DESERVE JULIE Walang naglakas loob na umimik matapos nang galit na galit utas na iyon ni Wowa. Even Papa was quiet. Ininda lang niya ang sampal na ibinigay sa kanya nito at hindi man lang napalitan ang kanyang reaksyon. It was like he already saw it coming. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko maiwasang masaktan para sa kanya. He's still my father after all. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit na hindi ganoon ang nararamdaman niya para sa akin. Popsi put a hand on Wowa's shoulder in a way to calm her. Hindi ko alam kung epektibo ba iyon dahil ganoon pa rin naman ang kanyang ekspresyon. She looked so stern, parang anumang oras ay isa na naman siyang bulkang muling sasabog. Napatingin ako kay Kuya Jos at malungkot niya lang akong tinitigan. I gave him a regretful look na nagpabuntong

