Chapter 7

1169 Words
Alex's Pov Nagising ako dahil sa alarm clock ng aking phone. Nakalimutan kong patayin kagabi, eh Linggo naman ngayon kaya walang pasok. Pagkadilat ko ng aking mga mata naalala ko ang nangyari kagabi. Paglingon ko sa aking kaliwa ay hindi na mahagilap ng aking mga mata ang babaeng dinala ko rito kagabi. First time ko magdala ng ka-s*x sa bahay ko, the last time I had s*x here on my bed was my ex-gf and I don't usually f**k strangers. Hindi ko alam kung anong humila sa akin para sundan sya sa Cr kagabi at halikan ito. Napakabilis nang pangyayari ngunit hindi ko inaasahan na aalis ito nang hindi nagpapaalam. Kinuha ko ang t-shirt na suot ko kagabi at lumabas ng kwarto, inaasahan kong matagpuan s'ya ngunit nabigo akong makita ito. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom ito. Napatulala na lamang ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko ugaling makipagtalik sa iba lalo na kapag hindi ko kilala. Gusto ko makipagsex ako sa nagiging jowa ko lang. The last time I'm having s*x was with my ex. Inaamin ko na may mga kahalikan na akong strangers pero hanggang doon lang. And I never brought someone dito sa bahay. Pero the moment nang hinalikan ako ng babaeng 'yon sa entrance para akong hinigop ng kalawakan. Hindi ko magawang makakilos pakiramdam ko kilala ko na ang kan'yang labi. Pakiramdam ko ay may mga alaala na pumasok sa king isipan ngunit hindi ko ito maipaliwanag. Hindi ko man lang nakuha pangalan n'ya kahit cellphone number or f*******:. Bakit kasi hindi pa nagpaalam sakin na aalis. Hindi ko naman s'ya tatakbuhan. Kinuha ko phone ko at nagtry magtingin sa mga suggested friends ko at sa friend list ng mga kaibigan ko kung sakaling makita ko s'ya ngunit ang hirap nga hanapin ng isang tao kung wala kang alam kahit isa tungkol sa kan'ya. Ang bobo ko naman kasi hindi man lang ako nagtanong ng pangalan n'ya kagabi, sunggab agad ng halik eh no. Hiling ko na lang ngayon ay ang makita sya. Ilang oras na ata ako hindi makapagfocus sa ginagawa ko. Kasalukuyang inaayos ko ang journal ko at naaiisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan n'ya para umalis nang hindi nagpapaalam. Siguro ayaw n'ya nang may mamamagitan pa sa aming dalawa. Naiintinihan ko din naman, maybe she was shocked knowing that she's straight. But I'm still hoping that I will meet her around. Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit ganito attachment sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan ay nais kong maramdaman muli ang kan'yang presensya. Sana ay makita ko sya muli. ______ Alleona's Pov "What????" sigaw sa akin ni Mari. Kasalukuyang nasa bahay ako ni Mari dahil nais ko ng kausap sa mga nangyayari. Para akong mabaliw sa kakaisip sa nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan na magsisimula sa dare ang lahat at mauuwi sa pakikipagsex sa isang babae. "Kaya ka pala biglang nawala kagabi, akala namin ay tinakasan mo na kami dahil nakuha mo na ang seven thousand. Hindi ka man lang nagpainom." "Sorry na, hindi ko rin alam kung bakit sumama ako sa kanya." "So hindi ka na Virgin?" natatawang tanong nito. "Siguro? Consider pa rin ba yon kung babae ako nakipagsex? Am I not Virgin anymore?" "Gaga, 'wag mo na lang isipin mababaliw ka lang." sabi nito. Na para bang hindi nagtanong kung Virgin pa ba ako. Gulo rin nito kausap eh no. "Papuntahin mo nga si Zia dito parang wala akong makukuhang matinong sagot sayo. Hindi ka rin matinong kausap." "Ouch ah, grabe ka sakin." "Joke lang ito naman." napahilamos na lang ako ng aking mukha. "Alam mo Ally, Hindi mahalaga kung Virgin ka pa ba or hindi. Ba't mo kasi prinoproblema yan? Dahil lang ba sa babae naging kasex mo? " "Hindi ko alam." tanging naisagot ko dito. "Ano bang naramdaman mo after ng s*x?" "Gusto ko ng part 2?" biglang tumawa nang malakas si Mari. "Dejk lang, may part naman sakin na hindi nagsisisi. And honestly it was a great night and amazing experience." "Eh anong prinoproblema mo?" tanong ni Mari. "Hindi ko lang alam kung tama ba ang ginawa ko? Pano kung magkita kami uli?" "Bakit mo kasi iniwan agad nang hindi nagpapaalam?" "Ewan ko hindi ko alam. Sa lahat ng nangyari naguguluhan pa rin ako pano humantong ang lahat sa ganito." "Akala ko ba nagustuhan mo?" tanong nito sakin. "Oo nga pero..." "Pero?" "Tama ba na nangyari yon?" "Baka kasi nakonsensya ka lang na iniwan mo sya kanina na tulog." "Siguro." "Staka for sure malabo nang magkrus na ang landas n'yo. Except na lang kung magkita kayo sa bar na yon." "Expect naman kung babalik na ako don." "Yon naman pala eh kaya malabo nang magkita pa kayo, staka sabi mo nga hindi nyo alam ang pangalan ng isa't-isa. It was just a one night stand Ally, and it's not a problem kung kanino or sino ka man nakipagsex kasi nangyari na ang dapat nangyari and wala namang nangyaring masama. Please take note lang na always be safe." napabuntong hininga na lang ako. After what happened hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ka praning sa nangyari o baka hindi ko lang talaga maalis sa isipin ang nangyari lalo na ang kan'yang mga ngiti. Tama si Mari imposible nang magkita kami muli, sa laki ng mundo magkikita pa ba kami? Aasahan ko na lang maging alaala ang lahat pero sa kabilang banda hindi ko alam kung bakit ako nanghihinayang? Eh tama naman ang nangyari pa dapat kalimutan n'ya na lang ako dahil wala rin akong balak makipagrelasyon sa isang kap'wa babae lalo na magulo ang mundo ng isang katulad n'ya. Mahirap ito tanggapin ng mundo. Madami akong dapat gawin ngayon na mas importante pa sa nangyari kagabi. Mas importante pa plates ko na kailangan kong ipasa. Dahil lang sa nangyari kagabi andito ako kay Mari imbes na gawin mga plates ko. Pano nga kasi hindi ako makapag focus dahil sa kakaisip ng mga nangyari, kung iisipin mo hindi naman sya big deal hindi ko din alam kung bakit ko sya iniisip. Kung makipagtalik ka sa isang stranger asahan mong kakalimutan nyo na ang isa't-isa pero sa nangyayari sa akin ngayon gusto ko syang balikan sa bahay n'ya at kausapin. Nababaliw na talaaga ako kasi hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko din maishare nang todo sa mga kaibigan ko eh puro straight naman ang mga to hindi rin nila maiintindihan kahit sinasabi ni Mari na walang mali pakiramdam ko iba pa rin kung sa taong nararamdaman at naiintindihan mga iniisip mo. Ako nga ang nakaranas ay hindi rin maintinidhan ang sarili pano na kaya ang iba? Nakakabaliw talaga isipin ang mga bagay bagay lalo na kapag ang hirap pakinggan nang sarili. Hiling ko na lang ngayon ay hindi na magtapo pa ang aming mga landas. Hayaan na lamang na maging alaala ang lahat. Ngunit sa kabilang banda may bahagi pa rin sa akin na nanghihinayang kung sakaling hindi na kami magtapo pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD