(TAMARA'S POV) ASAR NA ASAR akong tumingin sa aking asawa. Kaya naman hindi na ako nakapagpigil at tuluyan ko na itong binato ng mga vase na hawak ko. Subalit--- ang hudyong lalaki ay maliksing umiwas. "Bakit ka umiwas?!" tanong kong maluha-luha. "Honey pie, alam mo namang masakit iyon kapag tumama sa aking katawan. Okay fine! Ako na ang mali! Please, forgive me, honey pie," anas ng lalaki. Ngunit umiling-iling naman ako. Para maunawaan nito ang aking kinagagalit ay kinuha ko ang photo album, sabay hagis sa aking asawa. Maliksing nasalo naman iyon ni Stanley. Parang nakakasama ng loob na hindi ka agad sinabi sa akin ng lalaking ito, na isa pala itong big boss ng mga agent. Kung hindi ko pa nakita ang mga picture nito kasama si boss Zach at ang iba pang big boss ng Secret Agent, ay

