Malakas ang kalabog nang tuluyang makapsok ako sa loob ng truck. Kasabay noon ang muling pag-untog ng aking ulo. Ngunit hindi ko iyon ininda. Ramdam ko pa nga ang dugong lumabas at dumaloy sa aking noo, dahil sa pagka-untog ko. At nang tumigil na ang kotse ay angmamadali namang akong lumabas. Nakita kong nagkalat ang laman ng truck. Tama nga ang aking hinala. Nandito ang gold bar at mga gamot. Maliksi ko namang kinuha ang aking baril lalo at naririnig kong nagkakagulo na sa labas. Agad ko itong kinasa, pagkatapos ay walang babalang itinutok ko sa lalaking balak sanang pumasok dito sa loob ng truck. At pagkatapos at magkakasunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko. Mabilis akong kumilos sabay talong, ngunit--- naka-umang ang aking kamay habang nakikipagsabayan ng tutok ng ba

