"Ohh! My God! Totoo ba, kuya Stanley? Kailan pa!" palatak ni Tine, habang panay ang talon nito dahil sa tuwa o parang kinikilig din yata ang pasaway kong kaibigan. Jusko po! Ano ba itong napasukan ko? Bakit ba hindi man lang ako nag-isp? Ano kayang mangyayari sa akin nito? Paktay talaga ang aking misyon nito. Tumikhim muna ako. "Hmmm! T-Tine, teka lamang! Namali ka nang dinig, ganito kasi iyon---." Subalit bigla namang inalis ni Spark ang aking kamay sa bibig niya. Mas nagulat ako nang basta lang akong hilahin papunta sa kanyang harapan, sabay yakap sa akin, ngunit tinakpan din nito ang aking bibig gamit naman ang kamay niya. "Ako na magpapalinawag, sis," anas ng lalaki. "My Gosh! Kayo na nga! Saka, kahit hindi ka na magpalinawag, Kuya Stanley, nakikita ko naman na kayo na nga!" bu

