Nakasimangot akong nakatingin sa pintuan. Naghihintay nang pagbabalik ni Stanley. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Kaya ang labas ay napupuno na nang inis ang aking utak. Sa totoo lang ay labis na akong nasusura sa lalaking iyon! Ang nakakasama pa ng looba ay kahapon lamang kami ikinasal, ngunit kahapon din kami umalis sa kubo na nasa bundok. Na dapat ay honeymoon namin. Subalit--- dahil sa nangyaring sunog sa bayan nitong Isla Katalina. Ay hindi natuloy ang pulot gata namin ni Stanley. Para kasing hindi makatarungan iyon! Nalaman din namin, na ang pinagmulan pala ng sunog ay ang pagputok ng kuryente. Sobrang lumaki rin ang apoy. At ilang bahay rin ang nasunog. Kaya iyong magaling kong asawa. Busy hanggang ngayon. Parang gusto ko tuloy tawagan si Boss Zach. At humingin

