DEIMOS GUMALING na si Ate Carla. Nanumbalik na ang sigla sa mukha niya. Sa susunod na taon ay puwedeng na silang bumalik sa Pilipinas. Habang kinukuwento niya iyon sa akin, makikita mo sa mga mata niya ang excitement. Masaya ako para sa kaniya. Wala rito sa kanila si Kuya Emilyo. May pasok kasi ito ngayon sa kaniyang trabaho sa hospital bilang isang janitor. Nakatutuwang isipin na hindi pa rin nagbago si Kuya, kayod-kalabaw pa rin ito para sa pamilya niya. Nakipagkuwentuhan din sa akin si Lolo. Nagtanong siya kung madalas ba kaming nagkikita ng apo niyang si Grey. Ang buong akala niya yata ay matalik kaming magkaibigan ng lalaking iyon. Hinanap ko si Ikay sa paligid, ang sabi ni Ate ay nandoon pa raw sa university. Mukhang nag-aaral talaga ito nang mabuti. Excited na sana akong magta

