Napaurong ako sa sigaw ng lalaki. Malakas din nitong hinampas ang ibabaw ng table. At nakikita ko sa mga mata ni Stanley ang galit sa akin. Kaya alanganin ako ngumiti rito. "Ala, eh, aalis na ho, Sir," anas ko at pagkatapos ay nagmamadaling humakbang papaalis sa silid na ito. Nagdedisyon muna akong pumunta sa likod bahay para kontakin sina Zero. Gusto kong mauna sila sa M- O Resort. Para alamin kung ano ang nangyayari na roon. Sumagot naman sa akin si Zero. At sinabing aalis na raw sila para pumunta sa resort. Ako naman ay naghanda na rin para umalis dito. Ngunit nag-iisip ako kung magpapaalam pa ba ako sa lalaking iyon? O, baka kasi masakal na ako nito ng kawang. Kawawa naman ang aking leeg na maganda. Hanggang sa magdesisyon na lang akong kausapin ito. At nakakatiyak akong matutuwa a

