Halos hingal kabayo ako nang makalabas ng bahay ng lalaki. Hindi ko alintana ang umakyat sa gate ni Stanley, kahit sobrang taas pa nito ay walang takot ko iyong tinalong. At ngayon nga ay hingal na hingal akong nang makarating sa hide out. Kahit na sumakay ako ng tricycle ay ramdam ko pa rin ang pagkahingal ko. Lalo at malayo-layo rin ang tinakbo ko bago makakita ng masasakyan. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago simulan ang aking misyon. Tumingin din ako sa aking relo at nakitang kong alas-diyes na nang gabi. Kailangan ko nang umalis. Kinuha ko ang mga gamit sa aking misyon. Ngunit bigla akong napahinto nang marinig kong tila may nagbubukas ng pinto ng hide out. s**t! Baka si Stanley ito? At sinundan ako nito. Mabuti na lang at naka-off ang ilaw. Kaya naman dali-dali akong nagtag

