi ko iyon ininda. Dahil mabilis ko ring pinagalaw ang aking paa papunta sa sikmura nito. At ubod lakas ko siyang tinadyakan! Dahilan para mapaungol ang babae sa sakit. Galit na galit naman siyang tumi

