Mabuti lang at nakailag ako. Kung nagkataon may tama sana ako sa akin tiyan. Natatawang tumingin tuloy ako sa aking mga kalaban. Ngunit nakikita kong ngumisi naman sila sa akin at tila minamaliit ako. Hanggang sa muli silang umataki sa akin. Kaya naman naghanda ako. Nakita ko si Maria Olis ang unang sumugod. Agad kong sinalag ang pag-ataki ng babae. Ngunit maliksing tumaas ang aking paa, sabay sipa sa sikmura nito. Maliksi ko ring tinadyakan ang kamay ng babae, dahilan para tumalsik ang hawak niyang katana. Subalit sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong babarilin ako ni Mr. B. Kaya naman agad kong hinawakan ang katawan ni Maria. At ang katawan ng babae ang ginawa kong harang upang hindi matamaan ng bala ng baril. Hanggang sa umalingaw-ngaw ang malakas na putok ng baril. At ito'nga'y tu

