WOWA JULIE "Need a ride?" Napatitig ako sa singkit na mga matang ngayon ay tila nakangiting nakatitig sa akin. Who is this guy? Why would he ask me that? Hindi naman kami magkakilala. Hindi naman niya siguro iniisip na gaya ako ng ibang babae na mapi- pick up na lang basta hindi ba? "N- no, thanks." Pagtanggi ko naman. Lumingon ako sa hotel at naisip na kailangan kong tuluyang makalayo roon. Hindi ako pwedeng abutan ng kahit sino rito. I have to leave as soon as possible. Akmang aalis na ako nang biglang bumukas ang pinto ng driver's seat ng kotseng pumarada sa aking harap. Lumabas mula roon ang lalaki. Agad kong naramdaman ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Oh no, what is he planning now? "Wait, Juliette!" Natigilan ako pagkarinig sa aking pangalan. H- how did he know my

