DEIMOS NANDITO lang ako sa kama at iyak nang iyak. Niyakap ako ni Phobos at humagulgol din ito. Pinipilit niyang maniwala ako na hindi sa kaniya iyon. Paano ako maniniwala sa kaniya? Huli na siya sa akto, hindi nga lang kulong. "Deim, hindi nga akin iyon," anito. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya. Nanginginig din ang katawan niya nang katulad sa 'kin. "Phobos, bakit?" "Anong bakit? Hindi nga akin iyon. Hindi ko alam kung bakit may condom sa sasakyan ko. Deimos, maniwala ka naman sa akin." "Paano ako maniniwala sa iyo? Tell me. Kung hindi iyon sa kaibigan mo, kanino? Uuwi na ako bukas. Ayaw ko na sa iyo. Tama na." "Deim, 'wag mo itong gawin sa akin. Tatlong taon kong hinintay na makita kang muli tapos aalis ka na lang dahil sa pangyayaring iyon? Hindi nga akin iyon."

