(TAMARA'S POV) Gusto kong matawa sa istura ng mukha ng lalaking nasa harapan ko. Napansin ko rin na parang na gulat si Spark. Ngunit hindi ako nagpahalata na gusto kong humalakhak ng malakas. "Ala, Sir, may ipagagawa ho ba kayo sa akin? Sabihin mo na ho, habang wala pa akong ginagawa," anas ko sa lalaki, sabay ngunit din. "No!" Seryosong sabi niya sa akin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na pumasok dito sa loob ng kusina. Ako naman ay muling nagpatuloy sa pakikipag-usap ko sa cellphone ko, ngunit ang totoo ay wala talaga akong kausap sa kabilang linya. Ang totoo niyan ay binantayan ko talaga si Stanley na lumabas ng library niya. Anak ng tinapa! Dahil ang tagal kong nakatayo sa harap ng pinto ng library nito. At kapag may dadaang tao ay agad akong nagtatago sa likod ng malaking vase. At na

