Kaede's POV Sila na ang nag-eenjoy. Bakit ba kasi ako sumali sa gimik nila? Katropa din ako ganun?? Spell Out of Place? K A E D E Kaede! Makapaglaro na nga lang din. Pumunta na ako dun sa token booth at bumili ng apat na token. 20 pesos din yun. Umupo ako sa harap ng laruan na ang pangalan ay Indiana Jones. Parang panghollywood lang eh. Yung palabas na Indiana Jones. Hehe Paano ba laruin toh? hmmm Binasa ko yung instruction sa gilid. Ahhh..Pattern pattern.Number pattern siya. Kapag may nakuha ka kahit isa sa mga pattern eh may kalakip na premyo. Token din. Pero pwedeng madami ang babalik sayo. Hihilahin lang yung parang ewan ano tawag dito tapos ikaw na ang magta-timing kung gaano kalakas para mashoot yung mga bullet sa mga nakahilirang numero. hehehe..Parang maganda tong la

