Asar na asar tuloy akong tumingin sa bracelet na nasa pulsuhan ko. Naku! Malalagot talaga sa aking ang lalaking iyon! Hanggang sa muli akong napatingin sa babaeng leader ng Blue Lion's. At nakikita kong papalapit na siya sa akin. Kaya naman agad akong naghanda. Lalo at ang mukha ko ang puntirya ng babaeng baliw. Kaya naman maliksi akong tumalon papalayo sa rito. Subalit, agad din akong sumugod para makipagsabayan sa babae. Mala-kidkat kong winasiwas ang hawak kong arnis stick. At agad na pinatama ko sa leeg nito. Ngunit nasangga ka agad ng babae ang aking pag-ataki at gamit ang hawak niyang arnis. Hanggang sa umigkas naman ang isang paa ko papunta sa sikmura ng babae. Dahilan para ito'y bumagsak. "Miss L!" sigaw ng mga tauhan ng babae. "Huwag kayong lalapit! Kaya ko ang babaeng it

