Kaede's POV "I'm flying to korea tonight." I know he's kidding!! Tumawa ako sabay hampas sa kanya."Wag ka ngang magbiro ng ganyan Gin. Sira! Kumain na tayo." "I'm not kidding Kaede. Sorry. My mom wants me there. And...I have to be there for her." Malungkot na sabi nito. Tahimik lang ang D7G. Mukhang alam na nila. Kaya siguro ang bait ng demonyong katabi ko kanina. Iiwan na ako ni Gin!! Iiwan na ako ng nag-iisa kong kaibigan, bestfriend at kapatid. Kaya pala iba yung feeling ko sa mga ngiti niya. Nilantakan ko nalang yung pakpak ng manok sa plato ko. Bahala silang sabihing PG ako. Nagpatuloy naman yung iba sa pagkain. Pero tahimik lang din sila. Mas naging awkward tuloy!!Kainis! "Bakit ngayon mo lang sinabi, tapos ngayong gabi ka pa aalis. Kainis ka alam mo yun?" Mahinang sabi ko.

