Parang gusto kong maluha nang makakita ako ng napakaraming pato ang dumaan sa aking harapan. Ang kakapagtaka pa ay nakapila sila habang naglalakad. At may nakadikit sa katawan nila na--- "I love you, honey pie. Papakasalan mo ba ako ulit?" Iyon ang mga katagang nakasulat sa mga katawan ng pato. Hanggang sa biglang sumulpot sa aking harap si Stanley. Sabay luhod sa aking harapan. Habang nakaangat ang singsing na hawak nito. "Kung hindi ka ulit magpapakasal sa akin. Hindi ako aalis dito," pananakot ng lalaki sa akin. Marahas kong pinitik ang noo nito. Di ba kasal na tayo?" asar na sabi ko. Habang umiiling ang ulo. "Tumayo ka nga riyan. Mag-usap muna tayo," anas ko ulit sa lalaki. "Okay, mag-usap muna tayo. Kaya lang. Para makatiyak ako. Ay ilalagay ko na sa iyo itong singsing," saad ng

