(TAMARA'S POV) Maliksi sana akong iiwas dahil nakita kong hahawakan ako ng lalaki. Subalit masyadong mabilis ang kamay ng binata. Agad akong kinapitan sa aking beywang. At mas inilapit pa nang husto sa kanyang katawan. Para bang ayaw akong makawala sa kanya. Tumingin din ako sa aking mga tauhan. At tila nalilito rin sila sa mga nangyayari. Iba kasi ang plano namin. At palagay ang loob ko na tatanggi ang lalaki dahil magpapakasal na ito sa ibang babae. Naisip ko ring gawin ang bagay na ito. Upang paalisin ako ni Staley sa bahay nito. Ngunit--- bakit nag-iba yata ang aking plano? Bakit ang labas ay parang nagkakatotoo? Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking gagawin. Dahil labis akong na-shock ng mga oras na ito. "Father, tanungin muna siya. At nang makapag honeymoon na kami," utos ng lal

